CHAPTER 18
PRINCE ANDREW GOMEZ'S POV
It's been 1 month since I proposed to her.At ngayong araw na ang pinakahihintay ko.Ngayong araw mag iisang dibdib na kame ng babaeng pinakamamahal ko.
Magpapakasal na ako sa babaeng una kong nakilala sa bus.Nakakatawa dahil ngayon ko lang naalala na dun nga pala kame nagkakilala,sino nga ba naman ang mag aakala na yung babaeng kasama ko noong mag arte arte sa mga holdapers para lamang makaligtas ay ang babaeng hinihintay ko na sa dulo ng altar ngayon?Siya ang babaeng mahal ko ,ang babaeng papakasalan ko,ang babaeng umaasa akong makakasama ko habang buhay.
Alam kong hindi na magtatagal ang buhay ng babaeng papangakuan ko ng pang habang buhay,pero ano naman kung maaga siya kukunin ng Diyos?basta ako hindi ako nawawalan ng pag asang isang araw gagaling siya,matutupad namen ang mga pangarap naming magkasamang dalawa.
Pero bago ang lahat uumpisahan ko muna dito.Mangangako muna ako sa Diyos lalong lalo na sakanya na mamahalan ko siya hanggang kamatayan.Na siya lang at wala ng iba pa.Sa harap ng maraming tao,sa harap ng mga taong alam ang pinagdaanan namen,at pinagdadaanan,pero higit sa lahat ay sakanya(turo Sa taas).
Tumutugtog na ang marching song namen.Statue yung kanta.Yung kay Lil eddie.I was the one pick that song for her.🎶"Every single day of my life I thank my lucky star,
God really had to spend extra time, when he sculptured your heart.
Cause there's no explanation,
It's like you love me more than I love myself."🎶When I heard this song and this part.I said to myself that this will be our wedding song.I'm just so damn lucky to have her in my life.And it's true that she loved me more than I love myself or any person in my life.For all the things that she'd done to me?
Nakatingin lang ako kay KC mula dito sa dulo ng altar,siya naman naglalakad ng mabagal ,kahit ang payat na niya ,ang ganda ganda pa din niya.Para sa akin siya ang pinakamagandang bride sa buong mundo.
Mula dito nakikita kong hawak hawak siya ng papa niya sa kanan sa kaliwa naman ay si Mommy,tatlo silang umiiyak.Ako?Pinipigilan ko,ayaw kong Makita niya akong umiiyak sa kasal namen,dapat masaya ako dahil ayaw kong panghinaan siya ng loob.
Habang tumutugtog padin yung Statue ay unti unti na siyang palapit sa akin.Madaming tao ngayon sa simbahan na ito,mga kamag anak both sides,kaibigan ang kung sino sino pa.Puro puti lang ang makikita mo sa paligid.Puti lang ang motif ng kasal namen.Si KC din all white,nag muka tuloy siyang anghel sa suot niya,simpleng make up lang din ang nakalagay sakanya at meron siyang parang halo na nakalagay sa ulo niya na lalong nagpamukha sa kanyang anghel.
Ng huminto ang kanta kasabay ng pagbigay ng kamay niya ng ama niya sa akin.
"Ingatan at alagaan mo ang prinsesa namen ha?"Sabi ni Daddy sa akin sabay tapik sa balikat ko.
"Opo Daddy"sagot ko naman.At inakap ko siya.
"Prince alagaan mo ang baby ko sobrang saya ko dahil kahit alam mo ang kalagayan niya nagawa mo padin siyang pakasalan anak"sabi sa akin ni Mommy na walang tigil ang pag iyak.Niyakap ko na lamang siya habang sianabi kong hindi hindi ko papabayaan si KC.Hinalikan ko muna si Mommy sa pisngi bago alisin yung akap sa kanya.
Nakita kong patuloy pa din si KC sa pag iyak lalo na nung sinabi ni Mommy yun sa akin.
"Mommy tama nay an,uumpisahan pa ba naten yung kasal ko?Baka patay na ko bago ka pa matapos diyan"Tinignan ko naman si KC dahil sa sinabi niya.Ayaw ko siyang nagbibiro ng ganun,pero kahit nagbibiro siya may luha pading tumutulo sa mga mata niya.
"Sige na inaantay na kayo nung Pari ohh"sabi ni Daddy.Bago kame pumunta sa gitna ng altar nilingon ko muna si Mommy Daddy.Nica at Rich all if them are in tears kahit na yung mga bisita.Ganun pa man makikitang masaya sila para sa amin.**
Ng makarating na kame sa aming wedding vows.Hindi ko na napigilan pa.Personal kasi ito,sa kagustuhan na din naming dalawa.
"Baby...Alam mo totoo lang hindi ko alam kung paano ko mag sisimula ngayon,hindi ako nagpractice kung ano man para dito.Gusto ko kasi manggaling lahat dito ng sasabihin ko*turo sa puso*Baby.Alam mo ba?Una palang patay na patay na ko sa'yo..."tas nagtawanan naman yung mga tao.
"Nakita palang kita sabi ko...ay bet ko 'to..mapapasakin din to baling araw..at magkikita ulit tayo..alam mo ba baby ko?nung iniwan mo na ako nun??Sa ospital ,alam mo bang may naiwan ka sa akin?"tas nagulat ako kasi may nilabas siyang singsing.Yung singsing na hinahanap ko na bigay ni Granny!.Nasa kanya pala.Napangiti at napailing nalang ako.Yung singsing kasi na 'yon sabi sa akin ni Granny na ibigay ko daw sa babaeng papakasalan at mamahalin ko habang buhay.Isn't ironic?Una pa lang pala meant to be na kame.
BINABASA MO ANG
CASANOVA'S FIRST LOVE (REVISED)COMPLETED
Teen FictionCasanova's First Love Copyright©2016 by letrisk