15. Karen's Heart

9.3K 180 4
                                    

SA LUGAR kung saan huling nakita ni Karen ang katawan ng best friend niya dinala si Stock. She really missed her friend so much and because she was the main reason of what she had did to her life before she met Stock, sa lugar kung nasaan ito ay kung saan rin niya dinala si Stock---sa sementeryo.

"Hello Manel," bati niya pa sa kaibigan nang makaupo silang dalawa ni Stock sa damuhan kung saan nakalibing ang best friend at parang kapatid na rin niya. Hinawi niya ang ilang mga dahon na tumatabing sa puntod nito. "Kasama ko nga pala rito si Stock. Hindi ko alam kung magagalit ka sa kanya o hindi dahil playboy 'yan, eh. 'Yang mga kalahi niyan ang sumira sa buhay mo, eh."

Tinaasan siya ng isang kilay ni Stock. "Dati 'yun. Hindi na ngayon. At alam kong alam mo 'yan,"

Tumawa siya. "O, pinagtanggol niya ang sarili niya. Pero totoo 'yun, best friend. Matino na nga siya kahit self-professed playboy siya noon,"

Ngumiti naman ito sa sinabi niya at pagkatapos ay tumingin sa puntod ng best friend niya. "So she's your best friend. Hello Manel. Ikaw pala ang best friend ng pinakamagandang babaeng nakilala ko, ha. I'm sure you're also beautiful,"

Ngumiti siya habang inaalala ang mukha ng kaibigan. "Of course. Baka nga kapag nakita mo siya ay ipagpalit mo ako sa kanya, eh,"

"Ganoon? Don't worry, hindi ako ang klase ng lalaking pumapatol sa kaibigan ng babaeng dine-date ko. Exception na lang kung hindi ko alam na kaibigan pala niya,"

"You're really different from them,"

"Who?"

"Sa mga lalaking nakita natin sa grocery store kanina. Kayna Gwynn and Kyle..."

Tinignan siya nito nang mataman. "So there are really part of the past. Anong kinalaman nila sa buhay mo?"

"Malaki, Stock," hindi niya maiwasang pumait ang tinig habang sinasabi iyon. "If its not for her, Eric wouldn't tell that things to me. I wouldn't be the playgirl. I wouldn't be the heartbreaker. At hindi ako iiyak noong nakita ko ang dalawang lalaking iyon sa grocery store," she started to sob dahil unti-unti na namang bumabalik ang mga alaala.

Niyakap siya nito. "Hey, if you're still not ready, okay lang. Sinabi ko na sa 'yong---"

"No Stock. I kept it for so long dahil wala namang taong nakakaintindi sa akin. My Dad, hindi niya naiintindihan kung bakit ako nagkaganito. Ang akala nila ay dahil kay Gwynn lamang ang lahat---sa lalaking una kong minahal pero sinaktan lamang ako. But there is more to it than they know. I'm doing all this not just for me. I'm doing all of this for my best friend,"

"The one that Eric said to you? Ang pagiging malaro mo sa mga lalaki?"

Tumango siya. "Its my revenge for those who hurt me, especially for those who hurt her. Its been very painful for me to lose my one and only best friend. We are so close to each other to the point na parang kapatid na rin ang turingan namin sa isa't isa. I am an artist at normal sa amin ang maging loner. Sa lagay ko naman, si Manel lamang ang tinuturing kong kaibigan. Having her with me is my only social life. Siya lang ang tanging naging kaibigan at pinagkakatiwalaan ko. At sa sobrang close naming dalawa ay sinabi pa namin sa isa't isa na kapag nagkaasawa kami ay gusto namin na magkaibigan rin katulad naming dalawa.

"And then we found Gwynn and Kyle. Sila ang mga lalaking nakita natin sa grocery store kanina. Kaka-graduate lang namin noon ng college sa France when we went back to the Philippines. Graduate ako ng Fine Arts at siya naman ay Interior Design. May pangako rin kami sa isa't isa noon na hindi kami magbo-boyfriend hanggang sa makatapos kami ng kolehiyo kaya naman first love namin ang dalawa. Si Manel ang unang nakakilala kay Kyle and she instantly liked the guy kahit alam niyang may history ito ng pagkamalaro sa bahay. She got blinded with love, so am I to his friend, Gwynn. Napakatamis ng dila ng dalawa at naakit kaming dalawa ng magkaibigang iyon. The two made us feel like we are their princess and they are our prince. Dalawang buwan rin kaming parang nasa isang kastilyo na walang problema. We are both madly in love with our partners...hanggang sa malaman naming isa lang kaming laruan ng dalawa.

The Playboy Millionaires Book 2: Playing With StockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon