Forty Nine
Ang lapad ng aking ngiti habang nag-uunat ng aking katawan, unti-unti ko naring idinilat ang aking mga mata at napagtantong wala nga pala ako sa condo ko. Una kong tiningnan ang aking cellphone na nakapatong sa mesa at tiningnan kung anong oras na. Kaagad nanlaki ang mata ko ng makita ang oras, dali-dali akong nagtungo sa banyo at naghilamos. Pinusod ko rin ang magulo kong buhok at dahan-dahang binuksan ang pintuan ng kwarto niya.
Sinilip ko si Liam roon pero hindi siya mahagip ng aking mga mata, pumunta rin ako sa kusina at simple akong napangiti ng makita ko siyang nagluluto.
“Gising kana pala…” Bungad niya saakin.
“Ah Ou- Good Morning, kanina ka pa gising?” kumuha ako ng tubig sa ref nila at isinalin ito sa baso.
“Ou.” Mapanukso niya akong sinamaan ng tingin. “Aakalain kong bahay mo ito sa himbing ng tulog mo.” Asar niya saakin.
“Ha? Hindi ah. Pagod lang talaga ako at alam ko kasing nariyan ka kaya napahimbing…” banat ko naman. Kaagad siyang natigilan sa sinabi ko kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil doon.
“A-ano yang niluluto mo?” iba ko ng usapan.
“Adobo at nilagang baka, alam ko kasing paborito mo…” Mas lalong naningkit ang mata ko dahil sa sinabi niya, natuwa ako.
Medyo matatapos na siyang magluto kaya ako na ang nagprisentang mag-ayos ng pinggan at kubyertos.Kinuha ko narin ang mga paglalagyan ng ulam ng bigla akong matigilan dahil hindi ko maabot ang mga ito…Nakasimangot akong tumingin sakanya habang inginunguso ito ngunit kaagad nanlaki ang mukha ko ng biglang dumampi ang labi niya saakin. Natigilan ako pero siya ay mapanukso lamang akong ngini-ngitian.
“I thought you want my kiss kaya ka ngumunguso. Sorry”cool na cool sa sambit niya at tuluyan ng inabot ang pinapaabot ko sakanya.
Bakit ka ba ganyan Liam, nawawalan na ako ng tiwala sayo, diba hihintayin pa natin si Tita, At manliligaw ka pa!
Dahil sa pagkakatulala ko ay hinila na niya ako sa hapag at siya na ang nagtapos ng naiwan kong trabaho.
“Hindi naman halatang, masyado kang nabigla sa halik ko.” Umiling-iling kaagad ako para tumanggi dahil alam kong nahuhuli na naman niya ako. Ngumiti lang siya sa harap ko at nilagyan na ang aking pinggan ng kanin at ulam.
“K-Kumain kana.” Tinitigan ko siya at pinaningkitan. Why it sounds like he is not Liam, para bang hindi siya ang seryosong si Liam na kilala ko.
“Umamin ka saakin, may nangyare ba kagabi at ganito ang inaakto mo?” Sandali siyang nag-isip sa tanong ko.
“Uhm, aside from the fact na pinanuod kitang matulog kagabi. Wala naman” Parang ako ang mas nag-init sa mga sinasabi niya. Pinanuod niya ako kagabi matulog? Teka, natanong ko na ba dati si Lovely kung nahilik ako? Kung naglalaway ako?
“Don’t worry you sound like a baby when you’re sleeping.” Sabi niya habang niloloko ako, hindi ko maiwasang hindi siya pagmasdan if there is something happen to him when he’s sleeping, sana hindi na siya bumalik sa dati. The Liam who is always afraid of smiling, the Liam always blame herself. I want a Liam who’s in front of me right now.
Minsan napapaisip nalang ako, how if you are not Liam who’s always mysterious, Will I fall for you?
Kung ikaw ba itong lalaking nagbibigay ngiti sa harap ko ngayon, nagbibigay ng mga unexpected action para mahulog ako? Mabibihag mo kaya ako?
And my answer will always be because you are my Liam who gives me not a Regrettable Love.
Napuno ng tawanan ang paguusap namin na iyon and I don’t know pero natutuwa akong malaman ang nangyare sakanya noong nagaaral siya, about this Boy who’s popular in their school. Hindi niya rin maiwasang ipagmalaki saakin na marami daw nahuhumaling sakanya but since he’s madly in love with me ay hindi niya daw nagawang lumingon sa iba. So naging kasalanan ko pa talaga?
“By the way your Tita drop by…” Biglang napawi ang ngiti ko sa sinabi niya.
“She ask me if kasama daw ba kita. Hindi mo siguro nakita pero sinilip ka niya sa kwarto.” Mas lalong hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya.
“And I already ask her permission to court you…” Biglang sumeryoso ang mukha niya saakin at lumihis ng tingin.
“But” nagpakawala siya ng malalim na hingi at tinitigan ako ng maigi.
“But she said” mas lalo akong kinakabahan sa mga pabitin effect niyang pagsasalita.
“She said?” tanong ko.
“She said she want me to go to their home if I really want to court you.”Napatakip ako sa aking bibig at naluluha. Tita finally gave her blessing. Walang mapaglagyan ang gaan sa dibdib ko.
Kaya pala ibang iba ang mga ngiti niya saakin kanina ay dahil pala rito, akala ko may masama ng tumubo sa katawan niya kung bakit ang lambing lambing niya.Hindi namin maiwasang hindi mapaiyak sa mga nangyayare. I closed my eyes ninamnam ang mga sandaling iyon. If this is really a dream, hindi ko na hahayaang magising pa kahit ikamatay ko pa.
VOTE, COMMENT
BINABASA MO ANG
Regrettable Love
FantasyLiam and Billy were each other first love since they are Elementary. But they are meant to fall apart because of the incident that none of them expecting. Billy choose to be away in order to get rid of the trauma and her parents passed away, she try...