Fifty

3.8K 60 2
                                    

A friend in the past

Aliah Alexandria King

"Yo bestfriend! Nasa bahay nyo kami."  Xenon said the moment I answered his call using my wireless bluetooth earbuds.

"Akala ko sa bistro ni Adam?" Taka kong tanong.

"Oh no, there's a crazy leopard in there waiting for its prey." Adam said, hula ko ay naka-loud speaker ako sa kanila.

"Oh-kay? Pauwi na rin ako nito." Sabi ko pero kaagad naman nila ako kinontra.

"Pwede ka bang dumaan sa may Ari's bakeshop? Pabili ng cookie sundae pati brownies. Tita's order pero damihan mo na. Hahahaha." Sabi ni Xenon na ikinailing ko na lang habang nakangiti.

Close talaga sila sa pamilya ko, sabi pa nga ni mommy, para daw nadagdagan ang mga anak nyang lalaki dahil sa lima. They treasure my mom too kaya ganoon na lang ang inggit ni dad minsan pero alam kong biro lang nya iyon sa lima.

"Oo na, oo na. Malapit na ako dun sa bake shop, bye na." I said and they agreed.

Nang mai-park ko ang sasakyan ay sya namang dating din ng isa pang kotse sa tabi ng pinaradahan ko.

When I went out of the car ay halos sabay lang kami ng katabi kong kotse at natigilan pa ako ng makilala ko kung sino ang laman nito.

Mukhang ganoon din sya ng mag-angat sya ng tingin at makita ako pero ako ang unang nakabawi. Ini-lock ko ang sasakyan at parang hindi sya nakita na pumasok sa bakeshop ni ninang.

Only the staffs are there, at dahil kilala nila ako ay nasagot nila ang tanong ko kung nasaan si Ninang Ari but they told me that she's in a vacation with Ninong Aidan.

I just told them my orders and I sat on a table near the floor to ceiling window to wait for it. Narinig ko pa ang order nya na kaparehas ng sa akin pero ipinagsawalang bahala ko na lang.

"Nice pretending that you didn't saw me there." Someone said na syang ikinaangat ko ng tingin mula sa binabasa kong menu.

Well what can I say, ang dating kilala ko na ayaw sa makapal na make-up ay iyon ang suot ngayon sa kanyang mukha kahit tanghaling tapat. Nakapantalon na hapit sa kanyang balakang at platform pumps na puti. She's wearing a loose shirt and her hair's tied into a messy bun.

Buti na lang galing akong salon dahil kundi, kabog na kabog ang no face make-up ko sa pormahan nya ngayon.
Ganyan talaga kapag magaganda, buhok at bare face lang, panalo na.

Just kidding.

Instead of answering her, I just looked back to what I'm reading.

"Good thing na nakita kita. I wanted to talk to you." She said and sat on the chair infront of me kahit na hindi ko naman sya inimbita na maupo doon.

You know why I'm not answering her? Dahil tunog maldita pa rin sya, akala ko naman may nagbago na sa kanya sa mga nakalipas na taon. Pero mukhang pisikal na anyo lang at lalong lumabas ang tunay nyang ugali.

Pero dahil nakikipagusap din naman ako sa mga pets, why not try talking to her too? Speaking of, sana dala ni Adam si Kevin, hiniram nya kasi sa akin si Kevin ng umuwi ako dito, pumayag ako basta ba aalagaan nya ang baby ko.

"Well then, what do you want to talk about?" I said and looked at her.

"Layuan mo si Phoenix." She said that made me scoff.

"Well hello to you too." I said instead.

"I'm serious Aliah. Hindi mo gugustuhing makalaban ako sa oras na malaman kong nakikipagkita ka sa kanya, I saw you both talking in the hospital, at sana naman ay iyon na ang huli." Matapang nyang saad na imbes na magalit ay natawa ako.

Love Me Back [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon