CHAPTER 33 (New Top 5)

27 1 0
                                    

(BRIGETTE)

Today is a another big day for us.Sa buhay natin, walang permanente. Tulad na lang sa tinahak namin ngayon dahil alam namin sa umpisa palang meron at merong maaalis or matatangal. Kung makasurvive ulit kami kailangan naming uli magpatuloy para sa mga pangarap namin. Dati simple lang ang gusto kong mangyari, ang makapagperform. Hindi ko naman gustong mapansin o sumikat kaya nga isa sa dahilan kung bakit naging isang drummer ako. Dahil parati akong nasa likod hindi gaanong napapansin. Pero ngayon unti-unti ng nag-iiba ang pananaw ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako magtatagal sa show na ito. Pero kailangan kong magpursige, ibibigay ko lahat ng makakaya ko at galing ko.

Maaga akong nagising kanina kaya minabuti ko ng mag-ayos para mamaya. Dahil Elimination na at the same time panibagong Ranking na rin. Sa naging break namin tagalang sinulit naming lahat ang bawat oras na yun. Normal para sa iba ang araw na yun pero sa group namin special yun dahil alam naming hindi na mauulit pa yun. Dahil alam naming hindi ibig sabihin na nakakuha kami ng mataas na points ay walang matatangal sa grupo. Pero pinapalakas na lang namin ang loob namin na walang matangal sana.

Narinig kong may kumatok sa pinto kaya binuksan ko yun. Nakita ko halos lahat ng kagroup ko ay nandito kaya nagtaka ako kung bakit sila nandito.

"Anong ginagawa niyo dito? Bakit hindi pa kayo nakaayos?"-tanong ko sakanila at deretsyo lang silang pumasok sa kwarto ko. Yung iba humiga sa kama yung iba sa sofa at suniwitch ang tv na hindi ko naman madalas gamitin dahil busy kami.

"Wala lang, maaga pa naman kaya mambubulabog kami dito." -sabi ni Jhoanne. Nakahiga ito sa kama kasama ang iba at magkakayakap sila. Actually 5am palang at mamayang after lunch pa ang event. So walang kaming gagawin ngayong araw na ito.

"Ito naman si Leader ayaw kami atang makibonding sa kanya. Kahit for the last day." -sabi ng isa mga kagroup ko rin.

"Kaya nga for sure kahit makasurvive man tayong lahat kung sakali. Alam kong hindi na tayo magkakagroup sa susunod." -sabi pa nung isa.

"Oo nga, sa ngayon ito ang isa sa hindi ko makakalimutang group natin lalo pa at magaling ang leader natin. Di ba." Sabi rin nung isa. Nakikinig lang ako sa usapan nila.

"Hindi ko pinagsisihang sumama ako dito. Kahit maalis man ako.. Isa ito sa magiging memorable ko ever." - sabi rin nung isa.

"Ako rin!, kung sakali man na nakabalik na tayo sa city lahat at meron isa sa atin ang sumikat sana wag siyang makakalimot,, ha! Wag kayong mag-iisnob pag nakasalubong natin ang isa't isa. " Tumango naman kami. Never sumagi yun sa isip ko.

"Iiglip kami saglit dito leader, Ha!" Sumiksik naman yung iba kaya nagsisikan sila sa iisang kama. Buti na lang malaki yung kama kaya kahit papano nagkasya sila yun nga lang magkakayakap silang lahat para hindi mahulog yung dalawang nasa edge ng kama. Ako naman iiglip na rin ako sa may sofa nakakahiya naman kasi sakanila kung makikipagsisikan rin ako.

👑👑👑👑👑

Tulad ng dating elimination. Ganun rin ang gagawin muli, nasa likod or baba kaming lahat na participants at nakaupo. Sa harapan, pa taas naman nandoon ang mga upuan at ang trone or special chair ng mga top 10. Ang pinagkaiba nga lang nabawasan ng mga upuan at selected na yun. Kung dati 40/40 ngayon may 50 na upuan na lang so ibig sabihin 25/25 na lang. Pa bawas na ng bawas ibig sabihin palapit na ng palapit ang final round.

"Good day, future FAME! Did you enjoy your little break, particularly for those who received exemptions?." Masayang sabi ng host. Natuwa naman ang iba, pero halatang mararamdaman mo na ang bigat ng atmosphere tuwing nandito na kami sa loob. Iyon bang feeling na last day mo na.

BATTLE FOR THE FAME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon