#9 : BIGLANG NAWALA

283 5 0
                                    

Sinimulan ko at tatapusin mo.

Mahal na mahal kita
at kahit may mahal kang iba,
andito parin ako,
nagmamahal sayo.

Isang araw sinabi mo saking mahal mo rin ako,
at hindi ako naniwala dahil alam ko hindi basta basta nawawala ang pagmamahal sa isang tao.

Sabihin nating OO umasa ako,
umasa ako na mamahalin mo rin ako.

Lumipas ang mga araw tayo'y nagkakaintindihan,
masaya ako pero,
may kirot sa puso.

Alam ko hindi mo ako mahal pero,
andito parin ako nagpapaka tanga sayo.

Nanghihina ang puso ko tuwing nasasaktan ka.

Mga binitawan mong salita ay itinatak ko saking isipan kasi sabi mo mahal mo ako at pinipilit mo iyon.

Diko alam kung saan ka napunta
dahil bigla kang nawala.

Walang paalam, walang rason kung bakit nawala, walang isang salita na lumabas sa bibig mo para sabihing AALIS NAKO SA BUHAY MO.

Bakit umalis ka bigla?
Bakit iniwan mo akong mag-isa?

Dibaling iniwan mo ako,
wag na wag kanang bumalik sakin dahil tapos na ako sayo.

Sinaktan mo na ako kaya wag na wag kanang bumalik at sabihin muling ako ang mahal mo.

Salamat ah, pero natuto nako.

"Ako ang unang nahulog pero ikaw ang huling babangon."



Please Vote & Comment
Suggest kayo ng paksa ^_^

xoxo, jaymelat

Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon