Fifty Five

4.8K 63 3
                                    

Proposal

Aliah Alexandria King

"Baby do you miss me? Ohh, I miss you too!" Pagkausap ko sa pusa kong si Kevin habang nandito kami sa may family room, maga-alas otso na kaya tahimik lang ang paligid. Hinimas-himas ko pa ang leeg nito at niyakap-yakap.

"I still can't believe that you call him baby when you can't even call me on our own endearment." Eugene said that made me look at him.

We've been together for almost two years now, pero nagagawa ko lang syang matawag sa endearment namin kapag nagtatampo na talaga sya. I don't know why, but I just like his name so much.

Sa dalawang taon namin na pagiging mag-nobyo, kinukumbinsi na kami ng mga magulang namin na magpakasal na tinatawanan lang naming dalawa.

Hindi sa hindi pa kami handa, sadyang hindi pa lang nagtatanong si Eugene. Kung ako ang tatanungin, I am always ready for everything as long as it's with him, pero kapag may boyfriend kang mahaba ang pasensya at hindi napapagod na maghintay, nakakahiya naman na ako pa ang magi-initiate ng usapang kasal. Besides, masaya naman kaming dalawa.

I just turned thirty this year, and I was joking dad if I can get married now tuwing kami-kami lang and he would answer me with a grumpy face. But he'll smile after and tells me to do what makes me happy.

"What's your endearment tita? Papa and mama calls each other hon. What's hon? Is it food?" Aurora butted in that made me look at her this time. Katabi ko kasi sya na pine-pet din si Kevin, ang pusa kong mataba na wala ng ginawa kundi kumain, matanda na kasi.

Kuya and Ate Stephy went to the doctor for her monthly check-up dahil malapit na ang kabwanan nito sa second baby nila, kaya sa amin na muna naiwan si Aurora na tuwang-tuwa naman. 'Cause that means she can sleep late watching all the shows she likes, she can eat chocolates or anything she likes without limit. Kumbaga, wala kasi ang mga magulang kaya libreng gawin ang gusto nito, lalo na kapag kasama nya sina daddy at mommy.

Natawa ako at sinagot ang tanong nya.

"He's my hubby and I'm his wifey. Hon is short for honey Au, you'll know more about it when you grow older." I said and she nodded her head.

"But your tita only calls me that when she's up to something." Eugene said that made me laugh more because I'm guilty about it.

"Eh hindi talaga ako sanay eh. Saka ikaw din naman ah? Our names are enough." I said and he sigh.

"You're the boss." Kibit-balikat na sagot nya na nangingiti nya.

"Where will Kevin sleep tonight tita?" Aurora asked.

"Beside me." I said.

"What???" Nagtatakang napatingin naman ako kay Eugene na napatayo pa sa kinauupuan nya.

"Oh? Bakit?" Tanong ko.

Napabuntong hininga na lang sya at napahilot sa sentido.

"Ang swerte naman ng pusang yan." Bubulong-bulong na sabi nya na hindi ko narinig.

"Ha? Ano?" Tanong ko pero umiling lang sya.

"Wala, do you want to go out today?" He asked and I shook my head.

"Ayoko, dito na lang tayo. Pero ikaw ba Au? You want to go somewhere?" Tanong ko sa pamangkin ko na umiling lang din.

"Ah! I know na tita, let's play hide and seek! Ikaw po ang taya!" Sabi nito saka ako marahang tinapik sa braso at sabay baba sa sofa.

"Hey! Hindi pa game!" Angal ko pero nagbelat lang ang magaling kong pamangkin at hinigit si Eugene para magtago na.

Nakangiting napapailing na lang ako at pumikit. Sa laki ng mansyon, for sure mahihirapan akong hanapin ang dalawang yun. Idagdag pa na gabi na, buti na lang well-lit ang kabuuan ng bahay namin.

Love Me Back [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon