CHAPTER 43( CRUSH )

22 3 0
                                    


(Jhoanne)

Nagpapalit kami ngayong ng school uniform. Ang setting kasi namin ay school. Kadalasan kasi sa school nagsisimula ang crush di ba? Kaya dito napili ng director na magshooting nahihiya pa nga kami kasi pinagtitinginan naman kami ng mga students dito kahit nasa isang International school kami. Ang ganda nga ng uniform nila parang sa mga korean drama lang na yung mga palabas tungkol sa mga may kinalaman sa school ganun.

Tinali naman nila ang buhok ko at nilagyan ng light make up lang. Hangang ngayon nalulungkot parin ako dahil wala man lang ako kasama na close ko talaga, si Suri ang kasama ko dito. Nagkakausap naman kaming dalawa pero madalang lang feeling ko nga naiilang rin siya dahil siguro sa rank ko pero ayaw kong iparamdam yun sakanya. Kaya ako na mismo yung lumalapit sakanya pero sadyang tipid lang itong magsalita pero masasabi kong magaling siya.

ANG summary naman nitong music video namin na crush ni David Archuleta ay tungkol sa isang lalaking may gusto sa babae na hindi niya masabi in short, torpe. Pero hindi mo siya masisi dahil yung gusto ba naman niya ay isang tulad kong dyosa at popular pa kaya nakakatorpe talaga yun. So back to the story, ngayon yung TORPE na yun ay sa katauhan ni Clarke Steven na not so popular daw at may kaibigan ito. GIRL BESTFRIEND to be exact si Suri na may gusto sa kanyang bestfriend rin. Ngayon naman may isa pang character doon na si Lance na Popular in short campus heartrob na matagal ng nanliligaw saakin pero hindi ko siya masagot-sagot dahil may gusto daw ako kay Steven. Alam mo yung feeling na pinapatamaan ako ng script na ito. Pero matagal na iyon at kailangan ng ibaon ang feeling na iyon hanggang sa pinakailalim ng core of the Earth. 

"Jhoanne, okay ka lang? Nagusot na yang uniform mo." Hindi ko namalayang mahigpit pala yung pagkakahawak ko sa palda ng uniform.

"Okay lang ako Suri. Scene na ba natin?"

"Oo. Nandun na sila tayo na lang hinahanap." Tumango naman ako at sumabay na lumabas na.

Sa cafeteria ang setting namin. Maraming students, dito nakita ko naman si Lance at Steven na kinakausap si Direct kaya lumapit na kami.

"Alam niyo ng gagawin niyo ha! Ikaw naman Jhoanne kukulitin ka ni Lance pero hindi mo siya kakausapin dahil tinitignan or may hinahanap ka at alam mo na kung sino yung hahanapin mo. Okay." Tumango naman kami sa sinabi ni Direct. Kung pwede lang makikipagflirt na lang ako dito kay Lance kesa hanapin yung walang kwenta. Ang gwapo kaya ni Lance at mabait pa parati nga ako yung madalas kinakausap niya ganun rin si Suri pero halatang may gusto ito kay Suri nga. Kasi para siyang kinakabahan pagkinakausap niya ito. May pagkakahawig kasi si Suri kay IU ang bubbly ng mukha, mukhang mahiyain pa.

Nakaupo kami sa isang malaking table may kasama ako mga friends ko daw itong mga ito. Nagkwekwentuhan according to the plan pero ang totoo niyang tinatanong ko naman sila kung anong pangalan nila kaya napatawa ako sakanila. Until, dumating si mister popular at umupo sa tabi ko kaya bigla naman ako natahimik sa pagsasalita. Pero ang totoo niyang kinikilig ako. Yung mga friends ko naman ay panay tukso saaming dalawa. Ano ba! Kung hindi lang ito shooting kanina ko pa sila pinagpapalo dahil sa kilig pero dahil naka-on ang camera ngumiti lang ako ng tipid sakanila ayun na rin sa script at mapapatingin naman ako sa ibang bahagi ng cafeteria at makikita ang dalawang mukhang couples na kumakain. Para naman akong nasaktan dahil mukha silang tunay na nagdadate sa scene na yun nag-uusap rin sila. Kinalabit naman ako ni Lance at may sinusubo ito saakin ayaw ko namang tanggapin pero makulit siya kaya sinubo niya na yung cake saakin. Ngumiti naman ako ng bahagya sakanya pero hindi ko inaasahan na pupunasan niya yung gilid ng labi ko. Ngumiti ito saakin bago binalik ang tingin sa kinakain niya kanina. Halatang kilig naman itong mga extra na kinuha. Ano ba. Mas ako ang kinikilig eh.

"Cut! That was amazing; get ready for the next scene!"

Nag-ayos naman na kami nakipagkulitan naman ako dito sa mga bagong nakilala ko na extra sa scene. Maiingay rin sila. Naflatter pa ako dahil parati daw silang nanunuod nitong show at isa daw ako sa mga idol nila chars!. Mga grade 10 student sila kaya mas malaki ang agwat namin sa isa't isa pero kasing tangad ko na kasi kaya hindi halata na mas matanda ako sakanila.

BATTLE FOR THE FAME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon