Forty Seven

3.9K 72 5
                                    

With him

Aliah Alexandria King

"Is your head okay?" He asked the moment we went out of the mansion.

Hinihintay namin si mommy na makapagayos, I already took a bath so I just added something on what I'm wearing, Eugene won't even let me wear shorts and dad agreed—which is weird since hindi umaayon si daddy sa kanya kanina— pero syempre, kakampi ko si mommy, besides, I feel like wearing short jeans today dahil palagi akong nakapantalon sa ospital.

He's wearing jeans, black and red plaid long sleeve shirt and brown Timberland boots. Ang bango-bango nyang tignan at for sure eh marami na namang mapapasunod ng tingin sa kanya mamaya sa mall.

Pero syempre hindi ko sasabihin yon.

"Yeah, nakainom na ako ng pang-hang over." Sagot ko at tinakpan ang bibig sa paghikab.

"Still sleepy?" He asked as he went near me. Inayos nya ang buhok na nakaharang sa mukha ko na ikinangiti ko pero umiling ako.

"Hindi naman, sakto lang. Bakit ka nga pala pumuntang bahay?" I asked.

"Well I was about to ask you out on a date since alam kong off mo ngayon, and here we are." He said.

"Gusto mo pagdating sa mall, bumukod tayo kina mommy." Suggestion ko, I'm sure mom will understand.

"Hindi na, I'm actually willing to come with you ladies. Besides, I can be with you all day too." He said that made me smile.

"Nagpapalakas ka sa nanay ko no?" Biro ko.

"Halata ba?" He faked a shock that made me laugh.

"Ehem! Bakit hindi mo pa inii-start ang kotse?" Parang boss na tanong ni daddy kay Eugene na ngumiti lang at binuksan ang kotse't pumasok sa driver seat.

"Ikaw talaga! Tigil-tigilan mo na nga yang pagpapanggap mong ala-don." Sita ni mommy na ikinangisi lang ni dad.

"Bakit ba love? Eh sa natutuwa pa akong pahirapan yang manliligaw ng anak natin." Angal ni dad na natatawa.

"At ikaw Aliah, sweetheart, pahirapan mo muna bago mo sagutin ah?" Sabi ni daddy na ikinatawa ko lang.

"Psh. Osya, aalis na kami. Dadaanan pa namin si Quennie at Stephanie." Sabi ni mom at humalik na lang ako sa pisngi ni dad at nauna ng sumakay sa passenger seat sa tabi ni Eugene bago ko pa makita ang lambingan ng magulang ko.

"Where's tita--"

"Op op ops. Privacy, dito ka tumingin." Sabi ko habang hawak ang baba nya na marahan kong ipinaharap sa akin ng akmang titingin na sya sa kinatatayuan nina mommy.

Syempre hindi naman sila naghahalikan no, more on lambingan ng mga magulang ko na curtsy na lang ang pagbibigay sa kanila ng privacy.

Kahit naman hindi na sila teenagers na matagal magpaalamanan—well, they are like teenagers na matagal magpaalamanan. Inlove na inlove pa rin silang dalawa sa isa't-isa at bago mo sila mapaghiwalay, dadaan ka muna sa isanhg daang alien, mga blackholes at limang planeta, syempre imposible yon kaya mahirap talaga.

That's why I want a love like theirs.

"Wag kang mag-alala, sayo lang ako titingin." Eugene said.

"Ohoho. Bumabanat ba si Eugenio Smith?" Tukso ko sa kanya na ikinasimangot nya.

I used to teased him Eugenio sometimes, just to annoy him.

"Pasalamat ka..."

"Na ano? Pasalamat ako na ano?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko.

Love Me Back [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon