6. Caught

10.1K 190 4
                                    

ISANG nang-aakit na tingin ang ibinigay ng kasayaw ni Karen sa kanya. And because of that, she giggled flirtly. Mukha namang naapektuhan nang husto ang lalaking wala pang isang oras ay mukhang naakit na agad niya.

"I love that sound," bulong pa nito sa kanya.

"Really?" sabi niya saka tuloy pa rin sa maharot na pagsasayaw.

"Really," wika nito at namumungay ang mga matang hinalikan siya. Dati-rati ay balewala na sa kanya ang mahalikan ng iba't ibang lalaki. Pero ngayong araw ay parang nag-iba iyon. Because suddenly ay parang naalala niya si Stock...and the way he kissed him last night. Ayaw na nga niyang alalahanin ito dahil sa pagpapabaya nito sa kanya kagabi, pero may mga bagay pa rin na hindi niya maiwasang hindi maalala ito. Katulad na lamang ng kagustuhan niyang gustong ipagkumpara ang halik ng lalaking ito sa halik ni Stock sa kanya kagabi. Napapikit siya habang pinagkukumpara iyon.

Well, masasabi niyang iba talaga ang halik na hatid sa kanya ni Stock kaysa sa halik ng lalaking ito. With this guy, kissing is just a meeting of two lips. Its just ordinary. But with Stock, she can describe it as more than extra-ordinary. Kaya naman siguro kahit ilang oras na siyang naglalagi sa bar na iyon upang maghanap ng bagong prospect niya, ay hindi pa rin niya malimutan ito. Dati naman ay hindi siya ganoon. Madali nga siyang makalimot ng mga nangyari sa kanya at sa isang lalaki. Pero si Stock...

Sabagay, wala pa namang isang araw simula nang mangyari ang halik na iyon kaya may hangover pa siguro ako...

Ilang sandali pa ay naramdaman niyang tumigil sa paghalik sa kanya ang lalaking kasayaw niya. Napamulat siya at mukhang malakas yata talaga ang hangover niya dahil sa halip na ang lalaking kasayaw ang nakita niya ay ang lalaking iniisip niya habang nakikipaghalikan ang nakikita niya. Stock was standing in front of her. Madilim na madilim ang mukha nito habang nakatingin sa kanya.

"At anong ginagawa mo dito, ha?" ramdam na ramdam niya ang galit sa boses nito dahil doon. Hinawakan pa nito nang mahigpit ang kamay niya. Daig pa nito ang isang amang naghihigpit sa nag-iisa nitong prinsesa. Daig pa nito ang kanyang ama.

"Naglalaro," balewalang sabi niya. She should give back what he made him feel the whole day.

Mas lalong dumilim ang mukha nito at hinawakan ang kamay niya. Hinila siya nito palabas ng bar. "What are you doing? May kasayaw pa ako!" protesta niya.

"Pinaalis ko na ang kasayaw mo! At ganoon na rin ang pag-ban ko sa 'yo sa bar na ito!"

Napanganga siya sa sinabi nito. "And who do you think you are para ipa-ban ako sa lugar na ito?"

"My friend owns this place. At dahil kaibigan ko siya, mabilis lang sa akin mapagalaw ang mga tauhan niya,"

"Hah! And who are you? My keeper?"

"Your soon to be, Baby," sabi nito saka nakangising binuksan ang pinto ng kotse nito na nasa exclusive parking din ng bar na iyon. Pinapasok siya nito doon. Pilit siyang nagprotesta pa rin pero dahil mas malakas ito sa kanya ay nanalo ito. Nilagay pa nito ang seatbelt niya at mabilis na pumunta sa drivers seat bago pa siya makapagprotesta muli.

"Alam mo ba itong ginagawa mo? Its kidnapping!"

"At alam mo rin ba ang ginagawa mo? You're making yourself look like a tramp!" nagbalik na naman ang galit sa boses nito.

"As if you care!"

"Of course I care! Dahil kung hindi, hindi kita pupuntahan dito!"

"Hindi ko sinabi sa 'yong pahalagahan mo ako,"

"I like to. At simula ngayon hinding-hindi ka na muli pang tutuntong sa kahit anupaman na bar. Maliwanag?"

Nanlaki ang mga mata niya. "What? Now, you are acting like a dominant keeper! Ni wala nga tayong relasyon!"

"I told you last night I want you to be my girl!"

"But I'm not! At isa pa, kung gusto mo talagang makipagrelasyon sa akin, hindi ka naman gumagawa ng paraan para---"

"I'm doing it now," putol nito sa sinasabi niya.

"Dapat kanina mo pa ginawa," pabulong na sabi niya.

Tumigil ito sa pagda-drive at tumingin sa kanya. "What did you say?"

"Wala," balewalang sabi niya. "Ihatid mo na lang ako pauwi sa amin,"

"No way! Matapos kong magpakapagod sa paghahanap sa 'yo ay iuuwi lang kita agad? We're gonna dine out. Its just eight in the evening. The night is still young,"

"I'm tired. I want to go home,"

"I'm tired, too. But I want to be with you,"

Napatingin siya sa sinabi nitong iyon dahil nakaramdam siya ng kumiliti sa puso niya nang dahil doon. Para kasing sincere na sincere ito sa pagkakasabi nito noon.

Ah, hindi, Karen. Baka hindi ka lang nakakapaglinis ng tainga kaya iba ang naririnig mo...

"I was so busy this day kaya hindi kita natawagan o nai-text man lang. I have a whole day meeting with a client. I called you this afternoon pero hindi mo naman sinasagot ang tawag ko. Pinuntahan pa nga kita sa bahay niyo pero sabi ng katulong niyo ay wala ka naman. Na gumigimik ka na naman daw siguro. So I ask my sources to look for you. My brother Price owns a chain of bars kaya naman nahanap agad kita," wika nitong sinasagot ang mga tanong na kanina lang ay nasa isipan niya. "Did you feel bad?"

Hindi siya nakasagot dahil totoo namang sumama ang pakiramdam niya dahil sa ginawa nito. Ang akala niya ay binalewala lang siya nito pero busy lang pala ito sa trabaho nito. May balak naman pala talaga itong punatahan siya pero kung anu-ano sumagi sa isipan niya.

Itinigil nito ang sasakyan at pinaharap siya dito. "So I assume you feel bad. I'm sorry then. Hayaan mo at magli-leave ako bukas na bukas din para maasikaso ko ang gusto kong gawin sa 'yo," he said and caressed her cheeks. At katulad ng nangyayari sa kanya kapag hinahawakan siya nito, parang nakukuryente na naman siya.

Napalunok siya dahil parang natutuyuan siya ng lalamunan nang tumingin ito nang diretso sa mga mata niya. "A-at ano naman ang gagawin mong iyon sa akin?"

"Liligawan kita," he said and looked straightly in her eyes. Naging Sahara yata desert yata ang lalamunan niya sa katuyuan nang dahil doon. She was...speechless.

The Playboy Millionaires Book 2: Playing With StockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon