CHAPTER 17 (My turn)

37 4 0
                                    

(CAMILLA)

Nakikinig lang ako sakanila habang nag-aaway na ang mga kasama ko dito, dahil hindi alam ng nung representative ng kabilang group kung ano yung kanta. Kaya nandito kami kung sinong ilalaban.

"Sinong nakaka alam ng song na yun? siya na lang ang isasalang natin." Sabi nung isa sa mga groupmate ko wala namang magtaas ng kamay.

"Si Camilla na lang for sure alam mo yan hindi pa siya nakakasubok dun. Si Arianna Grande naman eh. Try mo lang may lyrics naman na pwedeng tignan." Sabi pa nung isa, kung ikaw kaya. Gusto kong sabihin sakanya kaso nakatingin na sila saakin na nagmamakaawa. Kaya wala na akong magawa. Alam ko naman yung kanta pero hindi lang ako confident. Bahala na, babagalan ko na lang ang takbo. Para hindi ako ang mapili.

"1.2.3 GO!" Hindi ko alam pagkasabi nun napaktabo rin ako nang makita ko silang nagtakbuhan rin ako. Hindi ko namalayan ako pala ang nauna kaya napatingin na lang ako sa harap ng judges. Shocks! your in trouble Camilla.

"Parang nawala ata sa sarili si no. 49 at hindi siya makapaniwala na siya ang nauna sa mga kalaban niya. Ang bilis mong tumakbo hahahaha. So here is your song no. 49... Right There by Ariana Grande" shocks alam ko naman yung kanta pero kasi hindi ko kabisado yung rap niya ng konti. Bahala na basta may point na diyan.

RIGHT THERE

(Ariana Grande)

You got it, you got it, babe

You got it, you got it, babe

You got it, you got it, babe

You got it, you got it, babe

]Boy, you make me feel so lucky

Finally the stars align

Never has it been so easy to be in love

And to give you this heart of mine

You know what

I need

I know what you like

Put it all together, baby, we could be alright

How could this be wrong when it feels so right?

Yeah, I really love you

I really love you, oh

And I'll never let you go

You should know

I'm never gonna change

I'm always gonna stay

You call for me,

I'm right there (right there)

Right there (right there)

'Cause you listen and you care

You're so different

No one compares

And if you never change,

I'm gonna stay right there

I'll always be right there

You got it, you got it, babe

You got it, you got it, baby

"Okay, thank you, Miss 49. That was a lovely performance. You become a little anxious at first, but you did it wonderfully. Additionally, you hesitated but made an effort. So I'll give that 10 points. " Sabi ni Judge Lorienne. Nakahinga naman ako ng maluwag binigyan nila ako ng 65 na score lahat kaya natuwa na rin ako. Pagkarating ko sa group nakipagyakapan sila dahil first time naming makakuha ng score. Hindi na ako nakisali uli. Pero nanunuod lang ako sa kabilang team naman nakita kong si Jhoanne ang isasali at isa sa makakalaban niya ay si Eraizha na mukhang hindi seseryusuhin. Dahil napilitan lang ito pero hindi pinapakita ang pagkairita sa group niya.

Wala namang nauna sakanila dahil mas nauhan sila ng kabilang group. Hangang sa matapos ang game na ang pinakamaraming points ay Group nila Gette dahil teamwork sila at sa tingin ko isa sila sa maganda ang group. Dahil hindi mo maririnig na nagbabangayan sila at chinecheer pa nila ang isa't-isa hindi tulad sa mga ibang isa na ang group namin. Magsisihan pa kapag hindi nagawa ng maayos. Kami tuloy ang pinakamababa dahil ako lang yung nakapagbigay ng points sa group namin.

"Oh, ba't nakasimangot ka na naman diyan Era. Kanina pa hindi maganda yang timpla ng mukha mo. May problema ba?" -tanong ko sakanya. Umirap naman ito kaya hindi na lang ako nagtanong uli. Baka sa akin niya maibutong yung galit niya nakakatakot rin ang isang ito pag nagmaldita.

"Paano ba naman, dahil siya yung sinisi ng isa sa mga kagroup niya kung bakit mababa yung score nila. Or should I say yung feeling leader ng grupo nila kanina. Hahaha kaya yan badtrip siya." - sabi naman ni Ellese, siya kasi yung malapit sa group nila Eraizha.

"Hindi lang naman ako yung nagpatalo roon. Kasalanan ko ba na mabait ako at pinaubaya ko na lang sa kalaban yung pwesto." Sarcastic na sabi nito. Kasi naman dapat siya yung makakauna doon kaso mukhang nang-aasar ata kaya binagalan ang takbo nito kaya hayun. Nakuha tuloy yung pwesto para sakanya.

"Ang bad mo rin no. For sure pag nagkataon ulit baka ayaw ka na nilang kagroup dahil mapagbigay ka." Tukso ko sakanya.

"Di wag! Bakit akala naman nila kawalan ko yun. Ayaw ko rin naman sa group nila. Lalo na yung feeling leader dun. Akala mo kung sino. Porque siya ang pinakamataas saatin aasta na siyang parang reyna dito. Tignan lang niya pag nagkita kami. Kung wala lang talagang camera doon kanina baka nagkasagutan kami." Sabi pa nito. Halatang galit siya dito.

"Tara na, nakakagutom rin pala ang walang ginagawa." - pagpapalit ng topic ni Jhoanne sumang-ayon naman kaming lahat. Si Gette naman tahimik lang ito. Nakikinig, pero hindi mo alam kong anong pumapasok sa isip niya.

Nasa cafeteria na kami ng madaanan namin yung tinutukoy ni Era na feeling reyna daw at kasama talaga niya yung mga top. expect syempre si Ellese dahil nasa amin siya.

"Speaking of, I thought you were about to confront her; here is your moment." -sabi ni Jhoanne. Hindi naman siya pinansin ni Eraizha at umirap pa ito. Alam ko namang hindi siya gagawa ng eskandalo dito dahil may hiya pa naman siya.

Napatingin naman dito yung top 2 namin. Ano nga uli yung pangalan niya? Jelliane, tama!. Nang makita niya ang grupo namin or should I say si Era lang pala. Inirapan niya ito. May binulong naman sakanya yung isang kasama niya na nasa top rin alam ko. Si Denisse. Tapos nagtawanan sila at umalis na. Ano yun parang timang lang?

"May mga sayad ata yung mga yun. Buti hindi ka nakigrupo sa mga yun Ellese, kundi itatakwil kita. "- Jhoanne.

Hindi naman na namin sila pinansin pa at pumila na lang. Pinahanapan naman namin si Gette ng table namin tapos kukuhaan na lang namin siya ng pagkain niya. Pumayag naman ito.

👑👑👑👑👑

#Facts!! si Gette ay Hindi talaga tahimik yan. Observant lang siya. 

Wahaahaha!!!

BATTLE FOR THE FAME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon