11. The Test

10.1K 181 4
                                    

ISANG DINNER date sa Manila Yacht club ang inihanda sa kanya ni Stock para sa gabing iyon. At dahil wala naman siyang importanteng gagawin dahil ilang buwan na rin niyang itinigil na gawin ang normal na buhay niya ay siyempre, sumama naman siya dito. Mag-iisang buwan na rin simula nang makilala niya ito kaya naman mag-iisang buwan na rin simula nang i-date niya ito. And well, it was the longest time she was playing a guy.

And she could also say that it was the most enjoyable game of all. Kung game nga ba na masasabi ang pinaggagawa niya kay Stock nitong mga nakaraan. Paano ba naman kasi ay parang hindi na nga pakikipaglaro ang mga ginagawa niyang ito kay Stock. She would always tell to herself that she want him to be her playmate. Pero sa dulo ay parang hindi na naman siya nakikipaglaro. Because sometimes even if she plan wicked things to him, hindi na naman niya naitutuloy. She is becoming concerned to the guy kahit na ba alam niyang wala naman siyang dapat ika-concern rito 'di tulad noong araw na nagkasakit ito.

Minsan ay pinagpaplanuhan niyang pahirapan ito katulad na lamang ng isama siya nito sa isang dinner sa Manila Peninsula kung saan niyaya siya nitong makipagsayaw sa loob ng ballroom doon. Marunong siyang magsayaw pero nang makipagsayaw ito sa kanya ay nagkunwari siyang hindi. Nagkunwari siyang hindi makasunod sa sayaw na ginagawa niya at inapakan niya nang inapakan ang paa nito. Pero kahit na ilang beses na niyang nakikitang pinagtatawanan sila ng mga tao dahil mukha silang tanga habang nagsasayaw dahil na rin sa kagagawan niya ay hindi man lang niya nakitaan ng pagkagalit sa kanya si Stock. Nakita pa nga niyang mas nainis pa ito sa mga nagtatawa sa kanila kaysa sa kanyang kahit ilang beses na nitong tinuruan ay nagkunwaring hindi pa rin siya matuto. Naawa siya rito dahil kahit alam na nitong kasama ito sa pinagtatawanan ng mga tao ay hindi pa rin ito nagalit sa kanya. Buong tiyaga pa rin siya nitong tinuruan at hindi man lang ito nainis sa kanya 'di gaya nang mga ginagawa sa kanya ng mga nakaka-date niya noong ginagawa rin niya ang paglalaro na kagaya noon.

Minsan rin ay t-in-est niya ito kung gaano ito katatag kung sakaling isang nakakadiring bagay naman ang gagawin niya. Nang minsan ay mag-dinner sila sa isang mamahaling restaurant ay ginawa niyang kunwari ay aksidente niya itong natapunan ng sabaw at tumapon iyon sa damit nito. Kung ang dating nakaka-date niya ay napapa-"shit" at tinitignan pa siya nang masama pagkatapos, ito ay hindi man lang nagreklamo at nakangiti pa sa kanya pagkatapos. Sa loob-loob niya ay tumataba ang puso niya sa mga ginagawa nito. Napakahaba ng pasensya nito sa kanya kahit minsan naman ay halata ng sinasadya na niya ang iba sa mga kalokohang ginagawa niya. Pero kahit ganoon, hindi rin niya maiwasang mainis dahil sa pagiging kakaiba nito sa ibang mga lalaki. Naiinis rin siya dahil sa mga ginagawa nito, iyon at nahuhulog na rin yata talaga ang loob niya dito.

Kaya naman ngayon ay nagdesisyon na siyang magbago ng plano niya. Paano'y lahat na ay pinasahan nito at kitang-kita talaga niyang seryoso na ito sa kanya. Ang titignan niya na ngayon dito ay kung gaano siya nito matitiis kung isang pagdedemonyo na talaga ang gagawin niya dito. Titignan niya kung gaano siya nito matitiis kung katawan na niya ang gagawin niyang alas para mapatunayan na katulad lang din ito ng ilan sa mga nakilala niya noon.

"I told you not to dress like that anymore," matigas na sabi nito nang makita kung ano ang isinuot niyang damit. She wore again something sexy so she was sure she couldn't resist her.

"Why? This is an evening dress and we have a very elegant dinner kaya naman okay lang itong suot ko,"

"But you flaunt your body too much,"

"Bakit? Naakit ka ba?" natatawang sabi niya.

Naningkit ang mga mata nito dahil sa pang-iinis niya pero agad rin itong bumuntong-hininga. "Never mind about it. Lets just eat," halatang iniiwasan nito ang magkaroon sila ng ganoong discussion.

The Playboy Millionaires Book 2: Playing With StockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon