Forty Five

4.1K 74 0
                                    

Permission

Third Person's POV

"Good morning." I greeted Luna and Rio nang makarating ako sa nurse's station. Just a normal day in the hospital, tiring, but fulfilling.

"Good morning din doc ganda. May nagpapabigay na naman sayo." Nanunukso ang ngiting inabot sa akin ni Luna ang kumpol ng wild flowers.

Napangiti na lang ako at nang tignan ko ang maliit na card na kasama nito ay tama nga ako ng hinala.

It was from Eugene kaya binilisan ko na ang pagsusulat sa log book at pumasok sa doctor's lounge para ilagay doon ang gamit.

I picked up the moment my phone rang.

"Don't ask, you know I like it." I said to Eugene and I heard him chuckle.

"Glad to hear that. I'll picked you up at lunch. Are you craving for something to eat?" He asked that made me think.

"Hmm...well. I don't know. You think. Today's gonna be a busy day as usual, plus I have to attend rounds later at one." I said while putting on my robe.

"Okay, then let me decide for our lunch then. I'll see you later Aly." He said and I nodded even when he can't see me.

Napalinya din ang mga labi ko dahil sa pinipigil na ngiti.

"Yeah, see you later." I said and hanged up.

Napapailing habang nakangiti na nakatingin lang ako sa phone kong namatay na ang ilaw bago ito inilagay sa bulsa ko.

I look at the flowers he gave me and sigh. He always give me flowers every morning, madalas din ay sabay kaming magla-lunch, o kung hindi naman ay dinner kapag inaabot ako ng gabi sa ospital.

If I don't forget mom's packed lunch, iyon ang pagsasaluhan namin, pero kapag nakalimutan ko naman—which I always do and my mom's upset about it—sa canteen or sa mga restaurant na nasa labas ng hospital kami kakain.

Madalas din akong tuksuhin nina Luna at Madette sa "manliligaw" ko daw. Pero wala namang sinasabi si Eugene, ayoko rin namang mag-assume dahil tapos na ako doon matagal na panahon na. I just think that he's making up for the times that we've lost together as friends.

Pero minsan, kahit ang tatanda na namin, I couldn't help but to get confuse sometimes. Sometimes he's extra sweet, sometimes he looks like he's stopping himself from something to go far beyond of what we have? I don't know, I never had the guts to ask him. Kaya hangga't wala syang sinasabi sa akin ng deretsyahan, hindi ko hinahayaan ang sarili ko na mag-assume sa kanya ng bukod pa sa magkaibigan.

I just sigh and went out of the lounge to start working again. Kailangan ko munang bisitahin ulit ang mga nasa ward at kuhanin ang test results ng isang pasyente na nakaschedule for surgery mamaya.

Nakakapagod ang trabaho pero masaya akong nakakatuklas ng mga bagong bagay at alam kong kakailanganin ko din naman yung mga ginagawa ko balang araw kaya okay lang din. Mamaya, Dr. Ramos, told me I could scrub in as I learn and to assist him along with the surgery team. I'm excited for later that's why I couldn't wait for lunch time to come.

~

"Doc, pwede ho bang magtanong?" Saad sa akin ng isang ginang na ikinatigil ko sa paglalakad. Kaagad ko naman syang namukhaan na ina ng isa sa mga pasyente namin, tumango ako't nginitian ito.

"Ano ho iyon?"

"Eh, aasikasuhin ko sana yung mga babayaran namin. Sa laki nitong ospital, hindi ko malaman kung saan yung itinuro nung nurse na billing station. Nakakahiya man, pero pwede bang pakituro sa akin?" Saad nito, halatang nahihiya nga ang ginang na nginitian ko't ikinatango.

Love Me Back [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon