Nagpara na ako at binayaran si Manong. Binuksan ko ang medyo may kalawang na maliit at pula naming gate sa harap ng bahay namin. Sumalubong sa akin ang mga Kuya at Ate ko.
"Kamusta ang ABM, bunso?" Tanong sa 'kin ni Kuya.
"Lugaw kuya, as expected. Hindi talaga ako nagmana sa 'yo. Haha."
"Okay lang 'yan Bunso, first, second, st third year nakayanan mo nga? Fourth year pa kaya? Haha. Stay positive, bunso." Kuya hugged me and kissed me on the cheek.
"Mana kasi sa 'kin ang bunso natin, Kevin. Haha." Pagsasalita ni Ate Kara. Apat kaming magkakapatid. Si Ate Kara ang panganay, 25 years old. Nurse siya. Si Kuya Kevin ay pulis na, 23 years old. Ako ay 19 year old na. Sakto ang birthday ko sa dadating na graduation namin. Saka ang bunso namin ay Grade 10 student na. Graduate na rin siya sa susunod, 16 years old.
Sina Papa at Mama ay 45 years old na. Maaga kasi silang naging mag-asawa kaya ayon. Pero proud ako sa kanila kasi napatapos nila sina Kuya at Ate tapos soon na ako.
I stood up and step towards in my room, I just change my clothes and arise from my room. Pagkalabas ko ay nasa hapag-kainan na sila at inaantay ako. I sat down and we bowed our head as we prayed.
Pinangunahan ni Papa ang pagdadasal. Saka kami kumain na. Pagkatapos at nagtungo na ako sa maliit na lamesa ng k'warto namin saka binuksan ang medyo luma ko ng lamp shade. Ginawa ko na ang assignments ko. Saka ako nagtungo sa banyo ko at nagtoothbrush na. T'wing day off ni Ate ay siya ang nakatoka sa kusina kaya siya ang naghuhugas ng pinggang ngayon.
Si Kuya naman ay pagod sa trabaho kasi nga pulis pero andoon pa rin 'yung pagiging nakatatandang kapatid niya sa 'min. Mas matured pa nga mag-isip 'yun kesa kay Ate.
Si Rendon naman: 'yung bunso namin ay nasa k'warto na niya. Masipag 'yun, manggawa ng assignments at iba pang paper works sa School. Topakin nga lang. Hindi na siya naasa sa 'min bilang tagagawa ng assignments niya.
Kinabukasan ay aligaga na akong kumilos. Hindi na rin ako nakakain ng almusal dahil sa sobrang pagmamadali ko na. Na-late kasi ako ng gising.
"'Ma! 'Pa! Alis na 'ko! Mwa!" I shouted as I walked fast towards the gate. Bagay mga ganitong oras na kasi ay wala nang nadaang tricycle. I mean madalang na. Kaya no choice ako kun'di tumakbo.
Lakad-takbo ang ginawa ko habang titingin sa oras sa cellphone ko. Kamuntikan na nga akong masagasaan ng Van kanina. Nasigawan pa ako. "Phew," I whispered as I picked up my hanky and wiped my sweats on the forehead.
Sumandal muna ako sa pader sa labas ng School namin. Saka narinig kong nag-ring 'yung cellphone ko. "Oh?" I asked Jasmine through the line.
"Tina, 'oy! 'Asan ka na ba? May sasabihin ako sa 'yo bilis. Haha! Ge bye, ingat." Then the line was gone. Mukhang excited si Jaz ah? Parang ang saya-saya pa, ano kaya ang sasabihin nun? Baka sinagot na niya si Clarence o baka gusto na niya si Clarence? Hay, I don't know.
"Um, Miss. ABM 1 ka ba?" my phone was almost fell when the unknown guy suddenly spoke.
I caress my chest as I faced him, "Oo, bakit?"
My eyes caught his smile, "Bago lang kasi ako dito e. At ayon sa sa sched ko. ABM 1 daw ako, ah... napansin ko lang sa ID mo na senior high ka na. Kaya, p'wede mo akong samahan sa building natin?"
Habang nagsasalita siya ay hindi ko mapigilang pagmasdan ang mukha niya. Ewan ko rin. Parang may gusto akong alalahanin na ewan. "Ah, oo... sige, sige." Then we walked towards the building.
"Nakapagpa-enroll ka na ba? Saka late ka na ah?" I curiously asked.
He smiled, "Joke lang, haha. ABM 2 ako, nabago sched namin. Dahil kailangang may lumipat na isa sa ABM 1 kasi may nagpumilit na estudyante ng ABM 1 na lumipat sa 'min kaya ayon, ako na ang nag-adjust, saka mas gusto ko talaga sa ABM 1 kasi nga, laging half day."
"Pero 'yun lang ang free time namin para ma-full 'yung mga iniwang requirements na kailangang tapusin ASAP. Hindi naman kasi porque't may vacant na kami e, ayon enjoy na." Pagpapaliwanag ko.
He nodded twice, "Mm, alam ko. Sa 'kin lang kasi kaya ako na ang lumipat kasi nandito ang taong gusto ko." I immediately gazed at him.
"Sino naman? Manchi-chikz ka lang pala ah!?" I asked while laughing.
He laughed too, "Hindi ah, loyal ako sa kaniya. Ang totoo e, mahal ko siya... matagal na."
"Ang tanong, s'werte ba ang babaeng iyon kasi minahal ng isang tulad mo?"
Natahimik siya, napatingin tuloy ako sa kaniya. Nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin at pagngiti ng pilit, "Hindi nga e. Kasi, habang malapit ako sa kaniya, napapahamak lamang siya."
"Ah, hindi naman 'yun sa gano'n. Madalas ay 'yung babae ang lapitin sa gulo tapos ikaw ang nagliligtas sa kaniya, pero ang ending hindi mo siya nailigtas at nagsisi ka tapos 'yung babae, napahamak. Gano'n ba?" Tumingin ako sa kaniya pagkatapos magsalita nang walang preno kong bibig. Sa totoo lang e, tuloy-tuloy 'yung pagsasalita ko. Parang naka-auto ako.
Napatigil siya sa paglalakad saka ako sinuri, pero ewan ko kung bakit gano'n 'yung tingin niya. Parang nangingilala saka napailing-iling. "Ha-ha-ha, mahilig lang akong manood ng k-drama."

BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin (Completed)
Romance(UNDER REVISION) Paano kung nagpatulong sa 'yo ang taong gusto mo sa bestfriend mo? Ano kayang mangyayari? Ikaw pa rin ba 'to?