CHAPTER 34 (3RD Mission)

28 2 0
                                    

(Jhoanne)

"For our third mission this week, we call it a face-off battle." Pag-uumpisa ng host. Nandito muli kami sa malaking hall at naka upo sa sahig habang nakikinig sa sinasabi niya. Hindi ko talaga expect na hangang ngayon nakasurvive pa ako. Magkakatabi kaming top 5 ngayon dahil inarrange by rank na. At ngayon na nga ay 3rd mision na raw namin.

"Magkakaroon tayo ng walong group apat sa boys at girls. Each groups contains 6 members at may isang group na 7 naman ang members."

"Dito hindi na kayo ang pipili ng group dahil ang mga judges natin ang nakapili ng inyong group at kakantahin. Si Miss Kyra at Miss Lorie na ang magsasabi kong saang group kayo mapupunta. So, I'll now turn the stage over to our lovely judges." -Miss Riesse, umalis naman na yung host at lumapit na rin ang mga judges.

"Hello, future FAME. Kanina nga nasabi na ni Miss Riesse kung anong susunod na mision niyo. But before that. What is this face off compition/battle? Dito sa next mission niyo kayo na mismo ang magkakalaban. You are one group, One song. Pero dalawang tao lang ang makakakuha ng benifit. The benifit contains 5k each at para sa mga hindi papalarin you have no benefit in short 0 point." Pag-uumipisa ni Miss Lorienne. Marami namang napasinghap sa sinabi niya.

"So, here are the songs you'll be performing: For the Ladies:

1. Power by Little Mix (Camilla, Venice, Suri, Megan, Sephora, Celine.)

2. Boss by. Fifth Harmony (Brigette, Eraizha, Jilliane, Cindy, Shena, Sonia)

3. Telephone by. Lady gaga (Britney, Lea, Georgina, Samantha, Lily, Camile)

4. Beautiful Liar by. Beyonce (Jhoanne, Sofia, Denisse, Pinky, Patricia, Briena, Ellese.)

For the Boys:

1. Versace on the floor by Bruno Mars( Sage, Steven, Carlo, Erick, Mark, Zach, Michael )

2. Attention by. Charlie Puth. (Zephyr, Wyn, Maze. Drake, Justin, Eros.)

3. International Love by. ( Anthony, Lance, Silver, France, Zoren, Miguel )

4. Dj Got us Falling In love. (Vince, Dustin, Tyler, Kian, Sydric, Marco)

"That's all. You can now go to your respective group and discuss the tactics you intend to use to enhance your performance." Pagkatapos nun pumunta na kami sa room assigned namin para doon na mag-usap. Hinila naman ako ni Ellese sa tabi niya at ngumiti.

Pagkarating nandun na halos lahat nakaupo sa sahig. Ang iba nakahalumbaba, ang iba naman pinakikinggan ang music na ipeperform. Umupo na lang kami malapit sa mga kasama namin.

"Hoy, kanina ka pa tahimik. Hindi ako sanay. May problema ba?" Biglang tanong ni Ellese. Kaya napalingon naman ako sakanya. Umiling lang ako. Pero mukhang hindi ito naniwala, hindi pa siya nagsalita. Hangang sa matapos ang practice namin kaya pumunta muna ako sa cafeteria para kumuha ng maiinom at makakain. May ilan rin na nandun at mukhang nagbreak lang sila. Umupo ako sa may bakanteng upuan hinihintay ko lang si Ellese may kukunin raw siya sa room niya. Inihiwalay ko naman ang pagkain naming dalawa para hindi na ako malito. Nakaharap ako sa may entrance kaya alam ko kung may pumapasok. May nakita naman akong pumasok at noong humarap ito sa gawi ko nagtama ang mga mata namin kaya ako na mismo ang nag-alis ng tingin pero nakita ko namang papunta ito sa gawi ko pero hindi na lang ako kumibo. Pinagdadasal ko na sana wala siyang nakita. Pero nang magawi ito sa upuan ko akala ko may nahulog ito kaya tinignan ko naman. Sasabihin ko sanang may nahulog ito pero pinigilan ko ang sarili ko dahil may mga tao sa paligid kaya ako na mismo ang pumulot. Nakita ko naman isang plastic ng candy, itatapon ko na sana iyon pero may naka ipit na papel kaya pasimple ko itong binuksan at alam kong sinadya niyang ihulog to sa harap ko. Umupo na siya sa kalapit ng upuan ko at nagkatinginan uli kami. Inirapan ko na lang siya. Nakita niya yung binasa ko kanina. Kaya pinakita ko sakanya kung paano ko icrample yung papel uli tapos pumunta sa malapit na basurahan at tinapon. Ano siya siniswerte. Nakita ko naman siya na umiling-iling. Kaya hindi ko na lang siya pinansin hangang sa nakarating na si Ellese.

BATTLE FOR THE FAME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon