Hi guys! Sorry sa late update. Kaya ito, medyo hinabaan ko. Enjoy reading!
...
Spindle Island
Swamp Fire
[3:40 PM]"Nullify!"
Mula sa aking likuran, biglang tumalon at sinalubong ni tatang ang atakeng binitawan ni Cider. Lumikha ito ng malakas na impact dahilan upang tumilapon kaming dalawa ni Levi.
"Ayos ka lang ba bata?" Alala niyang tanong.
Tumango ako bilang sagot. Poota. Split second na lamang ang pagitan! Kung tinamaan ako ng skill na yun tiyak na katapusan ko na.
"Kingina Cider! Muntikan na din ako doon ah! Pero salamat na din."
Napalingon ako sa kaibigan kong dahan-dahang tumatayo sa nagyeyelong lupa. Dahil sa nangyaring pagsalag ni Beard, nawalan ako ng kontrol sa kanyang anino.
Mukhang magiging exciting ang event na ito higit na inaasahan ko. Tsk! Tsk! Haha!
"Watdapak! Vodka! Hindi ba sayo tong shield?!" Tanong ni Cider kay Vodka na abalang nakikipagpalitan ng atake kay Sam. Walang bahid na anong kaba sa bawat pagbitaw ng sparks ni Sam, tila ineenjoy nya lamang ang pakikipaglaban sa kabila nang pagiging yamado.
Si Kiss naman ay kaharap nya ngayon yung may Frozen Guardian magic na nagngangalang Hideo. Sinasalag niya ang mga icicle ng kanyang kalaban gamit ang Twin Dragon Blade ni Levi. Sa kanyang likod ay ang Thousand Angel Armies na nagbibitaw ng counter attack.
At panghuli, si Ice, wala siyang sandata pero dahil sa skill niyang Cyborg's Arm, nagiging blaster ito. Pero dahil sa cape na suot nung Luck, naabsorb lamang ang kanyang mga atake.
Tsk! Hindi ko inakala na malalagay kami sa ganitong pressure. Ayon sa aking interface, 17 na lamang ang natitirang manlalaro. Bale dalawang teams na lamang, squad ko at squad ni Levi. Last Man Standing ang concept nitong event. Kung sino man ang matitirang limang nakatayo-di na baleng magkalaban o magkakampi, ay sila ang makakapasok sa tournament sa South Korea.
"Hahaha! Mukhang tayo talaga ang magtutuos." Nakangising wika ng aking matalik na kaibigan. Nakatayo na siya ngayon ng matuwid habang pinaglalaruan ang kanyang dagger.
Nabitawan ko pa ang punyal. Poota naman.
Tumingin ako sa buong paligid. Ang dating naglalagablab na mga puno ay nabalutan na ng yelo. Maging ang swamp ay nagyelo na rin. Lahat ng mga kasama ko ay abala sa bawat isang kasama ni Levi. Dumidilim na ngayon kaya balewala na ang Shadow Step.
"Huwag tayo dito. Para walang mangialam."
"Haha. Sige. Dun tayo sa ilalim ng puno." Kagat labi niyang sagot habang inaayos ang gilid ng kanyang buhok.
[A/N: Dalagang Pilipina! Yeah!]
"POOTA! Nakakadiri ka men! Poo-"
Naputol ang sasabihin ko nang bigla niyang inihagis sa aking direksyon ang kanyang dagger. Kaagad ko namang ipinaling ang aking ulo dahilan upang maiwasan ito.
Tsk.
"Wag mo naman akong gulatin." Nakangisi kong wika sa kanya. Dumistansya ako ng kaunti upang ihanda ang bibitawan kong skill. "Ngayon, ako naman ang aata-"
Walang anu-ano'y bilang nanigas ang buo kong katawan. Simula binti hanggang ulo at tanging mata ko lamang ang aking naiibo.
Anong nangyayari? Bat di ako makagalaw?
Teka. Wag mo sabihing...
"HAHAHA! Anong nga uling tawag mo sa skill na ito? Shadow Step?" Mapangasar niyang wika habang tapak-tapak ang aking anino.
BINABASA MO ANG
✓ Exyvius Fantasy Online Vol. 3: Evergreen Forest #RPGCertified
Science Fiction»Highest Rank Achieved« #19 in Science Fiction (July 14, 2018) Natalo ang Powerhouse na mayroong 90, 000 manlalaro sa Miracle Emporium na may 6, 000 manlalaro. Dahil sa pinagsama-samang malalakas na guild at mahusay na teamwork, natalo nila ang pang...