16. Karen's Love

9.2K 151 13
                                    

NAGISING si Karen nang maramdaman niyang may bumukas mula sa kung nasaan siya. Sandaling nanibago siya dahil wala na siya sa lugar kung saan alam niyang nandoon siya kanina. Pero agad rin naman nag-sink-in sa kanya na nasa kuwarto pala siya ni Stock nang makitang ito ang nagbukas ng pinto kung nasaan siya.

"Gising ka na pala. Dinala na kita dito dahil hindi ko alam kung tama bang dalhin kita sa bahay niyo ng pagang-paga ang mata mo. Baka isipin ng Daddy mo ay pinaiyak kita,"

"Ano bang nangyari?" ang huling natatandaan niya ay ang pagyakap nito sa kanya nang nasa sementeryo siya habang umiiyak pa rin kahit natapos na ang pagkukuwento niya dito tungkol sa nakaraan niya.

"Nakatulog ka ng dahil sa pagod sa pag-iyak mo kanina kaya inuwi na muna kita dito sa unit para makapagpahinga ka. I hope you don't mind. Binabantayan kita dito kanina pero dahil nagluto ako sandali ng dinner ay lumabas muna ako," tinignan siya nito nang mataman at hinawakan ang pisngi niya. "How are you feeling?"

"Medyo masakit lang ang mata ko dahil na rin siguro sa pag-iyak. But I'm fine. I am totally fine," pakiramdam kasi niya ay nabunutan siya ng tinik sa dibdib ng ikuwento niya ang lahat dito.

"Good. I'm glad you are," wika nito pero sa tonong mukhang hindi naman ito masaya. Bigla tuloy siyang kinabahan dahil doon.

Hindi niya naiwasang magtanong. "Is there are a problem, Stock?"

"Ha? W-wala naman," kinuha nito muli ang bowl sa side table. "Kumain ka muna. Baka nagugutom ka na,"

Sa sinabi nitong iyon ay kumalam ang tiyan. Naalala niyang halos hindi nga pala siya nakakain ng lunch kanina kaya siguro nagkaganoon ang reaksyon ng katawan niya. Inalalayan siya nitong bumaba ng kama at sabay silang nagpunta sa dining room ng unit nito. Kakaunti lang ang niluto nito pero sapat na iyon para mapunan ang gutom niya. Mabilis rin niyang natapos ang pagkain. Pero sa kabila ng bilis sa pagkain ay panaka-naka pa rin na pumapasok sa isip niya ang tungkol sa pagkaiba ng tono nito kanina. Paano kung nagalit pala ito sa kanya dahil sa mga nalaman nito? Paano kung katulad ng Daddy niya ay iba rin ang maging tingin nito sa kanya?

"I'm sorry, Stock..." wika niya dito nang matapos itong kumain. Napansin rin kasi niya na malungkot ang mukha nito kaya naman lalo siyang nagkaroon ng suspetsa na baka hindi naman talaga siya tunay na naintindihan nito. Sa isiping iyon ay nanghihina siya. Pero masisisi niya ba ito? She really became a bad girl because of what she did in the past just to get back to those playboys. Kung hindi siya matatanggap nito dahil sa nakaraan niya, wala siyang magagawa kundi ang pakawalan ito. After all, maybe she deserved to have that because of all the things she have done. Siya naman ang dapat na masaktan dahil nahulog na siya dito at iiwan siya nito.

Lumungkot lalo ang mukha nito. Bumuntong-hininga ito. "Don't be sorry, Karen. Wala ka namang kasalanan. Kagaya nga ng mga sinabi mo sa aming mga playboy, dapat ay pinaparusahan kami. We play too much. We all deserved to be hurt. And I accept the fact that you also did that to me dahil may kasalanan rin naman ako,"

Kumunot ang noo niya. "What do you mean?"

"I know that I am one of the guys you played,"

"What?! You got me wrong, Stock, hindi---"

"Sinabi mo kaninang ginagantihan mo ang playboy. I was a playboy. Malamang sa malamang ay kasali ako sa mga lalaking ginagantihan mo. Isa pa, sinabi mo sa akin na iyong mga ginawa mo sa aking paghihintay sa sine at ang pagsasayaw natin sa Manila Pen ay kagaya ng mga ginawa mo sa mga lalaking pinaglaruan mo para malaman mo kung seryoso sila sa 'yo at sa bandang dulo ay iiwanan mo rin sila kapag nakita mong seryoso na sila sa 'yo"

"No!" agad na wika niya. "I will admit that was my first plan. Masarap ibaling sa 'yo ang paghihiganti ko sa kauri mo dahil ikaw ay isa sa mga pinakakilala sa lahat. Kumbaga mataas ang puwesto mo sa pagiging playboy. But my plan backfired when I started dating you and I felt this intense feeling on you. Paano ba naman kasi, lahat na lamang ng gawin kong test sa 'yo, pumapasa ka. Iyong iba kasing tine-test ko, minsan ay sumasablay dahil nakikita ko ang inis sa ilan sa mga pinagagawa ko sa kanila like make them wait on cinemas like the way I did to you when we have that movie date. You're so good to me. Kakaiba ang ugali mo sa kanila pati na rin ang pakiramdam na pinaparamdam mo sa akin kapag nasa tabi kita,

"I told myself I should not fall for you dahil kagaya ka rin nila. Pinilit kong huwag pansinin ang damdamin ko sa 'yo dahil natatakot akong kagaya ng ginawa nina Gwynn at Kyle sa amin ng best friend ko ay ganoon rin ang gawin mo sa akin. I said I will just play with you. Iyon nga lamang, naramdaman kong parang apoy pala ang nilalaro ko. Dahil sa huli ay ako rin ang napaso noon dahil nag-backfire ang plano ko at na-in love ako sa 'yo,"

"Hindi kita kayang biktimahin dahil ikaw ang nambiktima sa akin. Biniktima mo ang puso ko sa mga ginawa mo. You made me feel there is a room for change on guys like you when you told me you'll court me and you made actions on that. You made me feel that not all playboys are playboy in the end. Na kaya rin nilang magmahal at magseryoso kagaya ng pinaramdam mo sa akin.

Mukhang na-relieve naman ito sa paliwanag niya. "Is it really true?"

Tumango siya. "Sa tingin mo ba, tatagal tayo ng ilang buwan na nagde-date kung hindi pa ako seryoso sa 'yo?"

"Sabi ni Eric, kaya ka lang daw natagal sa akin dahil sa asset na mayroon ako,"

"Bakit? Mayroon rin naman ang pamilya ko ng asset na 'yan, ah? Don't think of me as a gold digger. Maybe I'm a bitch in my past, but I never wanted money in return. I just wanted to hurt which I was feeling so sorry right now."

Ngumiti na ito. "Sabi ko nga ganoon Pero sa kabila noon, tanggap naman kita sa kabila ng lahat ng pinagdaanan at ginawa mo sa buhay mo. Everybody has flaws and I admit I also have that. Highschool pa lamang ako ay malaro na ako sa mga babae at halos alam ng buong mundo 'yan. Marami man na babaeng nagkakagusto sa akin sa kabila ng ugali kong iyon pero alam kong mayroon rin namang hindi. Kagaya mo, kaya naisip mong paglaruan ako noong una dahil ayaw mo sa mga playboy. But then, you still accept and change plans for me. Isa pa, eh ano naman kung may nakaraan ka? Lahat naman tayo ay mayroon noon. Lahat rin tayo ay nakakagawa ng pagkakamali. What's important to me is that I already know that you've learn from my mistakes. So kung nag-aalala ka kung hindi kita tanggap dahil doon, nagkakamali ka. I understand you. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit minahal kita kahit ano pa mang ka-bitchesahan ang ginawa mo noon sa mga kauri ko,"

Napangiti siya sa sinabi nito. "Maybe because your love for me is blind. Hindi mo nakita ang mga flaws ko dahil natanggap mo pa rin ako,"

"Ganoon? Siguro. Pero paano naman ikaw? Ano naman ang love mo para sa akin?"

"My love for you is like a rosary,"

Kumunot ang noo nito.

"Full of mystery," nakangiting sabi niya. "Because I fell in love with you in a mysterious way. Hindi ko kasi maipaliwanag kung paano mo ako nako-kontrol kapag hinahawakan mo ako,"

"Sana sinabi mo na lang, my love for you moves in mysterious way," sabi nito sa kanya pero halata namang natuwa rin ito sa naging ka-corny-han niya. "Pero wala ng bawian 'yan, ha? You love me,"

"As long as you love me, too,"

"Always. I love you, Karen Sy," he said and kissed her. Kung kanina, nang makita niya si Gwynn at si Kyle ay feeling niya ay pinakamalas na araw na niya, ngayon ay nagbago na iyon dahil sa pagtatapat na nangyari sa kanilang dalawa ni Stock. Nawala na ang lungkot niya dahil naiintindihan naman pala talaga siya ni Stock at kaya lamang pala ito naging malungkot dahil sa akala nito ay pinaglalaruan rin niya ito. Pakiramdam niya ay nawala na ang tinik sa dibdib niya dahil sa ginawang pagtatapat niya nang nakaraan at mga dahilan niya at hindi man lang siya hinusgahan ng taong iyon. At ang lalaki pang ngayon ay isa na sa mga pinakaespesyal sa puso niya.

She really pours her heart out today.

The Playboy Millionaires Book 2: Playing With StockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon