◆Valieda Island
(Ysla City)
[1:00 PM]"Bago tayo lumakad para magpalakas, mas mabuti kung iupgrade muna natin ang dapat iupgrade. Magkita na lamang tayo sa Central Plaza pagkatapos ng isang oras." wika ko sa aking mga kasamahan. Kina tatang Beard, Ice, Sam, at kay Kiss na siya namang ikinatalima nila.
Napagusapan na naming lima ang tungkol sa shorcut patungo sa ikalimang kontinente, na siyang pinanggalingan ng special skill ni Kiss. At ngayon, doon kami tutungo para magpalakas.
Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung papaano siya nakarating doon. Posibleng nagkaroon ng anomalya sa system o di kaya'y sadyang mayroon nang lagusan patungo doon. Maging si Levi alam din. Siguro doon din nanggaling ang unique skills niya.
Pero sabagay, hindi nawawalan ng surpresang ipapakita ang larong ito. Baka isang araw magulat na lamang kaming lahat sa sunod.
Nagpaalam na silang lahat sa akin saka nagkanya-kanyang tungo sa mga stalls at shops ng Ysla Village–ang village na sakop ng Miracle Emporium.
Hindi lang guild namin ang nakatayo sa Valieda Island. Nandito din ang Clever Jaw, Artemis, at No Mercy. Tutal all in one ang na sa Miracle Emporium, kaya open ang area namin sa lahat. Nandito ang mga matataas na stats ng items at equipments na hindi makikita sa ibang branch. Pati na rin mga high leveled professionals na tutulong upang mas lumakas ang kakayahan ng mga players. Sa madaling salita, hindi na Ysla Village ang tawag. Ysla City na! Hahaha. Umaasenso na e.
Una akong tumungo kay Benjs–isang alchemist. Inilabas ko ang mga celestial eyes na nakuha ko sa mga worgen. Hindi ko kasi ipinasa sa merchant department ang ilang items kong nakuha. Lalo na yung mga ancient at celelestial. Pero kung mga weapons o armors, pwede pa.
"Teka Valk, mga celestial eye yan ng mga worgen ah!" Gulat na reaksyon ni Benjs.
Purple, brown, at violet ang kanilang kulay. Bawat mata ay naglalabas ng kani-kanilang liwanag. Isang indikasyon na celestial item nga ang mga to.
"Sa pamamagitan ng mga matang ito, pwedeng matransfer sa iyong sandata ang kakayahan ng worgen na pinagmulan nito." Paliwanag niya habang kinikilatis ang mga mata.
Okay. Masyadong over powered. Baka inerf na naman ako.
"Ganon ba? Ano pa ang pwedeng magawa ng mga matang yan?"
"Isang special skill unlocker din ito para sa mga guardian."
Special skill unlocker? Teka lang. May guardian ako, si Lay, nakabind ang ability niya sa akin. Ibig sabihin, konektado ang aking stats sa aking mga companion. Kung sakaling maunlock ang special skill ni Lay, nerf na ang bagsak ko.
Hay. Bahala na!
Inilabas ko ang Book Of Monsters ni Lay. May labindalawang malilit na butas sa palibot ng cover nito. Sa tingin ko, dito ilalagay ang pendant–ang celestial eyes.
"Kapag inilagay ko ang mga mata dito sa butas, magbabago ang kakayahan ni Lay. Sigurado ka?"
"Mas maganda na ang ang magbago kesa madagdagan. Gora!"
Spellcaster ang specific class ni Benjs, under ito ng Mage class. Bukod sa mga lason, may kakayahan din siyang mangalikot ng artifacts.
Matapos ang ilang segundo niyang ritwal at pagtitipa sa kanyang virtual screen, lumiit ang mga mata na siyang nagkasya sa maliliit na butas sa boarder ng cover ng Book of Monsters.
"Master..."
Nagulat na lamang ako nang biglang lumitaw sa aking tabi si Lay. Imbis na nakasuot ng mabigat at malaking sandata at baluti, simpleng villager set na lamanh ito na kulay asul at itim kagaya ng kanyang suot na kapa.
"Simula ngayon, isa nang ganap na Guardian of Monsters ni Lay. Hindi na siya warrior, hindi na siya knight. Isa na siyang summoner. Sa pamamagitan ng mga celestial pendant sa kanyang libro, kaya na niya ngayong palabasin ang tatlong worgen."
Wait. What? Si Lay summoner? Kung ganon tama nga ang hinala ko. Ang Book of Monsters ay isang sandata.
Nagpaalam na ako kay Benjs at sunod na tumungo sa katabi nitong stall. Sa katunayan, hindi lang basta stall na masasabi ng nga tindahan dito. Bukod sa napakalaki, modernized ang mga ito bukod sa medieval setting nitong syudad. Ang laki na nga talaga ng pinagbago.
Habang naglalakad-lakad, binuksan ko muna ang aking menu screen. Pinindot ko ang companion window.
◆Companion
•Lay
•Chadeia
•Vuela
•RosieKung isasama ko ang aking kabayong si Rayd, lima na sumatotal ang aking mga alalay. Hawak na ito ngayon ng Barter Department na siyang malaking tulong para sa pakikipaglitan ng kagamitan sa ibang lugar. Bukod kasi sa upgraded na ito, mabilis siyang kumilos o tumakbo lalo na sa disyerto. Sa lugar na kanyang pinanggagalingan.
Dahil sa Book of Witchcraft, mabilis kong natutunan ang black magic. May Book of Purifying ako pero di ako allowed na gumamit. Sa ngayon, nadagdagan na ako ng elemental skills at weapon skills. Pero dark element lang. Napakautak din nga talaga ni Vius. Infinite ang mana, pero isang uri ng magic lang ang pwedeng gamitin. Hayy.
"Valk!"
"Valkkyyy!"
"Kyaa!"
"Ampugee!"
Langya. Andami namang babae dito! Pati ang kambal nandito din. Sina Mist at Megan. Sila pa naman ang pinagseselosan ni Frieda. Lalo na si Mist. Lagot ako nito. I mean, bahala na. Di naman ako masyadong didikit. Teka, sila naman pala ang nadikit sa akin. Ang lakas kasi ng epekto ng accessory kong "Chick Magnet". Hahaha.
"Valk kumusta?" ngiting tanong ni Mist.
Umiwas ako ng tingin at nagpasyang sa kisame na lamang ituon ang aking pansin. "Okay lang, naghahanda para sa event."
"Nice, sana makita namin kayo ni Tiara." singit ni Megan.
Kung ganon, silang dalawa pala ang makakaharap namin bukod kay Tiara. Vice leader si Frieda kaya automatic na hindi siya kasama. Speaking of that lady, nasan ba siya? Nung huli kaming nagkita bigla akong tinakasan. Bigla akong tinakasan matapos ang ginawa kong pagamin. Hayyy. Bwisit. Di ko alam kung kikiligin ba ako o maiinis.
"Anong ibig mong sabihin?" Untag ko kay Megan.
"Nahh. Wala naman. Baka kasi magbackout kayo kapag nagelimination na."
"Eh kung iback-out ko ang Esports? At di ka makasama sa South Korea kung sakali?"
"Hmp. Hate you!"
Bigla siyang tumalikod patungo sa iba pang members ng Artemis. Dahil sa bigat at laki ng kanyang armor, nagkaroon ng maliit na lamat ang sahig. Isa sa pinagkaiba ng kambal ay, si Megan ay medyo may pagkaisip bata. Si Mist naman ay pagkamaseryoso. Pero sa class at sa hairstyle ako bumabase. Knight si Megan na medyo curly ang blonde na buhok. Samantalang si Mist naman ay Sniper. Tulad ng kanyang kapatid, blonde din ito pero wavy.
"San ba ang lakad ninyo? Bakit kakaunti kayo?" Takha kong tanong kay Mist.
"We are planning to slain the remaining witches as a part of our training. Bale nagsplit kami into 10 groups."
"Nice. Mukhang wala na kayong balak na libutin tong Evergreen ah"
"Well, ang responsible naman talaga sa lahat ng ito ay ang nagstart ng server quest." pangisi-ngisi niyang wika.
Ayos. Mukhang ako ang pinatatamaan niya ah. Wala naman talaga akong intensyon na buksan ang server quest. Nagkakataon lang. Kumbaga destiny...
"Eh ikaw? What's your plan? Solo play, again?"
"Hindi. Nagwiwindow shopping ako. Pagkatapos, magpapalakas na kami ng mga kagrupo ko."
Hanggat maaari ayokong sabihin ang nakalap kong impormasyon kay Kiss. Baka kasi bug iyon na hindi nadetect ng GM o ni Vius. Pero imposible. Shorcut patungo sa Ikalimang kontinente? Ibang klase. Kung anumang uri nang nilalang amg makikita namin doon, isa lamang ang tinitiyak ko. Magiging masaya to.
#★
BINABASA MO ANG
✓ Exyvius Fantasy Online Vol. 3: Evergreen Forest #RPGCertified
Fiksi Ilmiah»Highest Rank Achieved« #19 in Science Fiction (July 14, 2018) Natalo ang Powerhouse na mayroong 90, 000 manlalaro sa Miracle Emporium na may 6, 000 manlalaro. Dahil sa pinagsama-samang malalakas na guild at mahusay na teamwork, natalo nila ang pang...