NINE

1.6K 46 0
                                    

Napatingin ako sa kaniya, habang sinasabi niya iyon, hindi ko maiwasang hindi masaktan. Bakit niya pa sa 'kin sinasabi ang mga ito? "I'd protect her when somebody came at her and  started a quarrel. Before they do it, nakikipagsuntukan na ako sa mga kaaway niya. Mostly naman na kaaway niya ay Lalaki. Siga siya."

Napangiti ako, "Astig."

"Yeah," He said smiling habang nakatanaw sa ibaba ng burol. "She's been my princess. But when we were in the middle of the slide when someone pulled her. At hindi ko siya naprotektahan. She's having an amnesia. Everyday, I'd visiting her. Three months, she's been in her hospital bed in three months. Wala akong magawa. Sinisisi ko ang sarili ko no'n dahil hindi ko siya na-protektahan. Her Doctor said na matagal ang recovery niya. At may parte ng alaala niya ang mawawala, may tao siyang malilimutan. When I woke up, nasa paanan niya ako nun. I heard the Doctor said, malapit na. Natuwa ako nun pero pagkadating ko sa bahay. Naga-away sina Mommy at Daddy. Lilipat na daw kami dahil nalugi ang kompanya. Someone's used my Mother as an alibi and grab an oportunity to steal our company's money."

"Bumaba ang rate ng company. Nagkaroon rin kami ng utang. 'Yung mansion na tinitirhan namin malapit doon sa kababata ko ay binili na. Kaya kailangan naming lumipat. Halos lahat ng ari-arian namin ay naubos na. Wala na akong nagawa, pumunta ako sa hospital kung saan ka naka-confine. Nagpaalam ako, I gave you a letter malapit sa kamay mo. But her Ate grabbed it, I know that she's angry to me. Dahil inakit ko siya sa parke."

"Nakiusap ako sa ate niya na ibigay lang sa kaniya 'yong letter aalis na ako at hindi na ako magpapakita sa kaniya. Her ate said okay at nagpromise pa. Nag-thank you ako at umalis na. But before that, I took a gaze on my princess and hug her for a minute and I left."

"Tumira kami sa malayo sa inyo, malapit sa reataurant na bagong renovate. 'Yon ang naging bagong business ng family namin. Isa 'yon sa ibinigay ni Lola kay Daddy nang siya'y namatay. Doon na rin ako nagaral in grade school at hanggang grade twelve. College, nakiusap ako kay Daddy na kukuha ako ng apartment malapit sa School na pinapasukan niya. Pumayag si Daddy. Once a month kahit nung high school ako, pumupunta ako sa bahay nila ng kababata ko. Bihira na lang ako pumunta dahil pinapaalis aki ng ate niya. 'Wag na daw akong magpakita sa kaniya."

"May bilin kasi ang Doctor na once makita mo ang taong nakalimutan mo na, maari itong mmagdulot ng depresyon. Pero kahit kating-kati na akong magpakita sa kaniya, hindi ko magawa. Natatakot ako. Nakita na niya pala ako nung grade ten ako sa isang mall sa manila. Naging cosplayer ako dati. She took a picture with me. Alam kong hindi niya ako makilala kahit may make-up at costume ako nun. Dahil ako 'yung taong nawala sa alaala niya."

"Okay na sa akin 'yun dahil nakatabi ko siya at nakita, masaya na ako. I love her. Kahit madaming babae ang lumalapit sa akin, siya pa rin. Nakakuha na ako nun ng apartment, kinabukasan ay nakasabay ko siya sa pagpaparegister sa papasukan namin. Alam kong dito siya magaaral dahil na rin sa source ko, sa bestfriend ko. Kaya doon rin ako nagaral. Sakto at pareho rin kami na ABM ang kinuha. Kaso, sakto na thirty na sila at siya ang pang thirty. At ako ay naging part ng ABM 2. Pinakauna."

Pakiramdam ko ay nanlamig ako, "Si Jasmine ba ang tinutukoy mong kababata mo?"

Umiling siya at nagpatuloy, "Ilang taon akong umilag sa kaniya. Kapag pareho kami ng dadaanan, ako ang nalayo para na rin hindi niya ako mapansin. Gano'n ang nangyari. Habang nagco-college ay nalaman ko na lang na ang bestfriend ko na dati ay nagbabantay sa kaniya ay ngayo'y stalker na niya. Nahulog siya sa kaniya nang dahil sa 'kin."

"Ako ang nagpapabantay sa kaniya kung safe ba siya. Ako, pero ang siya ang nahulog sa kaniya. At ang taong 'yon ay si Harry."

Nagulat ako, "Teka, hindi ko ma-gets. Meaning nahulog si Harry kay Jasmine?"

Umiling siya, "Manhid ka ba Grace? Ikaw ang kababata ko."

"Ha? Te... teka," napahilot ako sa sintido ko, "Meaning, lahat ng napapanaginipan ko tungkol sa past ko na lagi kong kasama no'ng bata pa ako ay ikaw?"

Tumango siya, "Sorry... sorry for not telling the truth. Alam ko rin na nagsinungaling ka, 'di ba sabi si Calvin Mongolia ba 'yun? Basta 'yun ang sinabi mo na manliligaw mo, tapos si Harry ang pinakilala mo sa 'min?"

Hindi ko na nga ma-take ang lahat, tapos dumagdag pa itong palpak kong pagsisinungaling? Ba't 'di ko 'yun naisip? Ayt!

"Pero... wala naman akong nababasang letter."

"Nasa Ate mo, she hid it. Nakakausap ko ang Ate mo, ako ang nagtatanong sa kaniya sa daily life mo. Ayaw niyang magpakita ako sa 'yo dahil baka ma-depress ka. Naga-alala lang sa 'yo ang Ate mo kaya, 'wag ka sanang magalit sa kaniya."

Nangatal ako. All this time, alam ni Ate!? Kaya pala nagso-sorry siya sa 'kin t'wing nagk'we-k'wento na ako sa kaniya tungkol sa napanaginipan ko? Alam pala niya! Tapos hindi niya sinabi sa 'kin! Alam naman niyang nasasaktan rin ako tungkol sa panaginip kong iyon ah!?

"Magaling na ako Calvin. Ngayon, tingnan mo ako. Nanakit ba ang ulo ko? Hindi naman 'di ba? Ngayong naalala ko nang lahat, wala namang naging epekto sa 'kin ah!? Dahil hindi naman 'yun dahil doon, Calvin. Ang gusto ko lang ay mahawakan at makita ang taong napapanaginipan ko, Calvin." Naiiyak ako.

Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako, "Don't worry, nandito na ako. Nandito na ako, prinsesa ko."

Kumalas ako sa yakap niya, "'Yung tungkol kay Jasmine?"

Huminga siya ng malalim, "Nagkagusto sa 'kin ang kambal ko."

"Ha?" nguguluhan kong tanong.

"Grace makinig ka, chinese ang Daddy ko at may sinusunod silang tradisyon."

"Eh? Ano namang kinalaman nun?"

"Nung ipinagbubuntis kami ni Mommy nasa pangangalaga kami ni Daddy sa China. Ayaw ni Mommy na magpa-ultra sound para surprise. Si Daddy gusto niya, para malaman kung may babaeng anak. Pero si Mommy ang nasunod. One time nung nasa Mall daw sila, dinugo si Mommy. 'Yun na pala 'yung time na manganganak na siya. Sabi ng Doctor, kambal daw. Ako ang unang lumabas, sabi ni Mommy sobrang tuwa raw ni Daddy pero nawala 'yun nang babae ang sunod na lumabas."

Ikaw Pa Rin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon