CHAPTER 15

218 4 2
                                    

CHAPTER 15


PRINCE ANDREW GOMEZ’S POV

Binagsak ko lang yung katawan ko sa sofa sa sobrang panghihina sa narinig ko mula kay KC.Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan ko agad si Ashley.Ilang ring lang sumagot na agad siya.

“Hello?”Hindi ko mapigilan yung pag garalgal ng boses ko.

“What happened Prince?Umiiyak k aba?”Nag aalalang tanong niya sa akin.

“She’s not pregnant Ashley.Niloko niya lang ako!”Napatakip na lang ako sa mukha ko para pigilan yung mga luhang kanina pang gustong bumagsak.

“Oh my God!I’m sorry to hear that.”

“Naiinis ako Ashley.Bakit ganito yung nararamdaman ko?Kahit kahit niloko niya ko Mahal ko pa din siya.Sinasabi ng isip ko na magalit ako sa kanya pero yung puso ko.Nung Makita ko siya kanina Ashley .”


“Shhh nasaan ba siya?Why don’t you follow her?Hindi mo ba siya kaya patawarin dahil dun sa ginawa niya?Igi-give up mo nalang ba siya ng ganun dahil lang sa isang beses na pagkakamali niya?”

**

Humahangos ako ng takbo para mapuntahan yung kwarto kung nasaan si KC.May tumawag sa akin mula St.Lukes kanina at sinabing nakita ng isa nilang staff nurse si KC na nakahandusay sa isang park.

Buti na lang papasok na yung nurse.
Naabutan kong may palabas na nurse doon sa room kung saan naka confine si KC.Dali ko naman nilapitan yung nurse.

“How’s she?”Tanong ko dun sa nurse.Napatingin naman siya sa akin.At parang nagulat pa.

“Ahhm kayo po ba yung ?”

“Fiance ako nung pasyente.”

“Ahh pakiintay na lang po dito.Lalabas na si Dok anytime.”

Sinunod ko nalang yung sinabi nung Nurse.Tinawagan ko na din si Mommy Christine yung Mommy ni KC.Sina Rich at Nica.Maya maya lumabas na din yun Doktor.Agd akong tumayo sa kinauupuan ko.

“Dok ano pong nangyari?Okay naman po siya diba?”Nag aalalang tanong ko sakanya.

“Okay naman siya.Pero I’m sorry hindi  na kasi nailigtas yung baby eh.”

“OH MY GOD!”Narinig ko na lang yung sinabing yun ni Nica at napadausdos na lang ako sa dingding.At hindi ko na napigilan yung luha ko sa pag buhos.

Akala ko ba nagbibiro lang siya?Baket niya sinabi saken yun?KC ano ba talaga?

KIRSTEN CYRA TOLENTINO’S POV

“Mommy!”

“Mommy yung baby ko.Wala na siya.”Para akong batang umiiyak sa lap ng Mommy ko.Ang sakit lang isipin na kanina lang isa kame ng anak ko.Ngayon wala na siya?Baby ba’t hindi ka lumaban?Si Daddy mo lang naman yung wala eh.Andito pa ako oh.Pero bakit iniwan mo ako?I already sacrifice for you anak pero baket bumitaw ka agad?

Humagulgol na ako ng iyak.Sa sobrang sakit hindi ko na napigilan yung nararamdaman ko.Bakit kinuha sa akin yung anak ko?Baket?Sabi ko sakanya kunin na niya lahat wag lang yung anak ko.Pero baket ito pa yung nangyari?

“KC?”Inangat ko yung ulo ko at nakita ko si Prince.Namamaga yung mga mata niya.Siguro narinig na niya yung nangyari.Hindi ko naman siya sinisisi eh.Kasalanan ko naman kung baket nawala yung anak ko.Sinabihan na nga ako na mahirap yung pagbubuntis ko at mahina ang kapit nung bata pero anong ginawa ko?

CASANOVA'S FIRST LOVE (REVISED)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon