19. A Business Deal

8.4K 156 6
                                    

PAGDATING ni Karen sa bahay nila ay binalak niyang dumiretso muna sa garden para magpahangin. Nababawasan kasi ang sakit ng ulo niya kapag tumitingin siya sa mga halaman doon dahil kay gaan sa pakiramdam na tignan ng mga iyon. Marami silang halaman at alagang-alaga iyon ng Mommy niya kaya naman magandang scenery iyon sa bahay nila at nakakatanggal ng stress at sakit ng ulo ang ganda ng mga iyon.

Nang papunta na siya sa garden ay natigil siya sa paglalakad nang makita niya ang Daddy at Mommy niya na nag-uusap sa may garden table. Madalas kapag pumupunta siya roon ay ang Mommy lamang niya ang nakikita niya. Pero mukhang hindi yata nagtrabaho ang Daddy niya ngayong hapon dahil kasama nito ang Mommy niya na umiinom ng mango juice habang nakatingin sa mga halaman at masayang nagkukuwentuhan. Matagal na rin simula nang huli niyang makita na ganoon ang mga magulang niya. Dahil kasi sa ginawa niya noon sa buhay niya ay bihira lamang siyang lumapit sa mga ito. Lagi rin mainit ang ulo ng Daddy niya kapag nakikita niya ito dahil na rin sa mga pinaggagawa niya.

"I'm very happy about our daughter now, Carina. Stock really did a good job. Napatino niya talaga ang anak natin," nakangiting sabi ng Daddy niya.

Bigla siyang kinabahan nang dahil sa narinig. Stock did a good job? Sa pagpapatino sa kanya? Hindi ba't parang ganoon rin ang sinabi ni Beatrice kanina? Na nilapitan lang siya nito dahil sa utos ng Daddy niya dito na patinuin siya?

"Yes. I am very happy about it, too, Darling. Katulad mo ay ang tagal kong hinangad na bumalik muli sa dating buhay niya si Karen. Magaling talaga si Stock,"

"Hindi talaga ako nagkamali na kausapin siya para kay Karen," mas lumawak pa ang ngiti ng Daddy niya.

So it is really true, nawika niya sa isip dahil sa mga narinig. Totoo nga ang sinabi sa kanya ni Beatrice na niloloko lang siya ni Stock. Na ginawa lang nito ang paglapit sa kanya dahil inutusan ito ng Daddy niya. Paraan lang pala nito ang panliligaw nito sa kanya para mapatino siya. Sabagay, madali nga lang naman para sa kagaya nitong malakas ang charms na paamuin ang isang babae. At siya naman ay naging mahina sa mga ginagawa nito na akala niya ay mga sincere at totoo.

Lalong sumama ang pakiramdam niya dahil sa narinig. Pero kahit ganoon, hindi na rin siya tumuloy sa garden. Hindi na niya kailangang komprontahin ang Daddy niya o di kaya ay si Stocl dahil sapat na ang narinig niya.

Masakit para sa kanya na malaman na inutusan lang pala si Stock. Peke lang pala ang lahat ng mga ginagawa nitong kuntodo paniwala naman siya. Ang akala pa naman niya ay ang suwerte-suwerte na niya dahil sa mga ginagawa nito. Pero isang panlilinlang lamang pala ang lahat. Pero masisisi niya ba ang mga magulang niya sa ginawa ng mga ito? They just wanted her to be fine kaya nagawa ng mga ito iyon. Masyado na niyang binibigyan ng kahihiyan ang mga ito dahil sa mga ginawa niya noon. At si Stock, hindi niya ba alam kung dapat rin ba niya itong sisihin dahil pinaasa lang siya nito. May kasalanan rin naman kasi siya eh. Kung hindi sana siya nagpaapekto sa mga ginawa nito sa kanya at nahalata niyang acting lang pala ang lahat ng ginagawa nito sa kanya, sana ay hindi rin mangyayari iyon sa kanya.

She was a business deal after all. Ito na siguro ang karma niya sa lahat ng panlolokong ginawa niya.

The Playboy Millionaires Book 2: Playing With StockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon