Twenty One

3.4K 67 4
                                    

All for love

Aliah Alexandria King

"Kiss him." Phoenix said that made me stopped.

"What?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Baka naririndi lang ako dahil nakasakay kami ngayon sa motor nya papunta sa parke.

Naiiling na natawa ako sa sinabi nya na tila para lang iyong isang joke.

"Do everything in your power to be with Vincent on that day, and by the end of it, at exactly midnight, kiss him." Sagot nya na tila wala lang iyon.

Ilang kiss na ba ang nawawala sa akin? Kung bibilangin ko, dalawa na, ang pangalawa ay sa kanya at ang unang beses na nawala ko ang first kiss ko ay dahil hindi sinasadya at aksidente lang iyon. Ofcourse my parents don't know about it, at hindi na nila kailangang malaman because knowing them, they'll go asking me questions and that's what I do not want to happen.

Tapos ngayon pati third kiss ko iwawala ko pa?

Naramdaman nya yatang natigilan ako at akmang magsasalita na sya ng mapatingin ako sa langit.

Hanggang sa naramdaman kong unti-unti ng lumalakas ang pagpatak ng ulan at narinig ko pang napamura si Phoenix.

"Shit. Sumilong muna tayo!" He said and I just nodded.

Bigla-bigla ng bumuhos ang malakas na ulan kaya parehas na kaming basa.  Hindi ko na alam kung saan nya inihinto pero kaagad na akong bumaba at sumilong ng maiparada nya ang motor.

Sinubukan ko pang punasan ang sarili ko pero wala ring silbi at basang-basa na ako. Kaagad akong napayakap sa sarili ko dahil sa lamig.

"Dito muna tayo, ito na ang pinakamalapit eh." Sabi ni Phoenix at wala na akong nagawa kundi tumango.

"Tsk tsk tsk. Mga kabataan nga naman ngayon o oh." Nawiwirduhang tinignan ko ang dumaan sa harapan namin na matanda, mga nasa edad 50s na ata na nakaakbay sa isang babaeng sampung taon yata ang ikinabata sa kanya. Mukhang kalalabas lang nila sa building na sinisilungan namin ngayon.

Tinitignan nya talaga kami na parang may ginawa kaming masama.

"Anong problema nun?" Taka kong tanong kay Phoenix na napansin kong nakatingin sa isang sign board sa building na pinagsilungan namin.

"I think I know why." Naiiling na sabi nya na ikinatampal ko sa noo ko.

"Bakit kasi dito mo naisipang sumilong??" Inis na tanong ko pero natawa lang sya.

"Eh ito nga ang pinakamalapit! Besides, nasa labas lang naman tayo ah? Magpapatila lang tayo ng ulan. Mga tao talaga ngayon, green minded." Naiiling na sabi nya, napabuntong hininga na lang ako at mas niyakap ang sarili.

Sa pagmamadali kong makasilong hindi ko napansin na sa isang motel pala kami nakisilong. Ewan ko ba sa mga tao dito, motels shouldn't have an R-18 connotation because in the first place, it is for motorcycle riders or travelers that needs a place to sleep and rest for the mean time.

Hindi pang-short time na chukchakan.

Napaparolyo na lang ang mga mata ko sa isip.

Humans. Tsk.

"Wait here." He said dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nakita ko syang tumatakbo papunta sa direksyon ng isang maliit na boutique ng damit na nasa tabi ng mismong motel. Meron din doong convenience store sa tabi at hinayaan ko na lang syang umalis tutal ay babalik din naman yun.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa mga dumadaang sasakyan sa malayo at mas niyakap pa ang sarili dahil patuloy lang ang paglakas ng ulan.

Love Me Back [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon