Chapter 52: White Magic

1.9K 105 7
                                    

◆Sycamore Family's House
[9:00 AM]

Pagkagising ko, kaagad akong bumaba ng kwarto at dumiretso sa kusina. Alam ko na pagod pa sina Mama at Papa galing sa ilang oras na byahe. Kaya nagpasya akong ako na lang ang magluluto.

Pagkabukas ko ng ref, kaagad na bumungad sa akin ang isang container. Yon lang ang lama ng ref at wala nang iba.

Kinuha ko ito at binuksan.

"Potaa!"

Napamura na lamang ako nang makita ang nasa loob ng container. Ito yong barbeque na galing kay Tiara! Nagyeyelo na ito ay pwede nang ilagay sa tubig. Instant juice! Yakk!

Lagi nga pala ako nakain sa Sycamore Tree. Ilang linggo na ba simula nong binuksan ko ang ref? Basta. Nasa last volume yon.

"Makabili na nga lang...ng barbeque uli."

◆Crowned Alcohols
[9:30 AM]

"Valk! Long time no game!"

Masiglang lumapit sa akin ni Cider saka ako niyakap ng mahigpit.

"P-pot-aa, d-di ako ma-kahinga..."

Kaagad siyang kumalas sa akin. "Pasensya na BWAHAHA. By the way, ang ganda ng performance mo sa press con. Hahaha. Excited na ako para sa ESports!"

Iginiya niya ako patungo sa isang table kaya naupo na ako. Medyo madami na ang mga costumer na kumakain dito. Karamihan mga empleyado ng mga establisimyento na malapit dito. Sabagay, magaalas dyes na naman.

"Kamusta ang pagiging acting CEO sa loob ng tatlong araw?" tanong niya habang hinuhubad ang suot na apron. Ibang klase din tong si Cider. Tumutulong din pala sa restaurant nila.

"Okay lang. Medyo mahirap. Nagbasa ng sandamakmak na emails. Imonitor ang mga staffs. Nagkontrol ng avatar. Nagsalita sa pres con. Nagorganize ng ESports. At syempre, business meetings. Kabilang na ang sermon at meet-ups ng mga Board Members." dismayado kong sagot sa kanya.

"Okay lang yan. Ako naman ang tanungin mo."

"Kamusta? Sa loob ng game?"

"Eto, nalimit ang paglalaro. Kaya nandito ako ngayon. Dahil sa tatlong araw mong pagkawala, naalis ka na sa Top 10 ng local server. In-action na si Salem."

"Mukhang marami akong namiss ah. Parang isang buwan akong nawala. Siya nga pala, kamusta ang guild nyo?"

"Sa ngayon naghahanda na kami para sa darating na event. Nagbago ang mechanics nang dahil sa ESports."

Ang "Royal Rumble" event ang magsisilbing elimination round para sa ESports. Lima ang kukuning representative sa mga bansang kasali. Hindi na guild war ang tema nito. Kahit mga solo player ay pwede ding sumali. Pero kung may sasaling guild, limited lang ang slot per player. Limang tao lamang ang pwedeng sumali kada guild.

Lahat ng yan ay napagusapan na namin kahapon.

"Good luck na lang sa ating lahat. Gusto ko ding makasali sa ESports. Kaya, break an egg na lang." seryoso kong wika sa kanya.

"Break an egg ka diyan, break a leg kamo. MWAHAHA!"

◆Bruja Village
[10:00 AM]

Dahan-dahan akong bumangon at iginala ang aking paningin. Sa aking pagkakatanda, sa tapat ng bahay ng unang witch ako naglog-out. Kaya dapat doon ako babangon. Pero nasa isa akong bahay. Maraming mga halamang gamot at mga potion sa paligid. Pati na rin mga aklat at mga scroll. Mukhang nandito pa nga pala talaga ako sa Bruja Village. Mukhang nandito ako sa isang bahay sa loob ng puno.

✓ Exyvius Fantasy Online Vol. 3: Evergreen Forest #RPGCertifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon