CHAPTER 37 ( ENCOUNTER)

25 2 0
                                    

(Camilla)

"Camilla, sasama ka ba?"- tanong saakin ng isa sa mga teammates ko, napatingin naman ako kanila si Megan at Venice sila lang ang madalas kong makausap dito dahil mailap ang iba saakin. Sila na rin halos nakakasama ko dahil napalayo ako kila Gette dahil naman hindi naman kami magkakagroup. Hindi naman sa nagtatampo ako pero naiintindihan ko naman sila kaya. Nagkikita pa rin naman kami kaso madalang lang dahil masyadong busy dahil sa papalapit na performance uli namin. Kaya todo practice na kaming lahat.

"Hindi na siguro. Hintayin ko na lang kayo dito." Sabi ko sakanila nasa practice room kami.

"Sige dadalhan ka na lang namin ng pagkain dito. Sigurado ka okay ka lang ha!" Tumango naman ako sakanila para assurance. Umalis naman na sila. Naka upo lang ako sa sahig habang prinapractice ang part ko sa kanta. May mga kasama rin akong dito na kumakain pero wala lang pakialamanan. Hindi rin naman kasi ako yung tipong ikaw ang lalapit para i-approach sila kaya nagpagkakamalan akong masungit rin. Pero hindi na lang ako nagrereact.

Tumayo naman ako dahil nararamdaman kong tinatawag na ako ng kalikasan, kaya lumabas na ako at pumunta sa malapit na cr pero out of order pa ito baka kalilinis lang or what, kaya no choice at bumaba ako sa first floor dahil iyon ang malapit.

Medyo tago pa yun kaya wala masyadong tao at wala rin gaanong nakakalat na cctv. Bubuksan ko na sana yung pinto ng may narinig akong nag-uusap sa loob, napatigil ako sa may pinto at pinakinggan ang sinasabi nila alam kung bawal mag-eavesdrop pero kasi kilala ko yung mga nag-uusap. Kaya pinakingan kong mabuti.

"Bakit ba kasi nagdala ka pa ng pagkain para sakanya hayaan mo na lang siyang magutom doon? Ano ka utusan niya?''- narinig kong sabi ni Megan may pagkairita ito sa mga sinabi niya. Alam kong siya yun dahil medyo sumilip ako sa pinto nakita ko sila na nagsasalamin at nag-aayos.

"Ano ka ba! Kailangan natin siya para tumaas rin ang rank natin. Isa siya sa pinakapopular na dito kaya. Pagnalamang isa na tayo sa mga kaibigan niya na ngayon for sure yung mga suporter niya susuportahan na rin tayo. Duh! Hindi ka nag-iisip." - napairap naman ako ng marinig ko ang boses ni Venice. So, all this time kaya pala grabe ang lapit nila saakin dahil may kailangan rin sila. Para tuloy bumalik ako sa dati akala ko matatangap nila ako dahil hindi sa istado o anong kaya ko. Yun pala kailangan rin nila ako.

"Nakakairita na kaya. Masyado na siyang pa hard to get kala mo kung sino."" Naiiritang sabi ni Megan .

"Duh! Wag ka nang magreklamo diyan kung gusto mo pang makasurvive dito. Remember kahit gaano pa tayo kagaling kung wala tayong supporters hindi tayo sisikat kaya kailangan natin siya. Kung tutuusin nga mas magaling pa tayo sakanya noh. Trying hard nga siyang kumanta hindi ko alam kong bakit napasok pa siya dito." Nangangati naman ako dito sa labas at alam mo yung feeling na gusto mo silang kunprotahin pero pinipigilan mo lang yung sarili mo dahil ayaw mong may mangyaring gulo dito.

Nang maramdaman ko naman palabas na sila bigla akong nataranta kaya binuksan ko yung isang pinto sa tabi ko at pumasok dito para magtago. Pero nahimasmasan naman ako dahil naiisip ko bakit pala kailangan kong magtago sakanila di ba dapat sila ang mahiya saakin.

Ang kapal ng mukha nila para gamitin nila ako sa plano nilang sumikat. Pwes! Yung sinasabi nilang trying hard pala ipapakita ko kung sinong binabangga nila huh!

"F*ck!! Who are you?!" Galit na sabi ng isang boses kaya bigla naman akong napatingin sakanya at nanlalaki ang mga mata ko. At biglang napatakip ako ng bibig ko. Shocks!!! Anong ginawa ko? my precious eyes hindi na virgin ahhh!!!. Tumalikod naman ako sakanya at pumikit nagdadasal na sana lamunin na ako dito.

"Sorry, wala akong nakita. PROMISE! PROMISE" sinabi ko yun habang nakatalikod sakanya hindi ko alam kung tapos na ba siyang umihi. Wala akong alam! Wala naman talaga akong nakita dahil nakatalikod ito saakin at nakaharap ito sa bowl. Nataranta lang kasi ako dahil first time ko lang makakita ng umiihing lalaki. Hindi ako maniac.

BATTLE FOR THE FAME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon