TWO

2.6K 64 1
                                    

"Ah, hindi naman 'yun sa gano'n. Madalas ay 'yung babae ang lapitin sa gulo tapos ikaw ang nagliligtas sa kaniya, pero ang ending hindi mo siya nailigtas at nagsisi ka tapos 'yung babae, napahamak. Gano'n ba?" Tumingin ako sa kaniya pagkatapos magsalita nang walang preno kong bibig. Sa totoo lang e, tuloy-tuloy 'yung pagsasalita ko. Parang naka-auto ako.

Napatigil siya sa paglalakad saka ako sinuri, pero ewan ko kung bakit gano'n 'yung tingin niya. Parang nangingilala saka napailing-iling. "Ha-ha-ha, mahilig lang akong manood ng k-drama."

"Ah," huling nasabi niya bago kami pumasok sa room. Late na rin kasi nagka-klase na sila. Nag-introduce ng sarili si Calvin - 'yung nakasabay ko kanina. Bawat pagsasalita ay kinikilig ang mga kaklase ko --- maging si Jasmine. Pero sabagay, hindi ko naman sila masisisi. G'wapo si Calvin, maayos magdala ng uniform tapos mukha pang matalino kasi sa bawat pagsasalita niya e may magic, joke. Basta mukha lang. Tapos, matangkad pa at chinito.

Recess ay pumunta kami sa canteen ni Jaz. "Kanina ka pa 'di mapakali, ano ba 'yun? Haha." Natatawa kong tanong sa kaniya. 'Yung mukha niya kasi nangangamatis sa pula haha.

Nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin sa 'kin, "Ah... ano kasi, umm..." Hindi siya mapakali at parang iniisip pang mabuti ang sasabihin.

"May nagawa ka bang mali? Kilaka kita, Jaz." Natahimik siya.

"Um, pinilit ko si Clarence na tigilan na niya ako." Natulala ako.

"Bakit!?"

Naluha-luha siya habang namumula, "Hindi ko naman kasi siya gusto e. Alam mo naman 'yun Tina, napilitan lang ako na payagan siyang manligaw sa deal namin ng parents ko. Pero ngayon, nakokonsensiya na ako. Tina," hinawakan niya ang kamay ko. "Pinilit ko siyang gustuhin e. Pero hindi ko magawa, kasi wala sa kaniya 'yung hinahanap kong Lalaki."

"Hindi naman sa pinagpipilitan ko siya sa 'yo, Jasmine. Pero, alam mo naman na mabait si Clarence sa totoo lang ang mga magagandang katangina... nasa kaniya na. Paano kung... 'yun nga, pinakawalan mo na siya tapos paano kung na-realize mo na gusto mo pala siya pero huli na?"

Umiling-iling siya, "Tina, one year and two months na oh? Sobrang daming time nang magkasama kami. Pinilit ko siyang magustuhan pero wala talaga e. Kaya nga pinakawalan ko na siya kasi... ayaw ko lang siyang masaktan at paasahin. Nakokonsensiya ako." Niyakap ko siya habang umiiyak siya sa balikat ko.

I patted her back, "Magiging okay lang ang lahat." Huli kong sinabi saka nag-bell na. Buong klase ay nakatulala lang si Jasmine, madaming iniisip. Sabagay, ang hirap nga naman nun. Nakokonsensiya siya kasi nga nasaktan niya si Clarence.

Pero kasalanan rin naman kasi si Jasmine kung bakit niya pinayagang manligaw itong si Clarence nag-deal kasi sila ng parents niya kaya ayon napapayag itong si Jasmine.

Ginulo ko ang buhok ko habang naga-aral ako sa table ko sa k'warto ng bahay namin. "Hay, grabe. Ang gulo talaga ng buhay pag-ibig. Para kang sinubsob sa tubig. Nakaka-depress, patungan pa ng stress. Pakamatay ka na bess." Matapos kong sabihin 'yun ay natawa ako.

"Rhyme words men," Naghikab ako, "Ano bang oras na?" Saka ko tinignan ang orasan sa pader. 10:30 na. I need to get some rest before it's too late.

Kinabukasan ay late na naman ako ng gising. Habang nagsusuklay ako sa salamin ay kinausap ko ang sarili ko saka sinampal-sampal ang pisngi ko. "Kailan ka pa magbabago Theana Grace? Late ka na lang lagi." Saka ko inirapan ang sarili ko sa salamin.

Matapos ay tumungo ako sa lamesa at kumuha ng dalawang pandesal. Habang naglakad-takbo ay may taong gumaya rin sa 'kin. Napalingon ako sa kaniya, "Oh, taga dito ka lang?" I asked Calvin.

"Yeap. Malapit lang ako sa subdivision niyo. Nag-board lang ako malapit diyan." Tumango-tango ako.

"Sa OJ’s Apartment ba?" He nodded as he smiled. Ba't kaya palangiti 'to? Pinapahili niya ba ang perfect set of white teeth niya na p'wede nang i-model sa colgate?

"Ah, sabay na lang tayo. Bago ka lang naman dito 'di ba? Teka, ba't dito mo napiling lumipat? Saan ka ba dati nakatira?" Curious na tanong ko.

Ngumiti siya ng pilit, "Ah... 'yung boarding house kasi sa may San Lucas street ay nasunog. Sabi, may nag overheat daw na appliances, ayon sumabog. Buti nadala ko agad ang nga gamit ko sa labas at buti na lang hindi ko katabi 'yung part na nasunog."

I nodded twice, "Ah, so bakit dito mo napili?" 'wag na kayong magtaka, tsismosa lang talaga ako.

"Malapit kasi ang subdivision niyo sa School. Walking distance lang."

I immediately wag my head while slightly laughing, "Hindi 'no! Ang layo rin kaya."

"Baka naman late ka lang lagi kaya nalalayuan ka, haha." I stopped. Kaya nga. He has a point.

"P'wede bang sumabay ako sa inyo ng kaibigan mo? T'wing free time lang naman. Wala akong gaanong ka-close sa inyo e. Saka hindi ko masiyadong gusto na makipag-usap sa kaklase nating babae e. Pakiramdam ko ay natutulala na lang tapos 'pag naman nakikipag-kaibigan ako sa Lalaki nating kaklase ay pakiramdam ko naman ang sama ng tingin nila sa akin. Haha. Hindi ko naman alam kung bakit gano'n."

Natatawa ako habang hinampas siya sa balikat. Feeling close lang ako, lels. "G'wapo mo kasi!" Saka ako umuna ng lakad at tatawa-tawa.

Hinarang niya ako at tinuro ang sarili niya, "Tingin mo?"

I smiled, "Oo nga, sa katunayan baka nga ideal guy ka pa nga. Siguro," Ngumiti siya ng parang nanalo sa loto, "'Oy 'di pa ako tapos, I mean... siguro lang. Kaya kailangan pa naming mga babae na patunay kung ideal guy ba talaga ang isang lalaki o hindi."

His smiled suddenly fade away as he relieved itching his head, "Um, edi papatunayan?"

I nodded twice, "Pero kailangang hindi napilitan lang. Kung ideal guy ang isang Lalaking talaga, nasa kilos na nila 'yun. 'Yung pagiging gentleman etc, 'yung parang gano'n na talaga sila since birth."

Nabigla ako ng bigla niyang kinuha ang bag ko saka sinakbit sa kaniya at umunang lumakad habang pasipol-sipol, "'Oy teka! teka, saglit." He stopped and faced me while he smiling at me widely.

"Bakit mo dinala ang bag ko?" Nakangiti pa rin siya habang nagtatanong ako.

"Hm, para... para patunayan sa i --- inyong mga babae na, ideal guy ako." Then he walked again.

Ikaw Pa Rin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon