◆Leafgreen City
[6:00 PM]"Taenang Harpy yan! Ang sakit sa bangs!" Reklamo ni Ice habang nilalapatan ng lunas na gawa mismo ng Miracle Emporium ang mga galos at pasa sa kanyang mga balat.
Nandito kami ngayon sa Leafgreen City. Ang syudad na pinakamalapit sa portal patungo sa Floating Islands. Sa ngayon, sigurado na ako na wala pang ibang player na nakakapunta doon. Kalmado lamang ang mga tao dito at mukhang walang kaalam-alam na may lagusan patungo sa ikalimang mapa.
"Mabuti siguro kung kumain muna tayo. Masyadong nadrain ang energy at mana ko. Hehehe." Suhestiyon ni Kiss na ikinatango ko na lamang.
Tulad ng ibang syudad dito sa Evergreen, gawa sa higanteng puno ang mga gusali dito. Kaya kung titignan, nakapaaliwalas. Lalo na ngayong gabi, sobrang ganda ng tanawin. Napakaabala ng mga tao, ang iba kumakain, at ang iba naman ay namimili sa branch ng–syempre ano pa ba? Ang Miracle Emporium! Mukhang ginagawa ng Travel Department ang kanilang trabaho.
Kaagad kaming dumiretso sa pinakamalaking restaurant dito sa syudad. Kilala ang kainang ito dahil sa sarap ng inihahain nilang mga green leafy vagetables. Well, puro karne ang kinakain ko dito sa game, kaya mas magandang maggulay naman ako. Isa pa, may ibinibigay itong mana at energy regeneration na mas mabilis kesa sa potion.
"Malapit na ang elimination round ng event, kaya dapat tayong magpalakas ng husto. Ayusin ang dapat ayusin sa ating avatar at one day before the event, magkita-kita tayo sa aking bahay sa Terentia for final meeting." Wika ko sa kanila sabay tikim ng kinakaing vagetable salad ni Ice.
"Paano ang nakuha nating unknown items?" Tanong naman ni tatang Beard habang nagtitipa sa kanyang virtual screen.
"Last time kong punta sa Harpy Island, may level pa ang mga Harpy. Identified din ang mga loots kaya madaling ipa-appraise sa mga blacksmith." Singit ni Kiss na nakikisalo din sa kinakain ni Ice.
Pagkatapos naming mapatay ang mga Harpy, tanging isang item lamang ang nakuha namin sa kanila bawat isa. Maliit na kahon na walang disenyo na kayang hawakan gamit lamang ang isang kamay. At tatlong question mark lamang ang pangalan. Maswerte ang lima lamang ang nakalaban namin. Ang siste, tigiisa kaming lahat. Masyadong risky dahil sa himpapawid kami nakikipaglaban, hindi ko magawang maisummon ang mga companion ko dahil sa wala silang kakayahang lumipad, liban kay Rosie. Isa syang support fairy kaya natural lang naman. Ngunit dahil sa natapos kong hidden quest sa Bruja Village, hindi ko kailangan ng kanyang healing skill. Black magic lang ang allowed kong elemental skill na matutunan. At dahil sa bago kong title, white magic naman ang aking kahinaan. In short, nakakapoota! Ayos na e! May support fairy na ako pero hindi naman para sa akin!
"Siguro, dalhin na lang natin kay Brenda ang mga nakuha nating kahon." Suhestiyon ko na kanila namang sinang-ayunan.
"Sam apo, namessage ko na si Edge ng Travel Department. Sa ngayon nasa Cherry Forest ang kanilang team ngayon." Ngiting balita ni tatang kay Sam na abala sa pagpapakain ng mais sa kanyang pet.
"Ganon ba lo? Ayos! May department na ako!" Galak niyang reaksyon.
"Kung ganon, hanggang dito na lamang ang ating pagsasanay ngayong araw. Tulad ng sinabi ko kanina, isang araw bago ang event magkita-kita tayong lahat sa bahay ko. See yah!" Sambit ko sabay basag ng teleportation stone sa aking paanan.
"Teleport, Gandalf Town!"
◆Gandalf Town
[7:30 PM]"Bakit ngayon ka lang?"
Naestatwa ako bigla sa aking kinatatayuan. Poota, di ko pa nabubuksan ang pinto may sumalubong na agad sa akin. Shet.
Kamot ulo akong tumingin kay Frieda na nasa aking likuran. Nakasuot siya ng villager set habang kunot noong nakahalukipkip.
Bakit hindi ko man lang naramdaman ang presence niya? Ibang klase.
"Ahh hahaha. Na-nagtraining k-kasi kami para sa e-event. Hahaha..."
"Oww really, ikaw ang nagyayang kumain tayo pero ikaw ang late. How can we date on real world kung dito sa game late ka, imagine?"
Lihim akong napangiti. Huli ka Frieda.
"Date? Anong date ang pinagsasabi mo ha? Simpleng dinner lang naman ito. Kahit sinong tao pwede kong yayain. Ikaw lang siguro ang nagiisip na date to ano? Hahaha." Pangaasar ko sa kanya.
"Whatever." Umirap siya at dirediretsong pumasok sa loob ng bahay.
Nanatili ako sa labas. Anong problema ng babaeng ito?
Di ko na lang pinansin ang kamalditahan niya at nagpatuloy na lamang sa pagpasok sa bahay. Halos mapanganga ako sa ganda ng loob. Modern style ang mga furniture. Base sa itsura ng sahig, mula ito sa puno ng sycamore. Ang liwanag ay nagmumula sa mga torch sa bawat panig. Mukhang pinagisipan talaga ang design nitong bahay. Sino kayang nag-ayos nito?
"Change your set! At punta ka dito sa dining room! Kakain na tayo! Letse, lumamig na!" Sigaw ni Frieda mula sa isang kwarto.
Aww. Ako ang naginvite ako pa ang late. Ako pa ang naginvite ako pa ang ipinagluto. Nakakaguilty. Bwiset na event yan. Nakakapoota!
Nagpalit na ako ng set from full bodied plated set to villager's set. Pumunta ako sa kwarto na pinanggalingan ng boses ni Frieda at doon ko nadatnan ang dining room. Bilog na lamesa na pangdalawang tao lamang. May iba't-ibang mga pagkaing nakahain. Base sa itsura nito, masasabi kong mga rare ingredients ang ginamit sa pagluluto.
"Hayys! Nasunog pa ang barbeque!" Pagpapatama ni Frieda habang pilit nirerepair ang mga karneng nakalapag sa grilled pan.
Teka? Barbeque?
Dali-dali akong lumapit sa kaniya ay kaagad na inalalayan sa pagluluto. "Bakit mo kasi iniwan hayys." Dismayado kong wika sa kanya.
"Huh? Siguro dahil may inabangan akong lokong lalake na nagimbitang kumain pero siya ang late at ako pa ang nagluto."
Dahan-dahan akong humarap sa kanya at tinignan ng seryoso sa mata. Subalit nanatili lamang na salubong ang kanyang kilay at nakairap ang mata habang nakacross-arm. Unti-unti akong napangiti dahil sa asta niya.
Pootaangggnaaa!! Ang cute niya magalit sheet! Lagi pala ako magpapalate tuwing may dinner kami. Hinding-hindi ko pagsasawaan ang mukha niya!
"What's with the smile, huh? Masaya ka ba dahil sa barbeque'ng namatay?"
"HAHAHA! Nope, masaya ako dahil masungit ka!" Sarkastiko kong sagot habang pinapalitan ng bagong pork ang nasunog na barbeque. Buti na lamang at may laman ang refrigerator dito. Sino kayang namili? Wala man lang sili, ano ba yan.
"Ikaw lang ang tao kong kilala na masaya kapag nagsusungit ako."
"Alam mong ibig sabihin noon?"
"What?"
"Malay ko. HAHAHA–Aray! Sh–maay! Poo–"
"Sige! Ituloy mo ang signature badword mo!" Pagbabanta niya sa akin habang may nakatutok na sandok sa aking mukha.
"Uhmmm, poota?"
"Arrghhh! Vaaaalkkkk!!!!"
...
3 chaps to go at volume 4 na! Hahaha. Pasensya na po sa ilang linggo kong pagkawala. Don't forget ko hit the star and comment!
#★
BINABASA MO ANG
✓ Exyvius Fantasy Online Vol. 3: Evergreen Forest #RPGCertified
Science Fiction»Highest Rank Achieved« #19 in Science Fiction (July 14, 2018) Natalo ang Powerhouse na mayroong 90, 000 manlalaro sa Miracle Emporium na may 6, 000 manlalaro. Dahil sa pinagsama-samang malalakas na guild at mahusay na teamwork, natalo nila ang pang...