[☆☆EPILOGUE☆☆]

30 1 0
                                    

(GETTE)

Two Years Later

Riiiiiiing!!!!

Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang marinig ko ang alarm clock sa bed side table ko, pinatay ko naman at inayos ang higaan ko. Lumabas naman na ako sa kwarto at inilibot ang tingin sa paligid dahil hindi ako sanay na ang tahimik sa loob ng bahay. Nasan ba ang mga tao dito?

Tinignan ko naman ang laman ng ref namin at laking pasasalamat ko dahil may natirang pagkain pa, ito yung luto ni Mama kagabi. Pinainit ko na lang ito at nagluto nang fried rice. Habang kumakain biglang nagring ang telepono kaya tumayo ako para sagutin ang tumatawag.

"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya.

"Hoy nasan ka ba? May mini concert ang The Fame. Kailangan nandito ka." Sabi ng boses sa kabilang linya, na pairap na lang ako sa hangin dahil instead na magpahinga ako kailangang nandoon pa pala ako. Ano namang gagawin ko doon dakilang supporter?

"Sige magpapalit lang ako, thanks Agnes." Napabuntong hininga na lang ako. Tinignan ko naman ang cellphone ko at maraming nagtxt pala doon 50messages 38 missed call sa iba't ibang tao. May isang message na napukaw ng pansin nag-iisang message lang yun pero grabe ang impact nito saakin medyo kinabahan pa ako ng kunti, pero kumalma rin. Maikling message lang yun na nag sasabing humanda ka pag hindi ka pumunta dito. Pupunta naman talaga ako nagkataon lang na late akong gumising.

Nakita ko naman ang txt ni Agnes saakin na location ng pupuntahan ko. Pagkatapos kung kumain nagligpit muna ako at naglinis ng buong bahay. Bakit ba mang-aasar ako wala naman akong gagawin doon tutunganga lang habang tumutugtug sila. White longsleeve na blouse naman ang sinuot ko at black fitted jeans at white na rubber shoes. Kinuha ko naman ang susi ng kotse at pumunta na sa dapat puntahan. Marami ring tumatawag saakin kaso hindi ko sinasagot dahil alam nilang hindi ako mahilig na sumagot ng tawag pero makulit pa rin sila. Kaya hayun, tinadtad naman nila ako ng mga txt nila.

Nakita ko naman si Agnes pagkapart ko ng kotse nakakunot itong nakatingin saakin.

"Ba't ba ang tagal mo ha babae ka. Kanina pa kita hinihintay! Ikaw talaga, haist baka hindi na nating maabutan ang mga Fame na kumanta. Halika na nga." Tumango naman ako sakanya. Tumingin naman ito sa suot ko at nanlaki ang mga mata. Parang may nakitang mali sa dinamit ko

"Bakit ganyan ang suot mo gaga?! Di ba sinabi ko sayo na magdress ka anything dress." Natatarantang sabi nito kaya napakunot naman ako sakanya.

"Okay naman ang suot ko ha! Manunuod lang naman tayo di ba? ." Takang sabi ko.

"Haist!! Basta! Maling-mali! Halika na nga naghihintay na sila saatin." Pumasok naman na kami sa isang resto bar at talagang familiar saakin ito dahil dito kami tumutugtug dati. Bakit naman kaya na isipang na dito mag mini concert ng the Fame? Saka maghahapon palang naman alam ko gabi sila nag-oopen dito para sa gig, buti pinayagan sila. Sabagay famous na pala sila sinong hindi makakatangi sakanila sila pa nga mismo ang dapat pilitin.

Napatingin naman ako sa paligid at talagang puno ng tao, pero alam kong limited slots lang ito siguro nasa hundred rin na katao at meron pa sa taas. Pumunta naman kami sa pinakaharap kung saang kitang kita naman namin ang mga kumakanta.

"You're late, ano bang ginawa mo sa bahay?" Sabi ng katabi ko pagkaupo ko palang ng silya ko. Ngumiti naman ako nang-aasar.

"Yah! Mahal ang talent fee namin ah. Kailangan bayaran mo kami ng malaki." Sabi pa ng isa kaya naman napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Sinabi ko bang magconcert kayo dito? Dapat sila ang magbayad sainyo. " sabi ko. Kumuha naman ako nang pagkain na nakahain sa table nila kaso bigla namang may pumalo sa kamay kaya tinignan ko ito ng masama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BATTLE FOR THE FAME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon