Nagsimula ang lahat sa isang tingin mong nakakahumaling.
Ako rin nama'y tumingin saiyong mga magandang mata.
Nagbabaka sakaling pwedeng makahiling.
Sabihin kay bathala na gusto kita simula ng una nating pagkikita.Simula palang gumawa na ako ng pader upang ako'y hindi mahulog sa isang tulad mong malabong maging akin.
Ngunit bakit ba? bakit ba ngayon ay hinahanap na kita?
Ngayo'y tumatanaw sa itaas habang tumitingin sa nagkikislapang mga bitwin.
Para kang bitwin, na sa akin ay mahirap abutin.Hindi kaman katulad sa mga lalaking natitipohan ko, ngunit nakuha mo naman ang puso ko.
Kabaliktaran kaman sa ninanais ko, ikaw parin ang hinahanap ng puso ko.
Ewan ko ba, hindi ko na alam kung saan ito patungo.
Basta't ang alam ko ngayon ay, dahan-dahang nahuhulog ang puso ko sayo.Hindi dapat, hindi dapat akong mahulog sa isang tulad mo.
Hindi ikaw ang aking tipo!
Hindi ikaw ang ninanais ng puso ko!
Ngunit bakit ba? sa isang iglap ako'y nahulog saiyong ngiti na gumuhit saiyong labi.Hindi pwede, hindi pwedeng ipagpatuloy ko pa ito.
Dahil ito? ay hanggang Marso Nuwebe ng gabi lamang ang hantong nito.
Hindi pwedeng mas magustohan kita ng lubos ngunit dahil sa araw nalang na iyan ang pag-asang makasama ka.
Kaya't sa araw na iyan, iisipin kong ika'y naging akin at ako'y sayo kahit yun ay hindi totoo.Paalam, mahal ko.
Nawa'y makakita ka ng babaeng magpapasaya sayo at mamahalin ka ng lubos.
Mag ingat ka sa byahe ng iyong buhay sapagkat kahit ganayan ka ay nagustohan parin kita.
Nawa'y nasiyahan ka at napasaya kita sa isang araw na tayo'y nagkasama.Please Vote & Comment
Suggest kayo ng paksa ^_^xoxo, jaymelat
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry (Tagalog)
PoesieSana magustohan niyo ang ginawa kong mga tula para sainyo, lahat po yan ay karanasan ko. Salamat! •Malayang Taludturan •May tugma ngunit walang sukat •Walang tugma at sukat •Tanka •Haiku (soon) --lerra