Chapter 42: Travel Department

2.1K 117 6
                                    

Evergreen Continent
(Bosque Woods)
[8:00 AM]

"Hayop, ilang points ba ang nilalagay mo sa strength?!" Gulat na tanong ni Levi kay Sid.

"3 stat points kada level. Tapos 1 point sa vitality at agility." Sagot niya bago binuhat ang dalawang mahahabang troso. Walang hirap niya itong ipinatong sa balikat.

"Ikaw Valk? Anong build mo?"

"Build? Langya! Hindi ko pa pala na didistribute ang stat points ko simula nung update. Saglit lang."

Ipinasok ko sa aking inventory ang axe bago tumuloy sa aking stats window.

STATS

Strength: 20
Intelligence: 20
Vitality: 20
Agility: 20

Undistributed stat points: 450

Hah?! Kaya pala hindi ko mabuhat ang troso. Masyadong mababa ang strength ko. Level 70 na ako pero hindi ko pa rin nadidistribute ang points. Saan ko kaya ilalagay?

"Swordsman ka diba? Edi sa strength at vitality mo na ilagay. Tutal na nerf ka naman." Suhestiyon ni Levi.

Tulad ng kanyang sinabi, nilagyan ko ng tig-200 points ang strength at vitality. Tapos ang natitirang 50 points ay sa agility naman. Hindi ko na kailangang ilagay pa sa intelligence. Para lang yon sa may mga magic skills. Ehh ako? WALA! Naconvert lang!

Name: Valk
Level: 70
Class: Swordsman

HP: 33, 500/ 33, 500
SP: 5, 500

Atk: 8, 000
Def: 8, 000
Sp: 950

Str: 220
Int: 20
Vit: 220
Agi: 70

Mababa pa lamang ang mga numero ko. Naka-NPC set kasi ako. Ibig sabihin, walang attributes ang set na ito. Pero kung nakaequip ang normal set ko mas tataas pa yan.

SKILLS

»Sprint (Buff)
»Taunt (C. C))
»Blink (Blink)

»Stroke (Burst)
»Tornado Strike (Burst)
»Poison Arc (C. C)

Hindi na nakapagtatakang kokonti ang skills ko ngayon. Nang dahil sa nakalaban kong Sorcerer Alpha, nagkaroon ako ng curse na hindi mababali. Wala na akong magic sa buo kong katawan. Kaya terminated na din ang lahat ng magic skills ko. Ibang klase. Mukhang kailan kong nang magsanay ng bagong weapon skills.

Timber Town
[10:00 AM]

Matapos naming dalhin ang mga troso ay natapos na namin ang quest.

Ting!

»Your party completed a quest!

»Collect the log«
★☆☆☆☆
-cut some trees to produce log for making boats.

Objectives:
Cut 10 medium sized trees. [10/10]
Bring it to Ocbar the Shipwright.

Rewards:
•Free repair and upgrade to your yacht.
»Increase speed by 150%.
»Increase armor and defense by 200%.
»Increase weight limit to 200%.
»Adds water blaster.

✓ Exyvius Fantasy Online Vol. 3: Evergreen Forest #RPGCertifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon