#15 : BAGONG TAON

104 2 0
                                    

Maligayang Bagong Taon sainyong lahat! Salamat sa patuloy na pagbabasa sa aking mga tula.🎉❤️

----------------------------------

Bagong taon.

May bagong pag-asa,
para sa taong umaasa.
Hiling may maging masaya,
sa sarili mo'y dapat di mo ipagkakaila.

Marami ng nangyari sa ating mundo ng nakaraan na taon,
kaya ngayon sabay-sabay tayong humiling na sana'y maaayos at ligtas ang lahat sa bagong taon.

Sakit at lungkot,
ang nabuo sa ating pusong malambot.
Kahit kailangan ay hindi nagtanim ng poot,
sa pusong malambot.

Alam kong pagod ka na,
ngunit wag kang sumuko sa laban mo.
Sapagkat mas pagod ang mga bumubuhay sayo,
isipin mong andyan ang magulang mo hindi ka nag-iisa.

Hindi ka nag-iisa sa laban ng buhay,
kaya wag kang humiling na sana'y ika'y mamatay.
Kung tutuusin man ay dapat tayong positibo sa pamumuhay,
sapagkat isa ito sa kinukunan natin ng lakas upang mabuhay.

Kung ngayon ay negatibo ka,
hali ka't gawin nating positibo at masaya.
Isang beses lang tayo mabubuhay,
kaya ngayon ay dapat tayong maglibang at gawing makulay ang buhay!


Please Vote & Comment
Suggest kayo ng paksa ^_^

xoxo, jaymelat

Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon