17. Relationship

8.4K 156 7
                                    

"CONGRATULATIONS!" masayang bati ni Karen sa mag-asawang sina Cash at Charity nang anyayahan siya ng mga ito na mag-lunch sa Golden Cash Clubhouse Resort. At masaya siyang pumunta siya dahil isang napakasayang balita rin naman ang narinig niya mula sa dalawa.

"Thank you! I am so happy! Akala ko, hindi pa kami nakakabuo bago kami mag-second honeymoon ni Cash pero hindi ko lang pala agad iyon nako-confirm. I conceive before our wedding,"

"Mukhang excited yata masyado si Cash bago ang church wedding niyo kaya naman ginalingan na niya," nakangiting wika niya sa dalawa. Siya lang ang kakilala ng mga itong nandoon dahil pare-pareho raw busy ang ibang inimbitahan ng mga ito. Biglaan kasing nag-imbita ang mga ito sa sobrang excitement.

"Oo nga. 'Buti na lang pala at nag-hinay-hinay ako noon kundi baka napisat si Baby," hinipo pa nito ang pipis na tiyan ni Charity. "Ikaw ba? Kailan ba kayo magkakaganito ni Stock, ha?"

"Pakasalan niya muna ako 'no!" tatawa-tawang sabi niya.

One week na simula nang maging opisyal na sila ni Stock. At sa one week na iyon ay masasabi niyang nasa cloud nine siya dahil sa sayang kasama nito. Kung sweet na ito noong nililigawan siya, mas naging sweet pa ito ngayong sila na kahit na pumasok na muli ito sa trabaho nito. Sa totoo nga lamang, kung hindi pa ito kinausap nang masinsinan ng ama nito ay mukhang wala pa talaga itong balak na iwanan ang "panliligaw" sa kanya kahit sila na.

Every morning, he will call her and tell her all the good things a girl would want to hear from his man. He always made her smile. Kaya naman umaga pa lang ay buo na ang araw niya kahit hindi pa niya ito nakikita dahil sa mga pinagsasabi nito sa kanya. Hindi rin nito nakakalimutan na magpadala ng roses sa bahay nila kahit na tulog pa siya kapag sandaling dumadaan ito para ihatid iyon. He was like the sweetest man in the world for her.

Their relationship feels so perfect. Tanggap siya ng pamilya nito kahit alam na pala noon pa ni Price ang tungkol sa pagiging malaro niya noon sa lalaki. Pero hindi ito natakot na magiging biktima ang kapatid nito ng mga ginagawa niya dahil nakita raw nito na iba raw ang tinging ibinibigay nito sa kanya nang magkasakit ang kapatid nito. She was glad about it dahil naisip niya bigla noon na kung si Stock ay naintindihan siya, baka ang pamilya nito ay hindi naman. But they accepted her for what she is. She was glad his family is not that judgemental. Basta lamang daw na magpatuloy ang kung anong masayang nangyayari sa kanila ni Stock ay wala itong pakialam sa naging masamang image niya noon.

Tanggap rin ng pamilya niya si Stock. Gustong-gusto talaga ito ng Daddy niya sa kanya dahil kapag nasa bahay si Stock ay ang luwang ng ngiti nito. Palagi rin na magkausap ang dalawa at mukhang kasundong-kasundo ang isa't isa. Iniisip na lamang niya na siguro ay dahil parehong businessman kaya nagkakasundo talaga.

"Okay. I'll tell him. Siguradong matutuwa 'yun kapag sinabi kong sinabi mo 'yan,"

Tumawa siya. "Ulol! Babago pa lang kaming---"

"So what? Kami nga ni Cash, isang araw lang yatang nag-usap, lumipad na kami sa America at nagpakasal, eh,"

"Siyempre iba naman ang klase ng sa inyo," isang marriage for convenience ang nangyari muna kayna Cash at Charity bago nagkahulugan ang loob ng dalawa.

"Wala naman 'yan sa ganyan-ganyan, eh. Kung mahal niyo talaga ang isa't isa, kahit kakasagot mo pa lang sa kanya, puwede na 'yang diretso ng altar. Walang pinipiling oras ang tunay na pag-ibig,"

Natawa si Charity sa sinabi nito. "Ano namang nakain mo at nasasabi mo 'yan, Mister, aber?"

Natawa na rin ito. "Ganyan na yata talaga kapag magiging Daddy,"

Natawa na rin siya dahil sa mga sinasabi nito. Siguro nga ay tama si Cash na walang pinipiling oras ang pag-ibig. Kahit siya ay handa ng pakasalan si Stock oras na mag-propose ito sa kanya. Pero kahit ganoon, gusto niya pa rin kilalanin ito nang husto. Okay lang naman daw iyon dito at talagang sinusuportahan pa siya sa gusto niyang mangyari. Noong isang araw ay pinadalhan siya nito ng lahat ng magazines at newspapers kung saan naka-feature ito at ang pamilya nito. Ginawa raw nito iyon para ma-built daw ang trust niya dito dahil malalaman raw niya kung anong nangyari sa mga nakaraan nito at hindi na iyon maging sikreto para sa kanya. Minsan ay nahihiya ito kapag ikinukuwento niya rito ang reaksyon niya sa mga nabasa niya tungkol dito dahil talaga namang nakakaloka ang iba sa mga iyon. Kung siya kasi ay ilang buwan lamang nagtagal ang pagkakaroon ng "flavor-flavor" sa mga lalaki, ito pala ay highschool pa simula nang mag-umpisa iyon. Nakilala rin niya ang ilan sa mga naging babae nito na kung hindi sikat na modelo ay mga artista naman. Pero siyempre, kahit ganoon ay mahal niya pa rin ito. She loves and accepts him for what his past is not just because he also accepts her but because she loves everything about him...including his flaws.

Sana, pati ang relasyon nila ni Stock ay hindi rin magka-flaws. O kung magkaroon man sila ng pagkakamali, matatanggap pa rin nila iyon.

  Karen treasured every moment. Hindi niya yata kaya kung masira sila. Even just for a few amount of time, she is already wishing she will be with Stock forever...  

The Playboy Millionaires Book 2: Playing With StockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon