CHAPTER 12 (PARTY NIGHT)

49 2 0
                                    


(Ellese)

Kumatok ako sa kawarto ni Camilla. Masaya ako dahil siya ang karoommate ko dito.

"Carms, tapos ka na ba diyan?" Tanong ko dahil mukha natutulog na ata siya. Kumatok uli baka hindi niya narinig.

"Pasok ka na!" Sigaw naman nito. Tumuloy naman na ako sa room niya.

"Bakit ba antagal mo? Dapat 6 pm nandun na tayo sa venue." Tumingin naman ito saakin.

"Okay lang ba itong isusuot ko? Para kasing hindi ako komportable dito." Tinignan ko naman ang royal blue maxi dress na suot niya. Bagay naman sakanya pero yun nga lang para ng may kulang. Kulang ng confidence niya. Kahit gaano pa kasi kaganda ang suot mo kung wala ka namang confidence na dalhin mo, mawawala rin yun.

"Mas maganda kung nakachin up ka. Para mas gumanda yang suot mo. Kulang ka lang ng confindence. You also do not need to wear these glasses." Inalis ko naman yung eyeglass niya. Perfect.

"Eh, hindi ako sanay ng walang glasses hindi ko makita masyado yung daan." -pag-aalibi pa niya.

"Yung contact lens mo na lang ang isuot mo. Alam ko meron ka nun."

"Kainis, wala na talagang takas nito." Bulong pa niya.

"Siya nga pala wag mo ring babalaking magdala ng pandong mo. kung hindi itatali ko yun sa leeg mo hangang sa masakal ka." Pagbabanta ko sakanya. Oh taray ganyan na kaming magsalita sa isa't isa para bang matagal na kaming magkaibigan. Umirap naman ito saakin kaya lumabas na ako ng kwarto niya.

👑👑👑👑👑

"Bakit kasi may paganito-ganito pa? Hindi na lang simpleng party ang gaganapin."- narinig kung bulong ni Camilla. Naglalakad na kami papuntang venue at walang tigil ang reklamo nito. For sure damit nanaman niya ang prenoproblema niya. Bagay naman sakanya at medyo mahaba naman yung maxi dress na suot niya maliban na lang dahil manipis lang ang strap nito kaya kita yung kutis ng balat niya. Lalo pang tumingkad ang puti niya dahil sa kulay.

"Wag ka na nga magrereklamo diyan. Baka gusto mong isumbong kita. Sabihin kong nagrereklamo ka sa production na ito. Iterminate ka kaagad." Umirap uli ito pero hindi na uli nagsalita pa.

"Dun na tayo umupo, yan sa sobrang tagal mong mabihis wala na ata tayong mauupuan."

"Di, alis na tayo."

"Sira, gusto mo tayo lang wala dito. Paano kung may ipagawang activities tapos wala tayo dito. Di lagot pa tayong dalawa. Halika na may nakita ako sa likod dun." Hinila ko naman siya. Dumaan naman kami sa may table nila Wyn. At ang loko may tropa na rin ayos yun. Buti na lang at bawal mag-usap dito ang opposite sex kaya hindi niya ako nagugulo. Medyo nakalaya ako sa mga pang-aasar niya saakin at pang stalk na rin. Umupo na kami sa bandang likod atleast hindi kita dito ang camera. Nakakasawa ring palang maexpose ka sa camera at hindi na ako natutuwa doon kung pwede pa nga hangang sa pagtulog at pagpunta sa cr ivivideo nila.

"Good evening participants and welcome to everyone else in the room." -Host. Na si miss Resse.

"Sa gabing ito hindi lang party ang magaganap dito. Siguro naman aware kayo na mahilig ang production na ito ng surprise hindi ba?" Nakangiting sabi ng host. .Yah, aware na aware talaga.

"That's why after your dinner here.. We will announce your activities for this night.. Baka kasi kapag nalaman niyo hindi kayo makakain ng maayos or worse hindi na kayo kakain hahahahaha. So enjoy and after an hour I'll come back."

"Sabi ko na nga ba." Napatingin naman ako sa nagsalita kaya tumingin rin ito at ngumiti. "Ay sorry, Ahm pwede bang makishare ng table niyo wala na kasi akong makitang table." Nakangiting sabi nito saamin ni Camilla

"Sure, have a seat"

"Thanks ha, siya nga pala may mga kasama rin kasi akong hinihintay pwedeng makishare na rin sila. Pero kung may mga kasama na kayo. Ahm aalis na lang ako."

"No, it's fine , wala naman kaming kasama you can share with us too."

"Thanks talaga ah, matagal kasing magbihis kasi yung mga yun kaya pinauna na nila ako. Nga pala Jhoanne." Inabot naman nito ang kamah niya kaya nakipagkamay na ako.

"I'm Ellese, and this is Camilla." Turo kay Cams kaya nakipagshakehand rin ito.

"Hay sa wakas nakarating rin sila." Kinaway naman ni Jhoanne ang kamay niya at winagaway ito para makinung mga kasama niya na nandito siya. Nakita ko naman yung dalawang babaeng papalapit yung isa nakablack dress yung isa naman naka red dress.

"Ba't antagal niyong dalawa? Hindi niyo tuloy na abutan yung announcement."

"Ano?"

"Nagcheck sila ng attendance tapos pagkatapos daw nating kumain aalis na tayo." Seryosong sabi pa nito. Gusto kong matawa sa kanila dahil seryoso rin yung dalawang babae na nakatingin kay Jhoanne.

"Joke! hindi naman mabiro mga ito. Mamaya pa i-aannounce kaya kain mo tayo na gugutom na ako kakahintay sainyo. Nga pala hindi ko pa kayo napapakilala sa dalawa. Ellese and Camilla. Si Gette at Eraizha nga pala." Nagshakehands naman kami pagkatapos ay nagkwentuhan kami. Ang pinakamaingay ay si Jhoanne susunod lang si Eraizha I know her dahil isa siya sa mga sikat na actress at balita pa sakanya ay pangit raw ang ugali nito. Pero sa nakikita ko parang malayo yung mga sabi-sabi sakanya dahil maingay ito at parang walang pakialam sa surroundings niya hindi siya aware kung may nagkacamera man sa kanya.

"Once again, Hello everyone; I'm already back; can I please call all of the participants forward so that we may begin our activities for this evening?" Lumapit naman kaming lahat as usual magkahiwalay ang girls at boys.

"For your activities, we'll have a singing battle, of course. Boys versus Girls uli ito. The first battle is called..Concert battle, and the second one is Battle of the band... But we give it a twist for that. Pinagbunot namin ang mga audience kanina habang kumakain kayo. So meaning may napili na at i-aannouce na lang namin kung sino ang maglalaban-laban for that. Bali tatlong group ang maglalaban-laban. 2 groups for the concert battle at isa naman ang sa battle of the band. Sa bawat group may 5 members so that means 30 ang participants for the girls and boys. Yung mga hindi matatawag ay magiging audience so you need to support your team. The criteria for judging . 50% for the judges and 50% for the audience. Wag kayong mag-alala dahil kayo naman ang pipili ng kakantahin ninyo. At sa mga mananalong group may 500 points kayong makukuha plus 1000 points para sa participants na sumali. So goodluck."

"Pag natawag ang pangalan ninyo, Please step up to the stage. Ang una kung babangitin ay para sa concert battle. For the Girls team A , we have Zen, Michelle, Sephora, Abegail and last Missy. For the Boys team A sila ang mga makakatap niyo. We have. Wyn, Alex, Silver, Tristan and Chris." Binangit na rin ang team B ng boys at girls pero wala pang nababangit saaming lima. Hindi ko alam kung matutuwa ba kami or hindi dahil gusto rin namin na mag-ipon ng points.

"And for the Battle of the Bands:

For The Boys' Squad, we have Zephyr Villacorta as the lead singer. Vernon Sage Montessori and Michael Ledesma will handle the guitars. Anthony Marcello will be your pianist, and your drummer is none other than Jimmy Quizon.

For the Female Team, Brigette Fiore is the primary vocalist, with Driana Ellesse Faustin and Samantha Flores on guitars. Maxine San Agustin will serve as your pianist, and Lily Ambrosio will be your drummer.

That's all. You'll have one hour to choose the song you'll play. Best of luck, everyone!"

BATTLE FOR THE FAME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon