12. The Wedding

9.4K 165 4
                                    

MASASABI ni Karen na ang wedding ng panganay na kapatid sa ama ni Stock na si Cash sa asawa nitong si Charity ay ang pinakaengrande sa lahat ng kasal na napuntahan niya. Kahit renewal of vows lang ng dalawa iyon, mas engrande pa yata iyon sa kasal nina Prince William at Kate Middleton. Kalahati yata ng kayamanan ni Cash ang ginastos nito para sa kasal lamang nito sa pinakamamahal nito. Ginanap ang kasal sa Sanctuario de San Antonio at ang reception naman ay sa mismong clubhouse na pagmamay-ari ni Cash---ang Golden Cash Clubhouse resort na talaga namang tila diamante sa kinang ngayong gabi. All she could see in the wedding is elegance...and of course, the love of the groom to her bride. Kahit ito pa lamang ang unang beses niyang makita sa personal si Cash at ang asawa nito, kitang-kita niya sa mata ni Cash na mahal na mahal nito ang asawa at ganoon rin naman ang asawa nito dito. They are a very good example of a perfect and loving couple.

Pero kung noong isang taon ay naiinggit siya sa tuwing nakakita siya ng mga ganoong klase ng events, kakatawang ngayon ay hindi na. At malaki ang suspetsa na dahil katulad ni Charity ay nakatagpo na rin siya ng tunay na prince charming sa katayuan ng kapatid ng groom nito.

"Congratulations," sabay pa nilang bati ni Stock nang makalapit sa table nila ang dalawang bagong kasal. Kasama nila sa table ang nag-iisang kapatid ng Daddy nito na si Tita Petty at ang private nurse nito. Naka-wheel chair pa si Tita Petty dahil kakagaling lang nito sa chemotheraphy dahil sa sakit nitong cancer at nanghihina pa ito nang dahil doon. Ganoon pa man ay pinili pa rin nitong um-attend sa kasal ng sabi ni Stock ay pinakapaboritong pamangkin nito. Ang Tita Petty raw kasi nito ang nag-alaga kay Cash simula pagkabata kaya naman mahal na mahal nito ang lalaki.

Kinamayan niya si Cash samantalang hinalikan naman niya ang asawa nitong si Charity.

"Thanks. We are also happy for the both of you,"

Ngumisi si Stock. "Thanks, too. Feeling ko tuloy ikinasal na rin ako dahil sa sinabi mo,"

"Bakit, hindi pa nga ba? The way you look at Karen...feeling ko ay nakita mo na talaga ang "the one", bro,"

Inakbayan siya ni Stock. "Kitang-kita mo naman. Si Price na lang ang kailangan nating patinuin,"

"Saka ang Daddy niyo," singit naman ng Tita Petty sa usapan. Kinuwento sa kanya ni Stock na dati raw inis na inis dito ang Tita Petty nito. Pero nang makita sila nitong dalawa ngayon ay nanahimik ito. Naiinis daw kasi ito sa kapatid nito, kay Stock at Price dahil na rin sa pagiging babaero ng mga ito. Feeling raw nito ay hinawaan ng mga ito ang kalokohan ang pinakamamahal nitong pamangkin na si Cash.

Bigla namang lumapit ang isang lalaki sa tabi nila. Kung hindi pa ito nagsalita ng "mga anak" sa harap nila ay hindi niya mapapansin na kamukha pala ito ni Bill Torres---ang ama ng tatlo. At katulad ng naisip niya kay Price nang una silang magkita, wala rin justice ang nasa picture na nakikita niya dahil mas guwapo at mukhang mas bata ito sa personal. Malakas rin ang appeal nito kahit matanda na ito, na nasigurado niyang siyang minana ng mga anak nito.

"At sinali niyo pa ako sa usapan niyo. I'm old,"

"Dad, age doesn't matter," wika naman ni Price na kasunod pala nito. "Maghanap na rin kayo,"

Tumingin ito sa kapatid nito. "Si Petty muna,"

Tita Petty glared at him. Matandang dalaga ito at wala rin anak. Halatang nainis ito sa sinabi ng kapatid. Napatawa naman si Mr. Bill Torres.

"I'm happy with what I have right now," maikling sagot na lang nito. "Anyway, Congrats to you, Cash and Charity. I hope you'll grow old together,"

Inakbayan rin ni Cash si Charity. "Hindi mo na kailangang sabihin pa 'yan, Dad. I'll spend my whole life loving her," sabi nito saka hinalikan pa si Charity sa labi na agad na namula sa sinabi ng asawa nito.

"Sweet. Puwede kayang ako rin?" tumingin sa kanya si Stock. And in an instant, her cheeks turn to red. Pinalo niya ito sa braso.

"Bakit? 'Di pa ba kayo ng anak ko? Samantalang ilang beses na akong nakakabasa ng articles sa diyaryo tungkol sa pagbabago ng aking anak ng dahil sa 'yo, Miss Sy," nakangiting sabi ng ama ng mga ito. "I think you're very good to my son, Miss Sy, kahit ngayon pa lamang nakita,"

"Of course. She's my everything, Dad. Kaya naman kahit hindi niya pa ako sinasagot, sinasabi ko na sa inyo na siya ang babaeng dadalhin ko sa altar," lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya.

Tinaasan niya ito ng isang kilay. "You're so sure of yourself, huh?"

"Hmmm... I can feel it, Babe," he said and kissed her in the lips. And for the nth time, she can't resist it. He was really simply irresistible lalo na at hinahanap-hanap ng katawan niya ang dampi ng labi nito sa labi niya.

"Ah, cheesy! Kung bakit ba naman kasi nagkaroon pa ako ng rules na bawal magdala ng babae sa simbahan kaya naman wala rin akong chicks ngayon na puwedeng halikan anumang oras katulad nitong si Kuya Cash at Kuya Stock," pumapalatak na wika ni Price. "But anyway, I can always hunt on receptions," luminga-linga ito at nang may makitang isang babaeng malalaki ang boobs at puwitan ay napangisi ito. "So see you later, if I'm still not nailed,"

Sumunod naman dito ang ama nitong mukhang nakakita rin ng babaeng kagaya nang nakita ni Price. Sina Cash at Charity naman ay itinuloy ang pag-e-entertain sa bisita at nagpaalam na sa kanilang dalawa. Si Tita Petty naman ay ninais nang magpahinga dahil pagod na raw talaga ito. Naiwan sila sa lamesang nakadestino sa kanila simula pa lamang ng reception.

"Alam mo bang kaming tatlo nina Cash at Price ay hindi nagdadala ng mga babae sa simbahan or sa mga kasal man lang? Natatakot kasi kaming kapag dinala namin sa simbahan ang isang babae, baka akalain nila na gusto na rin namin silang iharap doon. Kapag sa kasal naman, kahit beach wedding man, hindi rin baka lumipad rin siya at mangarap. Mapikot pa kami ng wala sa oras. Pero dahil ngayong nakilala na kita, iba na iyon. Willing akong makaladkad sa altar anytime, basta ba ikaw dapat ang babaeng pipikot sa akin," pagkukuwento nito nang makaalis ang pamilya nito.

Ngumisi siya. "Oo na. Para ka ng nakainom dahil sa dami ng mga kalokohang sinasabi mo,"

"Totoo kaya iyon. And you know, I'm not drunk. I'm just intoxicated by you," he said and winked at her.

She rolled her eyes. "Corny!"

"Corny na kung corny. Pero aminin mo, high quality namang mais ito," itinuro pa nito ang sarili.

Lalo lamang siyang natawa sa mga pinagsasabi nito. "Ewan ko sa 'yo. Iiwan nga muna kita nang mawala-wala naman 'yang magic na ini-spell ko sa 'yo ngayong araw. Nasobrahan yata,"

"Kahit ikulong mo pa ako sa spell na 'yan pang-habang buhay, I won't mind," kibit-balikat na sabi nito. Nang tumayo siya sa kinauupuan niya ay nagsalita muli ito. "O teka, aalis ka nga?"

"Pupunta lang ako sa comfort room,"

"Papaganda ka lang para sa akin, eh," tudyo nito.

"Bakit, 'di pa ba ako maganda sa paningin mo ngayon?" pinapungay niya pa ang mata.

Ngumisi ito. "I like that,"

Tumawa lang siya. "I'll be back,"

The Playboy Millionaires Book 2: Playing With StockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon