Thirty

4.3K 82 4
                                    

Doubts

Phoenix Lazaro

Nandito lang ako sa tapat ng bahay nila, hinihintay na lumabas sya para makita ko man lang ulit ang mukha nya.

It's been weeks since the last time I saw her, I hope she's okay now. Alam kong hindi nya ako kakausapin dahil hindi pa nya kaya.

Kaya ganoon na lang ang gulat ko ng marinig ang pagbukas ng gate nila. Napaayos ako ng tayo at tumingin muna sya sa kaliwa't kanan bago tumawid at naglakad papalapit sa akin.

"Pho..bakit hindi ka nagpasabing nandito ka pala? Kung hindi ka pa nakita ng maid hindi ko pa malalaman na nandito ka." Celine said, she has a smile in her face but that doesn't hide the sleepless nights she had.

It looks like she even lost her weight too.

"Kumakain ka ba ng maayos? Ang payat mo na." Puna ko na ikinatigil nya kasabay ng pagbigay nya sa akin ng malaking ngiti. But I knew her better, pinipilit nya lang.

"Oo naman. Kumakain kaya ako, pero kung mukha akong payat then that's better right? Hindi ko na kailangang magdiet." Pagbibiro nya pero hindi naman ako natawa.

"Huwag mong pabayaan ang kalusugan mo."

"I know I know." She said as she tries to dismiss the topic. Napabuntong hininga na lang ako at inayos ang takas na buhok nya.

"Wanna hang out?" I asked that made her stop. Until she slowly smiled and nodded her head.

"Wait lang, mag-aayos lang ako." She said and I nodded with a smile.

"I'll wait for you." I said as she turn her back on me.

I'll wait for you Celine, I'll wait until you can reciprocate my feelings.

It took an hour for Celine to get out of their house, sanay na naman ako sa bagal nyang kumilos. Akmang sasakay na ako sa motor ko ng pigilan nya ako.

"Papalabas ko na lang yung kotse sa driver namin. I can't ride that Pho, I'm wearing a skirt, see?" She said as we both look down to what she's wearing.

Nag-angat na lang ako ng tingin sa kanya at nakakaunawang tumango. I look at her as she dialed her driver's number.

She's wearing a blouse partnered with skirt, nakadi-takong na sapatos din sya, mostly same outfit as Aliah maliban sa sapatos. Pero nagagawa pa rin nyang sumakay sa likod ng motor ko na akala mo ay hindi babae.

Naiiling na lang ako sa naiisip ko, Celine is much better, feminine, reserved, hindi mo pa nga sya mapapaalis sa bahay nila kung hindi mo sya aayain at kung wala sya sa mood.

"Here." Celine said as she showed me the car keys.

Nailabas na pala ang kotse nila ng hindi ko namamalayan.

"Ipinapasok ko na sa driver namin yung motor mo para kukunin mo na lang mamaya pagbalik natin. Let's go?" She said and I nodded my head as I grab the keys from her hand.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong nya habang inii-start ko ang kotse.

"You'll know soon." I said and winked at her, but she rolled her eyes before laughing.

"Come on Pho, hindi pwedeng hindi ko alam. Baka dinala mo na pala ako sa malayo, wala pa akong kaalam-alam." She said that made me stop.

"You don't trust me?" I asked, trying to joke but deep inside, I felt like someone punched me in the heart.

"Ofcourse I trust you. Gusto ko lang malaman kung saan para naman prepared ako." She said at naiiling na pinasibat ko na lang ang kotse.

"We're just gonna hang out, sa mall, sa park, anywhere." I said and she nodded.

Love Me Back [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon