◆Valieda Island
[2:00 PM]Nangangailangan ng masusing pagsasanay upang matutunan ni Rosie—yong pixie na nanggaling sa itlog, ang white magic. Kagaya ng, healing, purification, buffs, revitalize, at marami pang iba. Lahat ng iyan ay nalaman ko sa village leader.
Kinontak ko ang lahat ng aking guild members. Sinabi ko na pumunta ang lahat ng available sa Valieda Island. Tulad ng Clever Jaw, Artemis at No Mercy, sa isla ding yon nakabase ang aming guild house. Di ko alam kung guild house pa ba ang tawag. Basta malaki ito. May mga knights na nagbabantay sa labas at may matataas na pader. Kung panlabas ang tutukuyin, isa na itong guild palace.
"Sino ka?" Tanong ng isang knight habang nakafighting stance. Nakatutok sa amin ni Chadeia ang kanyang sibat. Ngunit nanatili lamang kaming kalmado.
Marahan kong hinubad ang hood ng aking cloak saka tumingin sa lahat ng bantay.
"Ako to, si Valk. Ang inyong guild master. Ikinagagalak ko kayong makilala." Pakilala ko sa kanila habang nakangiti.
"V-valk? A-antagal mong nawala..."
"Matagal na ba ang tatlong araw? Haha!"
...
Mga high level players ang tumugon sa aking tawag. Sa madaling salita, mga old members na miyembro na bago pa ang guild war. Mas mabuting mga senior members na lamang ang isasali ko sa event.
"Ang mga new members ay nasa training kasama nang kanilang department." Wika ni Ice na punong bantay ng guild palace. Masyadong mataas ang kanyang strength para sa isang marksman. May nakasabit sa kanyang iba-ibang uri ng baril. Assault rifle sa likuran, mini uzi sa magkabilang bewang at pistol naman sa kanyang binti. Mukhang si Brenda ang nagtalaga sa babaeng ito bilang bantay. Magaling talaga siyang kumilatis.
"Malakas ang kutob ko na naghahanda na din ang ibang guild! Lalo na ang ating mga kapitbahay! Kaya kung sino ang gustong sumali sa event, humakbang pauna!" Utos ko sa mga players na maayos na nakapila.
Kaagad naman silang humakbang pauna bilang tugon. Nandito kami ngayon sa malawak na bulwagan sa palasyo. Hindi ko alam kung magkanong halaga nang diamond ang pinagpagawa dito. Pero isa lamang tinitiyak ko, kung anong ganda sa labas ay siya ding ganda sa loob. Napakalawak at nagkasya ang 200 mahigit na manlalaro!
Sila ang mga player na walang department na kinabibilangan. Wala silang eksaktong task kagaya ng ibang department. Kaya naman mataas ang respeto sa kanila ng mga bago. Sila din kasi ang nagsasanay sa mga bagong members bago sumabak sa napili nilang department.
Isa lamang ang pinoproblema ko ngayon, paano ako pipili ng maiisali sa event? At hindi ko alam kung may malalakas pang players sa ibang department. Gusto ko din namang bigyan ng chance ang iba. Hindi lang mga seniors.
Teka. Ang worgen dungeon.
Mukhang alam ko na ang aking gagawin.
"Kayong lahat. Sa worgen dungeon!"
Kaagad na nagkaroon ng bulungan nang bangitin ko ang tungkol sa dungeon.
"Worgen dungeon? Wala pang nakakaligtas doon pre."
"Oo nga. Sabi nang kaibigan ko sa Clever Jaw, namatay daw silang lahat nang ipinadala sila."
"Ano ba kayo? Mas malakas tayo sa kanila. Kaya makakatakas tayo doon."
"Sana nga..."
Kunot noong lumingon sa akim si Ice. "Sigurado ka ba Valk?" panunigurado niya.
"Oo. Para mas madali ang pagpili sa mga nais sumali sa event. At para na rin mabigyan ng tyansa ang ibang guild members na gustong sumali." paliwanag ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
✓ Exyvius Fantasy Online Vol. 3: Evergreen Forest #RPGCertified
Science Fiction»Highest Rank Achieved« #19 in Science Fiction (July 14, 2018) Natalo ang Powerhouse na mayroong 90, 000 manlalaro sa Miracle Emporium na may 6, 000 manlalaro. Dahil sa pinagsama-samang malalakas na guild at mahusay na teamwork, natalo nila ang pang...