CHAPTER 18(FIRST TASK)

32 3 0
                                    


(ELLESE)

Nandito kami sa malaking function hall na pinagganapan rin kanina ng Karaoke Activity namin. Ngayon na namin malalaman kung anong first task namin at halatang exicited or kinakabahan ang iba. Syempre kasama na ako doon sa kinakabahan rin dahil dito na rin mag-iistart ang ellimination round pagkatapos ng Task Performance namin. Hindi rin namin alam kong ilan ang maalis.

"Good Noon to our future Idols!!. " - masayang Sambit ng host. At pumunta ito ng stage. Si Maam Riese talaga napakahyper parang nakalalak parati ng happy pills pero nakakatuwa. Dahil doon na lessen ng kaunti ang mga kaba at pag-alala namin.

"Do you know what's happening today? Yes, you're about to find out your first task performance! Are you excited to know what your task is for this week? Alright, let's not keep you waiting any longer. For your first task over the next two weeks, we're calling it the '2000s Collection.' What does that mean? We've gathered ten songs from the 2000s. We'll play them for you, and if you like a song, stay quietly in your seat—no talking or sharing about which songs you chose. Remember, pick the songs you like, not what others might prefer. Got it?" isa-isa namang nagplay ang mga song. Makikitang ang isa nakapikit habang dinadama ang kanta. May iba na sinasabayan ang kanta halatang gamay na at maaring iyon na ang piliin nila. Ako wala akong mapili dahil hindi ako familiar pero meron akong napupusuhan. 

These are songs.

For GIRLS

1. There you'll be - Faith Hill.

2. Everytime-Britney Spears

3. Brown Eyes- Disteny Child.

4. Yesterday- Leona Lewis

5. You're Still the one- Shania Twain.

For the BOYS.

1. Everytime-A1

2. Hero- Enrique Iglesias

3. I don't wanna missed a thing- Aerosmith

4. If I let you go- Westlife.

5. No Promises- Shayne Ward

"Sampung rooms ang pwede niyong pagpilian, tatawagin ko ang mauunang pumunta sa room. Let's start with No.58 mauna ka." Sabi ng host niya. Ramdom ang pagtatawag nito kaya hindi masyadong bias. After 15 to 20 seconds ay magtatawag ito ng no. ulit para papuntahin niya. Alternate ang pagtatawag niya sa girls at boys.

"Number 49 your next." Saamin lima nauna si Camilla. Tumayo na ito.

"Number no 7 , sumunod ka na." Sumunod naman sakanya yung lalaki. Si Maze.

"Next number 28." Tumayo naman si Gette sa kinauupuan at hindi na siya nag-abalang tumingin saamin.

"Next, number 1." Tumayo na rin si Zephyr. At magkasunudan lang sila Gette.

"Wow, pinagtatagpo talaga sila ng tadhana. hahaha." Kilig na sabi ni Jhoanne. Buti naman kami lang nakakarinig. Pahamak talaga. 

"Wag ka ngang maingay. Mamaya kung ano pang isipin sayo diyan. Mukha kang naiihi diyan."- sita ko sakanya.

"Number 60, sunod ka na." Tumayo naman si Jhoanne at nagwave pa ito saaming dalawa ni Eraizha.

"Number 18 sunod ka na rin." Natawa naman ako. Hindi ko alam pero nung tumayo si no.18 biglang napairap si Jhoanne sakanya pero hindi naman masyadong halata. Ano namang problema nun? Walang ginagawa yung tao sakanya.

"Baliw talaga ang babaeng yun." Bulong ni Era. Tumango naman ako sakanya. Tama naman siya kaso hindi nakakairita ang pagkabaliw niya. Infainess, nakahanap naman ako ng love team niya na hahaha. Masamahan nga rin sa kahibangan niya.

"Number 16. next." Tumayo naman si Eraizha sa tabi ko. Huhuhu ibig sabihin ako ang nahuli saaming lima.

"Number 11, your next." Tumayo rin yung naaalala kong pinaglolove team rin ni Jhoanne kay Era sa battle of the band yung masungit.

"Number 10 tumayo ka na rin your next." Tumayo naman ako. Naglakad naman ako sa may mga room at tinitignan ko ang bawat pangalan na nakakabit.

Hindi ko naman namalayan na napaatras ako at may nakabunguan ako. Napahawak naman ito sa balikat ko dahil nasa may likuran ko siya. Kaya napaharap ako sakanya.

"Sorry!'" Gulat na sabi ko.

"You okay?" nag-aalalang sabi nito. Tumango naman ako at naunang pumasok sa room. Mamaya kung ano pang isipin nila. Kunwari hindi kami magkakilala. Pahamak ka talaga Wyn. Hindi ko alam na siya pala ang kasunudan ko. Binuksan ko naman ang room at tumambad saakin ang siyam na babaeng nakasquat.

"Welcome to the Group. The Brown Eyes Princesses. " sigaw nila saakin.

"OMG, nandito ka rin pala. Gaya-gaya. Stalker!!" Nagpout naman ito kaya inirapan ko naman siya.

"Pwede ba Eraizha. Hindi ka kaistalk-stalk no." - sabi ko sakanya.

"Hula ko ikaw ang nag-isip ng pangalan noh?" Sabi ko sakanya. Ngumiti naman ito kaya ibig sabihin totoo. "Korni mo."

"Duh! Mahirap kayang mag-isip." Irap nito. Naka upo lang kami sa sahig habang naghihintay pa ng dalawang makakasama namin.

Nagpakilala lang kami sa isa't isa bago kami magstart. Para naman hindi ackward. Nalaman ko rin na si Era ang nauna pala dito sa song na Brown Eyes kaya siya na rin ang nagpangalan at dahil siya ang nagname ng group namin siya tuloy ang ginawang leader. Buti nga sakanya.

"Okay, ganito hindi porque ako ang leader ay wala na rin kayong gagawin. Kung may gusto kayong sabihin/suggestion ay pwede niyong sabihin sa akin. Basta sa ikabubuti at makakatulong sa group natin. Okay ba yun? " sumang-ayon naman kaming lahat dahil tama siya. Wow naman ang butihing leader.

"Kamusta kaya yung iba? Magkakasama kaya rin sila." Nasabi na lang bigla ni Era. Nagkibitbalikat naman ako. Pero sana magkakasama rin sila.

"Okay bukas na lang uli tayo magkita-kita. Sa ngayon ang kailangan muna nating gawin ay imemorize yung kanta. Yung mga dinivide na part sainyo ay aralin niyong mabuti. Goodluck to our team!" -sabi ni Era. Ilang oras rin kaming nadebate sa mga part namin. HIndi madaling hatiin lalo pa't napakadami namin kaya kakaunti lang maasahang exposure kaya kailangan magstand-out kaming lahat. Umalis na rin kami ni Era pagkatapos namin ayusin ang room na ginamit namin dito na rin kami magprapractice nang dalawang linggo. Dumeretso kami sa kanya-kanya namin room este ako lang pala dahil hihintayin raw niya yung tatlo.

"Magpapalit lang ako. Paki hintay na lang ako ha. Para makisabay sa dinner." Tumango naman ito at naghiwalay na kami ng daan na dalawa.

👑👑👑👑👑

happy reading

BATTLE FOR THE FAME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon