Pero, bakit ko nga ba bibigyan ng meaning 'yun? Tinapik-tapik ko ang pisnge ko, bakit kasi ang dakilang assumera ko? May gamot ba sa pagiging assumera? Hay.
Ewan ko ba kung bakit gusto ko na si Calvin. Ewan. Ang bilis. Samantalang may mga lalaking nagtangkang manligaw sa 'kin kahit 'di ko pinapayagan ay sige pa rin.
Kahit months, wala e. Wala akong naramdaman kaya busted ko na. Ayaw ko naman silang paasahin e. Pero ito silang makulit, nagpumilit. Pero bakit si Calvin, ni hindi nga manlang siya nanligaw pero nagkagusto na ako in just two days!
Gano'n ba ka-appeal at ka-ideal guy si Calvin kaya maraming nagka-crush dun? O kaya kinulam niya ako? Pero hindi e, may gusto siya --- este mahal niya si Jasmine. Kaya anong purpose ng pangkukulam sa 'kin ni Calvin?
"Booh!"
"Ay Calvin!" Ang taas ng lukso ko nang may nanggulat sa 'kin at pagtingin ko kung sino 'yun ay si Calvin... Si Calvin!?
"Iniisip mo pala ako ah? Yieh, are you admiring me? Calvin daw oh." Nanunuksong aniya.
Napahampas ako sa noo ko, ay tanga! Bakit ko nasigaw pangalan niya!? Malamang, iniisip ko siya! Paano na 'to!? "Hindi 'no, assumero ka. Si Calvin Manzilla 'yun... ah, 'yung crush ko. Nagkatoon lang na kapangalan mo. He asking me, kung okay lang daw na mag-date kami. Ayon." Umupo na ako sa swing
"Anong sinabi mo?" Umupo siya sa kalapit kong swing.
Tae, anong sasabihin ko? "Ah, sasabihin ko na ano... na payag ako."
Tumayo siya at tumalikod, "Great, let's have a double date. I was planning to date Jasmine tomorrow in the evening, 7 pm. Kaya nga pala siya absent ngayon, nagpre-prepare siya para sa date namin mamaya. At nga pala, I already asked her to be her suitor, at yeah she said yes." He left.
Great, Theana Grace. Pumayag na si Jasmine. Ang gagawin ko na lang is mag-move on, great. Just great. At s'yempre ayaw kong solutin ang taong gusto ng kaibigan ko.
At papaano 'to!? Kailangan kong humanap ng isang Calvin! Tapos may date pa talaga, double date?
'Wag na lang kaya akong pumayag? Sheyt, baka magtaka naman siya na siya nga si Calvin kanina na binanggit ko na siya naman talaga.
Pero hindi! No! Hindi p'wede. Kailangan kong makahanap ng p'wedeng magpanggap na manliligaw ko para patunayan kay Calvin na hindi siya 'yung taong binanggit ko... kahit siya lang naman talaga iyon.
Pero ang tanong... tumungo ako, "Saan kaya ako makakahanap nun?" saka ako nag chin-up.
Pero pagkataas ng ulo ko, "Ah!!!" nasigaw ko nang may papalit na bola ng badminton sa mukha ko.
Pero huli na ang lahat. Tumama ito sa noo ko. Mangiyak-ngiyak akong pilit na tiningnan ang taong may gawa nun kahit nahihilo ako. "Bakit mo 'yun ginawa!?" gigil na tanong ko.
Nanlalabo ang paningin ko sa hilo at dahil malapit na akong maiyak. "Shit, shit. Sorry! sorry! I didn't meant to do that. I'm really sorry Miss." Dali-dali siyang lumapit sa akin sa swing.
Nakaupo pa rin ako sa swing habang hawak-hawak ang noo ko. Ang sakit. Ang sakit-sakit. Anytime siguro iiyak na ako, nagpipigil lang ako dahil nakakahiya sa harap niyang umiyak. Pero dahil hindi ko na nakayanan umiyak ako at nagpa-padyak.
"Ang sakit, wah! Ang sakit-sakit! Magkakabukol 'ata ako... hik." Tumingin ako sa kaniya habang siya ay parang natutuwa pa sa akin, "Bakit mo kasi 'yun ginawa! Papaano kung... hik."
"Papaano kung may nasira na function sa ulo ko! Ha!? Papaano... papaano kung mamatay ako!" Gigil na sigaw ko sa kaniya at patuloy pa rin akong umiiyak habang punas-punas ang luha ko gamit ang kamay ko. Wala pa rin akong tigil sa pagpadyak.
Hinawakan niya ako sa balikat at hinawakan ang baba ko at pinataas sa kaniya, "Tumingi ka sa 'kin," tumingin ako sa kaniya, "Hindi 'yun mangyayari okay? Kalma okay, kalma?" pinunasan niya ang luha ko gamit ang panyo niya na kinuha niya sa bulsa niya.
"Kaya mo bang tumayo?" umiling-iling ako habang nagsisisinghot.
"Nahihilo pa rin ako." Pagsasabi ko ng totoo habang kapa-kapa ang noo ko. Magkakabukol nga 'ata ako.
"I have no choice but to carry you up there." Gulat ako nang tumungo siya bigla at binuhat ako nang bride style. Nanlalaki pa rin ang mata ko sa ginawa niya ng ilang segundo saka ko lang na-realise.
"Hoy, t-teka! Joke l-lang ha-ha-ha. Hindi ako nahihilo. I was just joking! Hindi talaga m-masakit, promise!" Namanata pa ako habang buhat niya pa rin ako.
Ilang segundo akong nakapanata sa kaniya pero deretso pa rin ang tinigin niya sa daan, "Huy! Hindi t-talaga masakit."
Tumungo siya sa akin, "Hindi masakit pero may bukol?" natatawa niyang tanong saka tumuloy ulit sa paglalakad at pagbuhat sa akin.
Wala na rin akong nagawa para ibaba niya ako kaya ang ginawa ko ay nilagay ko na lang sa mukha ko ang dalawa kong kamay, pantaklob para 'di ako makilala ng mga estudyanteng makakita.
Bago ako pumikit at makatulog ay narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
"Yes Sir. I didn't meant to do it... hihingi po ako ng tawad sa kaniya. Opo... hihingi na lang ako ng tawad sa parents niya at ihahatid ko na lang siya. Opo, she need rest sabi ng nurse. Yes Sir, thank you Sir."
"Si Sir ba 'yan?" tanong ko kay --- dun sa lalaking nakatama sa 'kin ng bola ng badminton. Pagkamulat ko pa lang.
Tumango siya at ngumiti sa akin, "Sorry ha?"
Inirapan ko siya, "Dapag kasi hindi nagiingat ka. Pero ba't dun ka nagpra-practice? Saka ang weird naman kung mag-isa ka lang nagpra-practice 'di ba?"
Tumawa siya, "Wala e, nature."
"Ah... pero 'di pa rin kita pinapatawad. Pero sana may natutunan ka na sa susunod na 'wag kung saan-saan mag-practice. Ang weird naman, likod lang 'yun ng ABM ah? Estudyante ka ba dito?"
"Hindi. Dayo lang ako sa inyo. May tournament kasi ng badminton. Dito gaganapin sa School niyo sa Gym." Napatango-tango ako.
"Ah... pero bakit dun ka nagpra-practice ng badminton sa likod ng building namin?"
"Peaceful. Saka that time, nagpapahinga ako galing sa practice. At 'yun nilaro-laro ko 'yung bola. Hindi ko naman alam na mapapatama sa 'yo."
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin (Completed)
Romance(UNDER REVISION) Paano kung nagpatulong sa 'yo ang taong gusto mo sa bestfriend mo? Ano kayang mangyayari? Ikaw pa rin ba 'to?