Chapter 22 (Dogtag)

37 4 0
                                    


(CAMILLA)

Sunday na. Pero ang atmosphere namin dito ay parang biyarnes santo. Walang nagsasalita saamin hindi ko alam kung bakit. Ah, dahil pala yun sa nakakahawang katahimikan ni Gette. Aware naman na kami sa katahimikan niya mula nung una pa. Pero lalo atang mas tumahimik siya dahil kahit kanungin namin siya kung may problema. Iiling lang ito o di kaya tatango. May problema talaga.

"I can't take this anymore. Gette, Ano talagang problema?" - biglang sabi ni Jhoanne. Malamang napanis ang laway nito at hindi niya nakayanan. Parang mamatay ata siya paghindi sila nakapagsalita ni Eraizha ng isang araw. Ako? kaya ko yun.

"Wala okay, saan ba tayo pupunta?" Mahinahon na sabi nito. And for the past 2 days ngayon uli namin siya narinig nagsalita.

"Imposible, Hindi kami sanay na tahimik ka. Well, tahimik ka naman talaga pero parang sumobra naman na ata. Kulang na lang ay magsign language ka na rin saamin kapag kinakausap. Last friday, naman hindi ka pa ganyan. Ano bang inaalala mo?" - nag-aalalang sabi ni Eraizha. Nakarating naman na kami sa may garden ng resort at nagsquat sa may bermuda nito. Aside kasi sa loob ng hotel pwedeng dito rin kami tumambay. Tuwing binigyan nila kami ng break ng half day sa isang linggo para naman kahit papano marelax kami hindi naman kami pwede sa may dalampasigan which is mas gusto ko ang ambiance doon. Tuloy hanggang tanaw lang kami sa malayo.

"Inagaw ko yung part niya kahit hindi ko ginusto. I mean, matagal na niyang prinactice yun pero sa isang iglap napunta saakin. Ang sama ko ba?" -paliwanag nito. Medyo parang hindi ko naiintindahan ah.

"What do you mean na inagaw mo?" Tanong ko. Huminga naman ito ng malalim.

"Nung friday kasi. Pumunta doon si Miss Venna para tignan ang prinactice namin maganda na ang flow pero biglang pinagpalitan niya kami ng part ni Jillian. Which is killing part ang sakanya. Matagal ng niyang prinapractice yun pero napunta saakin. Kaya feeling ko nagiguilty ako para doon" Mahabang paliwanag niya.

"Really!! Hahaha. I can't believe it. Gosh. Anong reaction niya nun?" Masayang sabi ni Eraizha. Sa lahat ata siya lang ang natuwa saamin. Although, hindi ko naman alam ang ugali nung Jillian.

"Era, stop. It's not funny. You will not like it if you are in her situation." Pagtitigil sakanya ni Ellese. Hindi naman ito nagsalita pa. "So what happened after that?"

"Nagwalk out siya. Tapos pagbalik lalong naging cold ang treatment niya saamin. Pati nga kasama ko nahihirapang i-approach siya. Nag-aalala kami baka hanggang sa performance namin madala niya yung hinanakit niya nun." -Gette.

"O-kay?, pero sana as a leader in your group. Intindihan niya yun dahil alam niya mismo na para sa ikabubuti niyo yun." Sabi ko sakanya. Di ba, bakit naman pinipersonal niya. Ano yun gusto niya nasa lime lights siya parati? Lahat naman gusto rin na mapansin pero sana inisip niya kailangan rin niyang magpaubaya. And also this is a group performance.

"Ahm. Mas mabuti siguro na kausapin mo siya nang kayong dalawa lang. I-explain mo sa kanya ang side mo. Tandaan, magpe-perform kayo bilang isang team, hindi  individual. Hindi siya makikinabang nang mag-isa."" Nagchange topic na rin kami at sa wakas nakahalubilo na rin si Gette saamin hanggang magtatakip silim na kaya nagdecision na kaming pumasok para magdinner na rin.

Patayo na sana ako pero  napaupo ulit dahil nagclats ata yung paa ko ang tagal kasi naming nakasquat dito. Kaya napahawak ako sa may damuhan. Hindi ko naman alam na sa paghawak ko dun may nakuha akong isang bagay kaya ng inangat ko ito at dun ko nakita ang isang necklace? Hindi dogtug siya. Parang sa mga military na kwentas. Nakaukit dun ang malaking M tapos sa likod binaliktad na letter M kaya naging W ito.

"Huh! Saan mo naman pulot yan Carms?" Tanong ni Eraizha saakin. Nakatingin rin ito sa hawak ko kaya tinuro ko kung saan ko ito napulot.

"Hala baka destiny kayo niyan. Uyyyy!" Biglang singit ni Jhoanne. Napairap naman ako sa kanya dahil ito na naman siya mahilig mapair. Akala mo siya si Cupid eh.

"Itago mo na yan. Finders keeper na haha." Sabi ni Ellese. "Pero infairness, naiba yan na dogtug na nakita ko it's gold. Patingin nga." Binigay ko naman sakanya. Kinilatis naman nito ng maigi kung totoo nga. "Wow! Totoong gold nga."

"Talaga! Tara isangla natin." Excited na sabi ni Jhoanne binatukan ko nga. Kung anu-anong sinasabi.

"Sira, baka hanapin ng may-ari ito kawawa naman baka importante sakanya. Akina na nga. Saka walang sanglahan dito no." Kinuha ko naman sakanila. Ibibigay ko na lang dun sa information desk mamaya.

"Mauna na kayo, ibibigay ko lang itong dogtug sa information." Tumango naman sila kaya nauna silang maglakad. Hinihintay ko naman kung sino ang nakaassign dito ngayon. Bakit wala man lang tao dito? Hindi ba nila alam baka mamaya may nakapasok na kung sinu-sino dito. Pero sabagay safe pala itong lugar na to. Maya-maya pa nakita kong palapit na yung babae dito at alam kung siya ang nakaassign dito ngayon dahil sa uniform niya na rin.

"Ahm sorry ma'am. Nag cr lang ako saglit. Naghintay ho ba kayo ng matagal? Anong maitutulong ko po sainyo?" Paumanhin nito saakin.

"Hindi naman masyado. Ahm, kasi po may napulot akong kwintas kanina sa may garden.. Ibibigay ko na lang sayo baka kasi hanapin ng nagmamay-ari nito." 

"Ahm sige po ma'am.. patingin nga po." Pinakita ko naman sakanya.

"Ikaw ng magbigay nito... " hindi ko na natapos ang sasabihin dahil biglang may humablot ng hawak ko kaya napatingin ako sa may likuran ko. Nakita ko naman ang lalaking nakatayo sa likuran ko at seryosong nakatingin saakin.

"This is mine." Seryosong saad nito habang nakatingin saakin ng deretso. Hindi ko alam biglang nag-iba ang pakiramdam ko.

"Sorry, napulot ko kasi yan sa garden kanina kaya pinapaalam ko sa information." Tumingin naman ako babae na pagbibigayan ko at humarap uli sakanya pero sa kasamaang palad. Nakita ko na itong naglalakad paalis.

"Ay...bastos" bulong ko sa sarili ko. Hindi man lang nagpasalamat paano kung hindi ako yung nakapulot nun. Posible na hindi na nila ibabalik yung kwintas mo tse. Gusto kong sabihin pero wag na lang.

"Sakanya nga yun Ma'am. Sayang gwapo sana suplado naman." Ngumiti na lang ako sakanya at nagpaalam. 

BATTLE FOR THE FAME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon