"Hindi daw p'wede ang Babaeng anak dahil mas gusto nilang Lalaki. Para mayroong magdala ng apilyedo at may mag-manage ng negosyo. Gusto ni Daddy na patayin ang kambal ko, pero ayaw ni Mommy. Kaya umuwi sila dito sa Pilipinas at pina-adopt ang kambal ko. Dahil nandito na rin naman ang negosyo namin, dito na kami nun tumira. Si Mommy naman ay pasimpleng kinakamusta ang kambal ko."
"Habang lumalaki ako, ako na ang naging tagapagbantay niyong dalawa ni Jasmine kahit malayo ako sa inyo, may contact pa rin ako sa mga taong pinagbabantay ko sa inyo. 'Yung panliligaw ko kay Jasmine na magpapatulong sa 'yo? Ginawa ko lang 'yun para mapalapit sa 'yo, 'yung paglipat sa section niyo? Hindi na ako makatiis dahil alam kong may naaligid sa 'yo Grace. Si Harry, ang kaibigan ko na nagbantay sa 'yo nung highschool ako."
"Siya rin 'yung naging stalker mo for a long years. 'Yung badminton ball na nakatama sa 'yo? Pasimple lang 'yun nang ugok na 'yun para mapalapit sa 'yo. Inuunahan ka na niya sa 'kin, Grace."
Para akong natatae na namamawis ngayon, hindi ko ma-take!
"Plano ko talagang mag-double date. Alam kong kikilos na rin si Harry. We're not friends since before, we're enemy now."
"Dahil... sa 'kin?"
"Malaking parte," lumunok siya,"'Yung kay Jasmine, habang nagsasayaw kami. Sinabi ko na sa kaniya na siya ang kambal ko. Hindi siya naniwala. Sinabi ko na rin sa kaniya ang lahat. Siguro hindi niya matanggap kaya siya umalis."
"Hindi niya talaga matatanggap, 'yung taong nagustuhan niya ay kambal niya pala e. Tapos hindi niya pala tunay na magulang 'yung tinuturing niyang magulang? Kahit ako, hindi ko rin talaga makakaya 'yun."
Niyakap niya ako, "Na-miss kita, prinsesa ko."
"Ulol, lagi mo naman pala akong nakikita, miss mo pa ako sa lagay na 'yan!?" natatawa kong tanong. "Pero... ang galing ng tadhana ano? Ikaw pala ang kababata ko? Ikaw?" naiiling na tanong ko. Bumitaw siya sa akin at tumingin sa bituin.
"Hindi rin ako makapaniwala, kasama ko na ang taong mahal ko. Pero ang taong 'yun kaya, mahal rin ako?" titig na titig siya isang bituin na nagniningning.
"Kahit ilang araw ko lang siyang nakilala, alam ko sa sarili kong gusto ko siya. Ayon oh!" Bumaling siya sa akin habang tinuturo ko ang isang bituin na malapit sa isang bituin na nagniningning. Tumingin siya sa tinuturo ko pero inalis ko ang daliri ko doon sa bituin at tinuro siya.
"Ikaw." Sambit ko.
Bumaling siya sa akin at ngumiti saka ako niyakap ng mahigpit, "Matagal ko nang gustong mayakap ka ulit. Sobrang saya ko ngayon Grace. Sorry sa lahat, sorry kung umalis ako."
"Hindi mo naman kasalanan 'yun e. Ang mahalaga, nandito ka."
"I love you, Grace."
"I love you too, Calvin."
Tumayo siya, ganun rin ako. Nagulat na lang ako nang may inilabas siyang maliit na red box, "I know... I'm fast, but I will prove to you my love. Will you be my... girl?"
"Yes Calvin, I will."
NGAYON, marami nang nagbago. Graduated na kami nina Jasmine. May kaniya-kaniya na ring trabaho. Matagal bago ni Jasmine natanggap ang lahat ng nalaman niya. Matagal niya rin akong hindi kinausap. Pero s'yempre dadating ang panahon na magkakausap rin kami. Tanggap na si Jasmine ng Daddy nila ni Calvin. Pinatunayan kasi ni Jasmine na kaya niyang i-manage ang business nila. Naibalik rin ang company nila dahil kay Jasmine.
Si Calvin ang naging CEO ng company nila samantalang si Jasmine ang Head manager. Ako naman ay may sarili ng negosyo, I have my own resort.
Si Harry? Naging kaibigan ko siya. Pero madalang kaming magkita. Mas gusto rin 'yun ni Calvin dah baka daw agawin ako ni Harry. Tinanong ko nga sa kaniya kung magpapaagaw ba ako? E, hindi ko naman mahal si Harry, naging crush lang.
Imbes na sumaya ang mukha ni Calvin nun ay sumimangot pa siyang lalo. Hindi ko manlang daw sinabi na may crush na ako dun kay Harry. Ay, aba, malay ko ba. Hindi siya nagtatanong.
Napatitig ako sa labas ng simbahan. Ilang taon na kaming magkasama ni Calvin. Ilang taon nang kami. Pinaglaruan ko ang singsing na binigay niya sa akin noong nasa burol kami. "Calvin, ba't ang tagal mo?"
May naririnig akong bulungan, "Grabe, bride pa ang pinaghihintay."
"Nasaan ba 'yung groom?"
"Shh, ang ingay niyo."
"20 minutes nang nakatayo si Ate Tina, oh."
"Where is Calvin ba?" gigil na tanong ni Jasmine na nasa unang upuan.
"I don't know." Senyas ko.
Pinagsabay namin ni Calvin ang kasal at birthday niya. Sabi niya, isabay na kasi ang gusto daw niyang regalo ay ako.
Pero... hindi ko maiitangging kinakabahan ako ngayon. Pinagpapawisan rin ako sa paga-alala. Ngayon lang ako pinaghintay ni Calvin.
Calvin...
Napaayos ako ng tayo nang tumakbo si Kuya sa p'westo ko at niyakap ako habang dala-dala ang smartphone niya. "Kuya, ba't nandito ka? Anong nangyari?"
"Naaksidente daw si Calvin." Napaalis ako sa pagkakayakap sa kaniya.
"Kuya, 'wag ka na... namang mag... biro."
"Hindi ako nagbibiro, Theana Grace. Sa tingin mo ba tatayo ako sa p'westo mo kung magbibiro lang ako?" Mabilis kong hinablot ang susi na nasa kamay ni Kuya.
Dali-dali akong tumakbo palabas habang suot ang pangkasal na damit. "Tina!" Rinig kong pagtawag ni Kuya. "Sandali!"
Hindi ko na pinansin si Kuya. Binuhay ko ang GPS ng smartphone ko at saka tinrack ang GPS ni Calvin na nasa kotse niya. Pero lumipas ang dalawang minuto ay ayaw. Tinesting ko ang smartphone niya saka ko lang na track. Nasa Saint Clare hospital siya.
Pinatakbo ko nang mabilis ang sasakyan. "Calvin, hold on. Malapit na 'ko." Naluluha kong pagkakasabi.
Pumunta ako sa nurse station at tinanong kung saang room si Calvin. Gulat rin siya sa itsura ko.
Habang naglalakad ako sa hallway ng hospital, pinagbubulungan ako. Sira na rin ang make-up ko dahil sa pagiyak. Maging ang ayos ng buhok ko ay magulo na dahil sa pagmamadali. Lakad takbo ang ginawa ko habang naka-gown na mahaba.
Hindi alintana ang mga taong nakatingin sa akin habang nagbubulungan. Wala akong pake, ang mahalaga sa 'kin ay si Calvin.
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin (Completed)
Lãng mạn(UNDER REVISION) Paano kung nagpatulong sa 'yo ang taong gusto mo sa bestfriend mo? Ano kayang mangyayari? Ikaw pa rin ba 'to?