Twenty One
Lovely POV
Niyakap ko si Bryle habang pinagmamasdan ang nire-revive na si Billy sa harap ko, hindi ko kayang tumingin.
"Please, please, Billy, huwag mo kaming iwan. Please Billy" paulit ulit na bigkas ko. Hindi ko kayang pigilan ang bawat hikbi na patuloy na umaalingawngaw sa kwartong iyon.
"Billy, lumaban ka. Kaya mo yan, huwag muna, billy." Si Mom, humahagulhol na ito.
Mas lalo akong hinawakan ng mahigpit ni Bryle, hindi na rin matigil sa pagkilos ang mga Doctor at Nurse na nakapalibot sakanya.
Mas lalo akong naiiyak, mas lalong nadudurog ang puso ko. Please Billy, for us pilitin mo pang mabuhay.
Pareho kami ni Mom napalingon sa lalaking pumasok sa loob, walang sali-salitang lumapit si Mom at hinahampas ang dibdib nito.
"Look what youve done, ikaw, kayo lahat ang may kasalanan nito." Hinagpis ni Mom. Tulala lamang yung lalaki habang hinahayaan niyang hampasin hampasin siya ni Mom.
Lumapit ako kay Mom at pinigilan ito sa ginagawa niya.
"Hindi pa ba sapat kinuha niyo sakanya ang mga magulang niya! And now you are going to take her. No!" Napaupo na si Mom sa kanyang pagkakaupo at wala akong magawa kundi ang yakapin ito.
"Billy. Billy, Anong gagawin ko?" Pareho kaming durog na durog ni Mom. Pareho kaming hindi matigil at nalulunod na sa sarili naming mga luha.
Sa huling pagkakataon ay sinilip ko ang lalaking iyon, tahimik siyang umiiyak habang nakatanaw sa walang malay kong kaibigan. Tahimik siyang hindi ko mabasa kung anong tumatakbo sa isip niya.
Makaraan ng ilang minuto ay tuluyan ng lumabas ang Doctor.
"Guardian of Ms. Billy?"
"K-Kamusta na po siya Doc?" Nanginginig na tanong ni Mom. Lahat kami ay nakaabang sa sasabihin ng Doctor.
"As of now, she is safe pero hindi parin namin alam kung kailan siya magigising, we all want you to pray for now para sa guidance. Dahil iyon lang ang mas mainam na gawin sa ngayon."
Sandali kaming napangiti dahil sa sinabi ng Doctor, at kahit papaanoy wala na siya sa peligro.
Pinagmasdan ko ang matiwasay na natutulog na si Billy sa kanyang higaan, its been 5 days since youre here, since you ran away in your wedding.
And I hope sa pagising mo, ipaliwanag mo sa lahat kung bakit mo ginawa yun, at bakit ka nandito ngayon.
Why did you choose to save that Man that day?
Sinulyapan ko ang lalaking iyon, sa huling pagkakataon ay sumulyap ito kay Billy na mababakas ang sobrang lungkot sa mukha at mata and he walk away. Wala siyang kung anong sinabi at tuluyan ng naglakad palayo.
~*~
Kaagad akong napabangon ng maramdaman ko ang paggalaw ng kamay ni Billy. Ginising ko kaagad si Mom na natutulog sa Sofa.
"Mom, Mom." Nagising siya at pumunta sa pwesto ko.
Pareho kaming napatingin sa mga daliri niyang gumagalaw.
"Billy? Billy." Tuluyan ng lumandas ang luha ni Mom habang tinatawag ang pangalan nito, hindi kalaunan ay idinilat na rin nito ang mga mata niya. Mas lalo kaming napaiyak ni Mom nang magtama ang mga mata namin, lumabas ako ng kwarto upang tawagin ang Doctor niya pero mas lalong bumuhos ang luha ko sa tuwa dahil finally, she's awake.
"Ms. Billy?" Tanong ng Doctor habang ine-examine ang mga mata niya.Tumango siya.
"Your name is Billy Christia Corpuz, right?"
"Opo."
"And they are?" Itinuro kaming dalawa ni Mom ng Doctor.
"Tita Mara and Lovely." Sagot nito. Mas lalong humigpit ang hawak ko kay Mom.
"Kailan pa po kayo nakauwi Tita? Diba nasa ibang bansa pa kayo?" Nagkatinginan kami ni Mom dahil sa sinabi niya.
"And where is Liam?" Mas lalong nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
Tumingin ako kay Mom. "Whos Liam?" Tanong ko sakanya.
Hindi niya ako pinansin, bagkus ay hinila niya palabas ang Doctor at naiwan kaming dalawa ni Billy sa loob ng silid.
"Love, A-Anong ginagawa natin dito?"
Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan ako.
"And why you look so matured? Ah ou nga pala kagagaling mo lang sa break up." Nag-unahan ang luha sa mata ko dahil sa sinasabi niya.
Sunod niyang sinuri ang kabuuan ng kwarto at napahawak sa buhok niya.
"And why my hair is cut like this? Wala naman akong natatandaang nagpagupit ako?" Nagtama ulit ang mga mata naming dalawa.
"And why youre crying?" Tumalikod ako sa kanya at hindi na kinayang makita siya. Lumabas ako at niyakap si Mom.
"Mom, anong gagawin natin kay Billy? Mom." Mas lalo akong napaiyak dahil sa pagyakap niya at lakas loob na hinarap ang Doctor.
"It might be the effect of her accident, she might be dreaming when shes asleep. Wala naman akong makitang amnesia dahil kilala naman niya kayo. Pero hindi pa ako makakapagbigay ng conclusion, all we need to do is observe her, tanungin natin kung ano ang pinaka-umpisa ng panaginip niya at paano ito natapos. It might help her understand that what she really beleive didnt exist at all." Seryosong pahayag ng Doctor. Pareho kaming napalunok ni Mom habang tago ang mga luha, tuluyan ng nagpaalam saamin ang Doctor kaya lakas loob ulit kaming pumasok sa loob at hinarap siya.
"Okay na ba pakiramdam mo?" Sabi ni Mom.
"Opo."
Naptingin saakin si Billy. "Si Liam? Dumalaw na ba dito?" Liam, Liam, Sinong Liam? Hindi ko alam ang isasagot ko sakanya, nagkatinginan kami ni Mom.
"H-Hindi pa Billy." Wala sa sariling sagot ni Mom.
"Tatanungin ko sana siya about what happen in the welcoming party, bigla nalang kasi kayo naglaho." Kaagad na napatalikod kami ni Mom sakanya dahil sa nagbabadya na namang luha.
What are going to do to you?
VOTE, COMMENT
BINABASA MO ANG
Regrettable Love
FantasyLiam and Billy were each other first love since they are Elementary. But they are meant to fall apart because of the incident that none of them expecting. Billy choose to be away in order to get rid of the trauma and her parents passed away, she try...