Thirty Three

4.2K 93 3
                                    

Changes

Aliah Alexandria King

"Kuya! Good news! I have a week vacation to spare before I start med schooling!" Masaya kong anunsyo kay kuya sa telepono.

It's been what? Four years, since I moved in the States. Tapos na ako ng bachelor degree ko, puro school bahay lang talaga ako at minsan lang kung makapamasyal dahil siniguro kong maipapasa ko lahat ng subjects ko, and here I am, excited for more years of studying to come.

My parents flew all the way here to celebrate with my little success pero umuwi din sila kaagad because of some important matters about business. That's okay though, dahil mostly sa mga bakasyon ko ay sumasama ako paminsan-minsan sa mga training program, minsan naman ay nagbo-volunteer ako as helper sa mga training camp.

The years have passed was nothing but freedom and fulfillment. Mas naramdaman ko ang maging normal, iyong ako lang si Aliah Alexandria King na isang simpleng estudyanteng maraming pangarap. Hindi ako ang King na anak ng dalawang sikat na businessman at kapatid ng isang tanyag na prodigy sa business world. O kahit ang King na ate ng isang sikat na superstar.

I'm already twenty two, but I can say that I've changed a lot. Ang mahaba kong buhok na hanggang lower back ay pinaiklian ko ng hanggang dibdib na lang. I've tried different hairstyles pero mabilis lang talagang humaba ang buhok ko.
Hindi na rin ako nangangapa sa kusina, na-master ko na rin ang paglalaba at pagkukusot ng sarili kong damit.

I can finally say that I am a strong independent woman tested by years.

Marami rin ang nagtangkang manligaw sa akin, mga nagpahaging, mga nanuyo na kaagad kong tinanggihan. Hindi ako nagpunta ng ibang bansa para maghanap ng love life. Nagpunta ako sa ibang bansa para hanapin ang sarili ko at makapagtapos ng pag-aaral. Pero sadyang may mga makukulit talagang tao, kaya ang laking tulong din na kasa-kasama ko si Kevin.

Everyone in my school thought Kevin is a guy that I'm dating. Hindi nila alam na alibi ko lang ang mabait at mataba kong alagang pusa.

I have constant communication with the boys and with my family, at eto nga, hindi ko pa tinatawagan si mommy dahil itatanong ko muna ang plano ni daddy para sa wedding anniversary nila through kuya.

"That's good. Sa private island na binili ni dad nya balak dalhin si mom. I can send our private plane there para sunduin ka, then you can just ride a chopper papunta sa isla." Kuya said and I nodded my head at inilagay ito sa pagitan ng pisngi at balikat ko para mabuksan ko ang pack ng cat food ni Kevin at malagyan ang pakainan nya.

"Oh, I bought them a gift, you think they'll like it?" I asked.

"I'm sure they'll love anything from you. Kilala mo naman sila, I, am the one who has a gift for you once you get home." Kuya said that made me squeal.

"Really??? I mean, there's no need for that kuya." I said trying to compose myself.

I heard him chuckle on the other line.

"It's a graduation gift." He said na ikinalinya ng mga labi ko.

"Then I can't wait to go home!" I said as I pet Kevin.

"Mag-iingat ka pag-uwi. Ninong Piolo will be the one picking you up." He said.

"Okay, ikaw kuya? Kamusta ka naman?" Tanong ko habang hinahaplos ang ulo ni Kevin.

"I'm...I'm good. Just busy with the office and stuff. Even if mom still wants to help running the business, I just tell her that dad and I can handle it. As much as possible, mas gusto ko na lang na i-enjoy ng parents natin ang meron tayo." Kuya said that made me smile a little.

Love Me Back [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon