Twenty Seven

225 5 0
                                    

Twenty Seven

"I'm not really into to the man na possessive saakin, I like a man who's is gentle and mysterious" sabay sabay na naghiyawan ang mga katrabaho ko dahil sa sinabi ko.

"So John, wala ka ng pag-asa kay Ma'am" napangisi ako sa ingay nila. Tiningnan ko ang namumulang si John na nasa harap ko.

"Ha? Hindi ko naman gusto si Ma'am Billy, humahanga lang ako sakanya." Kaagad siyang nakatanggap ng batok saakin.

"Sira! Pareho din yun." Mas lalong naghiyawan sila samantalang ako ay panay tungga lamang ng alak ang inatupag  habang nag-aasaran.

Sampo kaming lahat, nagkakayayaan na magpalabas ng stress at sino ba naman ako para tumanggi, knowing na ako ata ang pinaka-stress sa kanilang lahat.

Hindi ko pa ganuon ka kilala ang iba, si Liyan at John lang ang mas kilala ko dahil sila itong nasa tabi ng table ko. Iyong iba ay mga bago pa kaya familiar lamang ang mga mukha nila saakin since palagi akong nasa field.

Bumulong saakin si Liyan. "Ma'am kaya niyo pa po ba? Kanina pa po kayo umiinom."

Nagsalubong ang kilay kong tiningnan siya. "Of course, kaya ko pa. Dont worry."

Lumipas ang ilang minuto at napansin kong may kanya-kanya na silang grupo. Naguusap ng kung ano-ano at heto ako, magisang umiinom habang ang tahimik ng mga nasa tabi ko. Pansin ko rin na hindi umiinom si John na nasa harap ko.

Mapupungay ang aking mga matang tiningnan siya. "Hoy, ikaw! Bakit di ka umiinom? Uminom ka." Naiilang siyang sinunod ang gusto ko, kinuha niya ang basong nasa harap niya at hinayaan akong salinan iyon. Nang makita ko siyang ininom iyon ay sunod ko na ring tiningnan si Liyan na nakatingin lamang saamin.

"Ikaw din." Wala silang nagawang dalawa kundi ang sundin ang sinabi ko.

"Kailangan nating magpakalunod sa alak dahil bukas, panibagong stress na naman ang haharapin nating lahat." Daldal ko sakanilang dalawa. Pasimple silang napapangiti sa mga sinasabi ko at alam kong kung ano ano na naman ang lumalabas sa bibig ko dala ng impluwensya ng alak.

"Kamusta nga pala Ma'am yung Police?." Pabagsak kong inilapag ang basong hawak ko at nanggigil na tumingin sa kanilang dalawa.

"Huwag niyo akong tanungin, mas lalo akong nai-stress."nagtawanan na naman sila. Napasubsob na ako sa mesa at maya-may at napaidlip, biglang umingay ang paligid ngunit binalewala ko lamang iyon at nagpahimas-mas ng kalasingan.

Ginigising na din ako nila John at Liyan.

"Ma'am, Ma'am Billy."

Sandali kong iminulat ang mata ko at hinawi sila. "Uhmm, Ano ba!"

"Ma'am, uwi na po tayo." Sambit nila.

Iginulo ko ang aking buhok at napatayo. Nagulat pa sila sa inakto ko.

"Anong uuwi? WALANG UUWI."

Kaagad nabaling ang aking tingin sa kabilang table na naka-uniformadong mga Police.

Lumawak ang ngiti ko at humingi ng pasensya sakanila.

"Ms. Magazine?" Malabo ang aking matang tiningnan siya at tiyaka nakompirmang si Mr. Delos Reyes nga ito.

Muntik pa akong matumba dahil sa ginawa kong paghakbang papalapit sakanya.

Regrettable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon