7. Karen's Friends

10.7K 176 5
                                    

"GIRL, are the rumors true? You are dating Stock Torres?" bungad ni Stacey sa kanya nang makalapit ito sa table niya kasama si Julianna. The two were her new friends na nakilala niya dahil sa pagbabago ng lifestyle niya. Kaparehas niya ay madalas rin ito sa mga bars para gumimik at maghanap ng mga boys. Pero kung siya ay naghahanap ng mga lalaki para saktan, ang mga ito naman ay para humanap lamang ng kaligayahan. They were the typical socialites who love to party all night. At dahil ito ang mga madalas na nakikita niya kapag gumigimik siya, she hooked with them. After all, kahit naman mga party-goers ang mga ito ay mababait at masasayang kausap naman ang mga ito. Hindi rin maldita ang mga ito katulad ng ibang nakilala niya kaya nakiki-hangout siya sa mga ito anytime at paminsan-minsan ay nagbibigay rin siya ng ilang personal information sa mga ito.

Ngumiti siya kay Stacey at sinipsip ang strawberry milkshake na in-order niya sa restaurant na iyon kung saan nakipagkita ang mga ito sa kanya.

"So its really true?" parang hindi pa rin makapaniwalang tanong nito.

"Ano naman ang tingin niyo sa akin? Mahina ang charms para mang-akit?" nakataas ang isang kilay na sabi niya.

"Of course not," ani Julianna. "Iyon nga lamang, parang ang bilis naman. Hindi mo naman siya kinukuwento sa amin na nagkakilala na pala kayo tapos ngayon nagde-date na kayo,"

"Girls, kakaumpisa pa lang namin kahapon," pagpapaliwanag niya.

Lumabi si Stacey. "Kakatampo pa rin! Bakit ikaw ang nakasungkit sa kanya? Ang tagal-tagal ko ng nagpapa-cute doon na to the point na nag-stalk pa ako sa Golden Cash Clubhouse Resort na pagmamay-ari ng half-brother niya para lang makasungkit ng isa lang sa kanila tapos ikaw na bago pa lang naming kakilala---"

Tumawa si Julianna. "Grabe ka, Stacey! Talagang nang-stalk? Marami ka namang lalaki diyan, ah,"

"But not as rich as the three," depensa nito. "But anyway, sige na nga. Sa 'yo na si Stock, available pa naman ang bunsong anak ni Tito Bill, iyon na lang ang pagpapantasyahan ko,"

"Iyong bunso na lang ang available? Paano iyong panganay?" nagtatakang tanong ni Julianna.

"Huli ka rin sa balita, girl! May asawa na si Cash, matagal na. Kailan lang naibulgar ang tungkol sa secret marriage na iyon kaya hindi na siya available!"

"Oh... Mukhang unti-unti ng tumitino ang mga playboy millionaires, ah? Mukhang mga nagseseryoso na," nanunudyong tumingin si Julianna sa kanya. "How about our girl here, magseryoso rin kaya siya?"

Nakakalokong ngumiti siya. "What do you think?"

Nakakalokong ngumiti rin ang mga ito sa kanya. "Iba ka talaga, girl!"

Nanatiling nakangiti lamang siya sa mga ito. Nang sabihin sa kanya ni Stock kagabi na liligawan siya nito ay nabigla pa rin siya kahit sinabi na nito noong isang gabi na gusto siya nitong maging girlfriend. He thought he just wanted her to be his girl. Pero ang sabihing liligawan siya nito para lang maging girlfriend siya, ni hindi pumasok sa isip niya iyon.

Its the twenty first century at marami ang nagsasabi---particular na ang mga bagong kaibigan niya---na hindi na daw uso ang mga ligawan factor. Pero mismong noong gabing iyon ay hinatid siya muli nito sa bahay at sinabihan siyang ipakilala siya sa Daddy niya bilang manliligaw niya. Ayaw niya sana pero masyado siyang na-amuse sa hindi niya inaasahang gagawin nito. So in the end ay pinayagan niya rin ito sa gusto nito. Tutal ay nakaisip siya ng magandang plano para dito.

Stock is a very good catch---lalo na sa isang kagaya niyang mahilig maghanap ng mga playboy. Kung tutuusin, ito talaga ang hinahanap niya. She would play with him. She would play with Stock.

"But secret lang natin ang mga ito girls, huh? Let me enjoy na hindi alam ni Stock na pakikipaglaro lang ang habol ko sa kanya,"

"Of course, you can trust us. Pero teka, kailan mo ba kami ipapakilala diyan sa bago at bigtime mong "playmate"?"

The Playboy Millionaires Book 2: Playing With StockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon