Five

345 13 0
                                    

Five


"Okay kana ba? Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong saakin ng Nurse na nagbabantay doon sa clinic. Napaupo na ako sa aking pagkakahiga at hinanap ng aking mga mata si Lovely.

"Pinapasok ko na ang kasama mo, pakiramdam ko susunod siya sayo." tipid akong napangiti sa sinabi niya.

"Medyo okay na ang pakiramdam mo, huwag mo lang masyado sanang pagurin ang katawan mo. Kung ayaw mong mangyare ulit ang nangyare sayo." Binigyan niya lamang ako ng mga gamot at vitamins na maiinom at nagpaalam na ako.

30minutes na akong late sa susunod na klase kaya halos nagmadali na ako makarating lamang doon, buti nalang at nasa first floor lang ang 3rd subject kaya hindi ako ganun ka mahihirapan. Pasimple akong dumaan sa likuran, nag-excuse lang ako sa Professor at dahan-dahan na akong umupo sa may bakanting upuan sa dulo. Isa-isa kong inilabas ang notebook at pen ko at nakinig sa mga pagpapakilala. Pinakiramdaman ko ang sarili kong katawan habang nakatanaw sa bintana. Medyo kahit papaano ay bumaba ang aking lagnat.

Maya-maya ay nabaling ang paningin ko sa taong nasa tabi ko, laking gulat ko ng makita ko si Liam na natutulog at nakaharap saakin.

Napalunok ako habang pinagmamasdan siya. Ilang minuto akong nakatitig sa payapang Liam na natutulog sa harap ko.

He is really handsome, kurbang kurba ang pagkakadisenyo ng mukha niya,namumula rin ang kanyang labi at ang kanyang mapupungay na labi ay nagsusumigaw. At ang kanyang napakatangos na ilong ay litaw na litaw.Ang kinis din ng kanyang balat.

How did you become so handsome Liam?

Inilihis ko ang aking paningin ng makita ko ang paggalaw niya, nagpanggap akong nagsusulat at nakatingin sa bintana.

After a while ay nabaling ang atensyon ko sa isang punit na papel.

"Are you okay?" sulat niya doon sa kapirasong punit na papel. Tiningnan ko siya, sinubukan kong basahin ang nasaisip niya pero blangko parin itong nakatingin sa pisara.

"Yeah."Tanging naging tugon ko sa sulat niyang iyon.

Tiningnan ko siya.

"L-Liam?"Mahinahong tawag ko ng pangalan niya. Nakita ko ang pagriin ng kanyang mata.

Blanko parin ang kanyang emosyong tumingin saakin.

Napalunok ako sa mga tinging binabato niya saakin. Ang bilis ng tibok ng puso ko na wariy nakikipag unahan ako.

"D-Did you know me?" kaagad na umalingaw-ngaw ang tinanong ko sa kanya saaking isipan.

Nagtama ang mga tingin naming dalawa, bigla akong kinabahan. Kinakabahan ako sa isasagot niya, kinakabahan ako sa mga sasabihin niya.

"H-Hindi" isang salitang nagpabuo saaking mga luha ng mga sandaling ito. Isang sagot na hindi ko inaasahang manggaling sakanya. Napangisi ako ng mapakla at wala sa sariling napatayo. Nakita ko pa siyang ibinalik ang kanyang sarili sa pagtulog.

Nagpaalam ako sa aming professor at nagtungong banyo. Ilang beses kong hinilamusan ang aking mukha dahil paulit-ulit na nag-e-echo sa pandinig ko ang sinabi niya.

Parangbiglang nadurog ang puso ko, biglang natusok.

Lumabas ako sa banyo at bumalik sa klase ngunit biglang kumunot ang noo ko ngmakitang wala na siya doon. Pinagmasdan ko pa ang inupuan niya kanina ngunit wala na talaga.

Sa susunod na klase ay pinili kong sa harapan umupo at ayoko munang makita ang presensya niya, kung sakali mang kaklase ko siya.

Naging maayos naman ang takbo ng buong klase. Nagliligpit pa lang ako ng aking mga gamit ng makita ko na kaagad si Love na naghihintay saakin sa labas ng silid.

Napangiti ako.

"Kanina ka pa?" tanong ko kaagad sakanya. Mabilis niyang ipinilipit ang kanyang kamay saaking braso at hinawakan ang ulo ko.

"Okay kana?" tanong niya saakin.

"Yep."masiglang sagot ko.

Hinayaan kong magkwento ng magkwento saakin si Lovely about sa mga nangyare sakanya ngunit pareho kaming natigilan na dalawa ng makita kong makakasalubong namin si Liam.

Bigla akong napayuko, ngunit hindi ko napigilan si Lovely.

"Liam Right?" tanong niya rito

Nakitako ang pagkunot noo ni Liam sa tanong niya.

"Kaklase mo ako sa Taxation, second subject?" hindi siya umimik.

"Nga pala about kanina, thank you. Thank you talaga." tumingin saakin si Lovely at pinandidilatan ako.

Binigyan ko lamang siya ng "What" look.

Lumapit siya saakin at bumulong. "Magpasalamat ka, siya ang tumulong sayo kanina."

Napatingin ako sa walang emosyong si Liam. Nagsalubong ang kilay ko habang nakatingin sakanya, inalisa ko siya ngunit sandali niyalang akong tiningnan at naglakad na ulit palayo saakin, saamin.

"Anong nangyare doon?" bulalas ni Lovely. Pareho kaming nakatanaw sa kanya.

"Kanina lang, kung makapag-alala siya sayo, aakalain ko talagang may relasyon kayo." Kinunutan ko siya ng noo.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko.

"Nung nahimatay ka, ramdam na ramdam ko na sobra siyang nag-aalala sayo. Halos awayin niya na nga ang nurse dahil wala ito sa area niya." Napalunok ako sa sinabi niya.

Lumapit siya saakin... "Umamin ka nga saakin, crush ka niya no."Tuliro kong hinakbang ang mga paa ko habang hindi makapaniwala sa sinabi ni Lovely.

Pasimple akong napangiti. "H-Hindi pala ah."
       

VOTE, COMMENT

Regrettable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon