Chapter 17
Pagkatapos mag usap ni Pau at ng mama niya, nagsinungaling siya sa mama niya at sinabing inimbitahan siya ni Javier na pasyalan ang mga kaibigan nito. Hatala niyang gustong tumutol ng mama niya pero hindi siya napipigilan nito. Nang dumating si Javier sinabi niyang wag na itong baba sa kanyang sasakyan at hintayin nlang siya sa labas.
“I hope im not abusing your kindness?” sabi niya kay Javier habang palabas na sila ng subdivision. “ok lang ba talga?”
“it’s okay with me no problem, ako nga ang nagpapasalamat sayo kasi pinagkakatiwalaan mo ako, tsaka hindi ka natatakot baka kung saan kita dalhin. Gaya ng iniisip ng kaibigan mo”
“wag mo ng isipin si benedict ganon lang talga siya napaka over protective lang.”
“kung di ko lang alam na kasintahan siya ng yumao mong kapatid ay iisipin kung may ibang ibig sabihin ng mga kinikilos niya sayo.”
“what do you mean Javier?”
“I mean lalaki rin ako Pau at sa mga ikinikilos si benedict ay hindi malayong may pagtingin siya sayo na higit pa sa inaakala mo.”
“that’s impossible Javier!” bulalas niya na tinawanan pa nya ito. Kung sana totoo ang mga haka haka mo Javier. Sana ganon lang kasimple ang lahat ng yun para kay benedict.
“bakit imposible pau? You are beautiful woman. Bulag na ang lalaking hindi magsasabi nyan. At malinaw ang mga mata ni Benedict Sandoval.?”
“You are so funny Javier,!” tinawanan lang ni Pau ang mga sinabi ni Javier, habang kabalitaran non ay iba ang nararamdaman niya. Mayamaya ay naramdaman nyang nagtubig na ang mga mata nya. Kasabay sa pagbaling ng panignin sa labas ng bintana.
“hey are you pau?” tanong ni Javier sa kanya “ok ka lang ba anong nangyayari sayo?”
“yeah im ok Javier!” tipid na sagot niya dahil pakiramdam niya ay mayroong bumara sa kanyang lalamunan. Gusto niyang isipin na simple lang ang problemang kinakaharap niya pero alam din niyang hindi totoo yon.!
Nasa Sto.Tomas sina Pau at Javier kaya kumain muna sila sa isang roadside restaurant. Ang sabi ni Javier ay maraming kumakain doon dahil sa masarap na batangas bulalo na specialty ng restaurant. At totoo namng puno ang lugar ng dumatin sila doon, swerte ay may mga bakante pang mga upuan at nakaupo sila agad.
Sa laki ng problemang kinahaharap niya hindi niya makuhang kumain dahil sa wala itong gana kakaisip. Pero habang tinitignan niya si Javier na sarap na sarap sa pagkain, napasabay na rin siya.
Hindi naglaon ay binubuksan na niya ang mga kabanata sa kanyang buhay.
“does he know?” tanong nito kay pau habang seryoso ang kanyang mukha, dahil nasabi na nya ito tungkol kay Benjamin.
“hindi” aniya sinabayan niya ng marahang iling. “at wala akong balak o planong ipaalam sa kanya ang tungkol sa anak naming.”
“nailihim mo sa kanya ang lahat tungkol sa anak niyo for the past two years., but there’s no guarantee na maitatago mo iyon ng matagal.”
“I can if I want to Javier.” Anito.. “wala siyang karapatan sa anak ko, dahil akin lang siya.” “bawat ama ay mayroong karapatan sa kanyang anak. Bawat anak ay may karapatang makilala ang kanilang ama,.”
“pero iba ang kaso naming ni benedict. Lumaki sa mundong ito si Benjamin hindi dahil sa nagmamahalan kami. It was…..one-night affair, isang pagkakamali na hindi dapat nangyari,.”
“pinagsisisihan mo rin bang nagging anak mo si Benjamin?” “no kung mayroon mang isang bagay akong pinagpapasalamat sa nangyari ay ang anak koi yon. He is a bunch of joy. Siya ang pinagkukunan kong lakas ko.”
“kung ganon ay wala kang balak magtagal dito sa pilipinas?” nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. “dahil kay……benjamin” “gusto kung protektahan ang anak ko Javier.”
Kinuha ni Javier ang mga palad ni pau. “hindi nagbabago ang pagtingin ko sayo Pau, lalo mong lang akong pinahanga sa katatagan mo. Kung kailangan ni Benjamin ng ama…”
“huwag kang magsalita ng ganyan Javier,” umiling ito sa kanya. “alam kung naaawa ka lang sa akin kaya nasasabi mo yan” “hindi awa ang nararamdaman ko para sa iyo, pau.”
“kung ganoon ano,”
“ano sa palagay mo ang dahil bakit ako naghihintay ng pagbabalik mo galing America.?”
“Javier….” Ayaw niyang paniwalaan ang nababasa niyang damdamin sa mga mata nito. “huwag kang magalala pau handa akong maghintay para sayo”
“hindi ko alam kung hanggang kailan ka maghihintay Javier, sa ngayon ay walang mahalaga sa akin kundi ang anak ko.”
“im willing to wait. At nakahanda akong gawin ang lahat para patunayan sa iyo ang damdamin ko. Nakahanda akong maging ama ni Benjamin if you would permit”
“you are good be true Javier..” ang sinabi ay sinundan niya ng isang buntong-hininga. Kung hindi sana niya nakikita at nadarama ang sinseridad sa sinasabi nito ay magiging madali lang sa kanyang isipin na binobola lang siya nito.
“I am not just good pau. I am true,” anito ..
Pagkatapos ng mga kalahating oras na pagiging seryoso ay napalitan ito na ngiti. “at bilang panimula ay gusto kong ituring mo akong isang mabuting kaibigan.”
“friends?” anito at innilahat ang palad niya kay pau.
“friends” aniya at tinanggap ang palad..
Natapos ang paguusap nilang dalawa ni Javier at naging maayos namn ito, naging malinaw sa kanilang dalawa na hanggang pagkakaibigan nalng muna ang turingan nila..