Chapter 56: Harpy Island

1.8K 90 9
                                    

◆Bermuda Forest
[3:00 PM]

"Ate, sigurado ka ba na nandito ang portal?" Tanong ni Sam kay Kiss habang hinahawi namin ang higanteng mga bermuda grass. Kung pwede lamang na tabasin gamit ang aming sandata ay nagawa na namin, pero nagdedeflect lang ito. Bwisit.

"Yes, I've been there many times."

"Kung ganon, nalibot mo na ang fifth continent hija?" Tanong ni Beard.

"Uhm, isang island lang po  napuntahan ko. I can't infiltrate the remaining islands dahil sa high level boss ang nagbabantay dito."

Kumunot ang noo ko. "Islands?"

"Yes. The fifth continent we are looking for was... look above us." sagot niya na ikinatingala naming lahat.

Kung ganon, ang mga islang lumulutang sa Evergreen ay ang ika-limang kontinente. Ang buong akala ko parte na ito ng lupaing kinaroroonan namin.

"Lima lamang ang visible islands. Sigurado ako na may mga isla pa behind those clouds" komento ni Ice. Tama sya. Napaka-kapal ng ulap ngayong hapon. Kulay orange na ito at tila mga cotton candy sa hugis. Hindi imposibleng may mga isla sa likod nito.

"Anong department mo hija?" tanong ni tatang Beard.

"I'm a senior member of Miracle Emporium po."

Senior member? Bigla akong nahiya sa aking sarili. HAHA. Hindi ako aware na nageexist pala siya sa guild ko.

"Wala ka pang department? Bagay sayo maging parte ng Intel Department dahil sa nalalaman mo. You're an hardcore info-broker! Right Valk?"

"Yes. Magiging malaking tulong ka sa guild lalo na sa pagkalap ng impormasyon."

"I'll think about it."

"Lapitan mo na lang ako hija kung interisado ka. Kakaunti lamang kaming nasa Intel dahil karamihan gusto ay pisikalan."

Napatigil ako sa paglalakad nang may humigit sa aking cloak. "Kuya Valk. Wala din akong department." bulong sa akin ni Sam.

"Marksman ka diba? Mas bagay sayong maging part ng Travel Department. Kakausapin ko na lang si Edge para maisama ka nila sa mga adventure nila." sagot ko habang nakangiti.

"Thanks kuya."

Matapos ang ilang oras na paglalakad at paghawi ng mga higanteng bermuda grass, ay narating na namin ang portal na sinasabi ni Kiss. Mabuti na lamang at wala kaming nakasalubong na mga mobs habang patungo dito. Kapag nagkataon lalo kaming magtatagal. Sa isang linggo na ang umpisa ng elimination event. Kaya dapat, magmadali na kami sa pagpapalakas. Hindi namin alam kung gaano kalakas ang aming makakalaban. Tiyak ako na malaki na ang inimprove ng dati kong mga kasamahan, hindi dapat ako magpatalo sa kanila. HAHAHA

"Ano pang hinihintay nyo? Ta—" naputol ang sasabihin ko nang biglang may malakas na puwersa na nagmula sa loob ng portal. Dahilan upang higupin kami nito.

Kaagad akong nakaramdam ng katamtamang temperatura ng hangin. Sa aking pagdilat, nagsitaasan ang aking mga balahibo sa aking nakita.

◆Floating Islands
(Harpy Island)
[5:00 PM]

"Whaaaaat daaa?!!"

"Waaaaahhh!!!"

"HAAAA-HAAA!!"

"POOOTAAAAAA!"

Sa halip na sa mismong isla ang paglilitawan namin, nasa ere kami! Oo sa mismong himpapawid! Dito kami iniluwa! Anong klaseng portal ba ang pinasukan namin?! Kakaiba din ang trip nina lolo e. Potaa

✓ Exyvius Fantasy Online Vol. 3: Evergreen Forest #RPGCertifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon