Forty Two

4.2K 79 2
                                    

Confusion

Aliah Alexandria King

"Coffee for a beautiful lady." Napaatras pa ako ng isang hakbang ng bigla-biglang sumulpot sa harapan ko si Eugene na may bitbit na kape.

Tinaasan ko sya ng kilay ngunit kinuha rin ang ibinigay nya.

"Really Eugene? You're still into this game?" I asked and he shook his head, ipinatong pa nya ang isa pang kapeng dala nya na nasa cup holder sa tabi namin.

Nasa may reception counter kasi kami at nandoon si Luna na nakatingin sa aming dalawa at hindi ko na pinansin na muna.

"I'm not. To be honest, I want to tease you, well, I was teasing you before but then I don't want you to hate me more. I've given you scars and I want to erase that in any way possible. So, your old Eugene is back." He said as he has this proud smile on his face that made me roll my eyes.

"Whatever." I just said instead and focused on the papers I'm reading.

Nakita ko syang ngumiti na tila alam nyang wala na akong magagawa.

To be honest, I am reading all his letters every night, pagkatapos kong magbasa ng medical books, bago ako matulog ay kukuha ako ng isa sa mga sulat nya at babasahin iyon.
It was dated the same day he receives my letters. Halata naman na luma na ang mga papel at matagal na nga ang mga sulat, and each letter I read, it gave me a familiar feeling, it was like it gave me a peek of what happened to him through his words.

"Paki-follow up na lang to kay Dr. Reyes kapag dumating na sya ah? Kailangan ng recommendations nya dyan." Sabi ko kay Luna na ngumiti naman at tumango saka binalingan ang lalaking nakatingin lang sa amin.

"What?" I asked.

"Nothing, ang laki lang ng ipinagbago mo. But at some point, I can still see the Aliah I grew up with." Saad nya na ikinalinya ng mga labi ko.

"Wala ka bang trabaho?" I asked.

"Meron. Now that you've mentioned it. I need to go, I'll see you later." He said as he stood up straight.

Hindi pa ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng halikan nya ako sa pisngi at tuluyan ng umalis. Hindi ko maiwasang mapahawak sa pisngi ko kung saan dumait ang labi nya.

Just what the heck did he do? He doesn't have the right!

"Uy~ si doktora kinikilig." Tukso ni Luna na ikinatingin ko sa kanya.

"Gutom lang yan Luna." Sabi ko na ikinatawa nya ng bahagya.

"Manliligaw mo ba yun doc? Infairness, ang gwapo-gwapo! Bagay kayo!" Tila kinikilig na sabi nito.

"Hindi ko yun manliligaw." Sabi ko sabay inom ng kape.

"Pero bet mo no?" Tukso nya pa ulit na ikinasamid ko.

"Aw! Aw! Aray! Shit!" Angal ko dahil napaso ang dila ko.

"Hala doc! Aminin mo na kasi, halata naman sa mga tinginan nyo. Yeei." Imbes na abutan ako ng tissue, mas lalo pa nya akong inasar.

Naiiling na lang na umalis ako sa nurse station at inubos na ang kape bago ito itapon sa basurahan.

~~

"Girls, anong gagawin ko?" Tanong ko kina Adam na pare-parehas akong tinignan ng masama.

"Kelan pa kami naging babae? Sa gwapo kong 'to?" Naiiling na saad ni Xenon.

"Ikaw lang?" Sabat ni Reid.

"I'm just kidding you guys." Natatawa kong sabi na ikinasimangot nila.

Love Me Back [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon