#4 : ARAW

428 7 0
                                    

June 24, ito yung araw na una nating nagkasama. Ito yung araw na matagal na nating hinihintay. Ito yung araw na pinakamasaya sa boung buhay ko.

June 29, panggalawang araw na muli tayong nagkita. Yung araw na akala natin yun na yung last meet natin.

July 4, ikatlong pagkikita natin. Ito talaga yung tumatak sa isip at puso ko na ito na yung huling pagkikita natin. Uuwi kana baby, lalayo na naman tayo sa isa't isa.

Ang sakit isipin sa mga araw na sabay tayong nagtatawanan, nag-iiyakan.
Yung araw na pinaka una nating nagkita. Simula sa paglakad, sa van, sa motorela, sa bahay at sa pag uwi mo.
Hindi madaling kalimutan ang mga nangyari satin mahal dahil yun ay napakahalaga sa akin. Yung mga asaran natin at kulitan, nagtatapos sa awayan pero syempre ako yung magpapasuyo sayo kahit ikaw yung galit.

Sa bawat segundo, minuto at oras na nagkasama tayo. Lahat yun ay alam na alam ko pa.
 Yung tipong gusto niyo na makasama ang isa't isa pero hindi pwede. Meron talagang pero sa lahat ng gusto.
Namimiss ko na yung boses mo,
yung tawa mo, yung pisnge mo,
basta na miss ko lahat.

Sana, sana mahal hindi ka magbabago.



Please  Vote & Comment
Suggest kayo ng paksa ^_^

xoxo, jaymelat

Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon