Chapter 15

1.4K 107 48
                                    

Awkward.

Iyan ang eksena sa loob ng kwarto ni Zac, nakaupo ang dalawa sa kama nito at wala ni isang nagsasalita sa kanila, alas dos na ng madalis araw at parehong walang kumikibo sa dalawa. Balak na sanang umamin ni Celine pero hindi niya alam kung saan niya yun sisimulan.

"A-Actually, pwede naman tayong mahiga." Suggestion ni Zac dahil mas nagiging awkward ang buong paligid dahil nakaupo silang dalawa habang may nakapagitan na ilang dangkal na layo sa isa't isa.

"Y-Yeah, tama ka." Sabi ni Celine bago siya awkward na nahiga. 

Pinanuod siya ni Zac sa paghiga niya, pero kalaunan ay hindi ito nahiga sa tabi niya. Nagtaka si Celine kaya naman tiningnan niya ito na para bang nagtatanong na.

"Saglit lang." Tumayo si Zac at nagmamadaling pumasok sa banyo.

Nanatili si Celine sa higaan habang tinitingnan niya kung saan pumunta si Zac, nakatitig lang doon ang anghel dahil ilang minuto na siyang naghihintay doon pero hindi lumalabas si Zac, kaya naman ng makarinig siya ng malakas na pagbagsak ay dahan-dahang tumayo si Celine.

Maingat siyang lumapit sa banyo at idinikit nya ang kanyang tenga sa pintuan, nagtataka siya ng makarinig siya ng pagbagsakan ng mga gamit. Biglang umusbong ang kaba sa dibdib ni Celine dahil baka may masamang nangyayari na kay Zac.

"Z-Zac! Ayos ka lang ba?" Sigaw ni Celine habang kinakalampag niya ang pintuan.

Hindi sumagot Zac kaya mas lalong kinabahan si Celine, "Zac! Buksan mo yung pinto!"

Nakarinig siya ng malakas na pagsigaw sa loob at alam niyang boses iyon ni Zac, mas lumakas ang pagkalampag ni Celine habang paulit-ulit niyang sinisigaw ang pangalan ng kanyang nobyo.

Hindi na nakapagtiis si Celine kaya naman kinuha niya ang isang bangko at hinampas niya iyon ng malakas sa pintuan ng banyo ni Zac. Nang mabuksan niya ang pinto ay nakita niya itong nakahiga upo sa gilid habang pawis na pawis. 

"Oh my gosh." Halos walang lumabas sa bibig ni Celine ng makita niyang hirap na hirap ito sa paghinga, napansin rin niya ang isang kakaibang prutas na hawak nito. 

"A-Anong nangyari sa'yo?" Kinakabahang tanong nito. Akmang kukunin ni Celine ang hawak nitong prutas pero mabilis iyong iniwas ni Zac sa kanya. 

Itinago ni Zac iyon sa isang kabinet at hindi nalang pinansin ni Celine ang ginawang pagtago ni Zac dahil mas nag-aalala siya sa sitwasyon ng binata.

"M-Makakatayo ka ba?" Tanong ni Celine habang inaalalayan niya ito sa pagtayo pero hindi niya magawa dahil masyado itong mabigat.

"It's okay, mamaya-maya makakatayo na rin ako." Paliwanag ni Zac kahit na hirap na hirap na isya sa pagsasalita dahil hingal na hingal pa rin siya at tila ba halos mawalan na ng malay.

"Wag kang mag-alala." 

"Wag mag-alala?!" Sigaw ni Celine, hindi makapaniwala sa sinabi ni Zac.

"Papaano ako hindi mag-aalala Zac! Kung nakikita mo ang hitsura mo ngayon kahit sinong nagmamahal sa'yo mag-aalala." 

Napatikhim si Zac sa sinabi ni Celine.

"Wala ni isang nakaalala o nag-alala sa akin." Giit nito.

"Sa tingin mo hindi ako nag-aalala sa'yo?" Tanong ng anghel.

Natigilan si Zac sa sinabi ng dalaga, napatingin siya ng diretso sa mata nito, kahit mabigat ang paghinga niya ay alam niyang bumibilis pa rin ang tibok ng puso niyang akala niya ay hindi na ulit titibok ng ganto, lalo sa para sa isang babae.

"Zac naman, mahal kita!" Sigaw ng Celine.

Natulala si Zac sa mukha ni Celine pagkatapos itong isigaw ng anghel, may nangingilid ng luha sa mga mata ni Celine kaya naman kahit nahihirapan na ang binata ay inangat niya ang kanyang kamay para alisin ang namumuong luha sa mata ng anghel.

"Damn it. My angel loves me." Napakagat sa labi si Zac.

Tila nalaglag ang puso ni Celine sa sinabi ni Zac, hanggang sa narealize niyang Angel nga pala ang alam ni Zac na pangalan niya.

Napaiwas ng tingin si Celine, "Hindi ako susugal ng ganto, kung hindi kita mahal." Bulong niya.

Narinig iyon ni Zac pero mas pinili niyang huwag nalang siya kumibo.

Hindi nila alam kung papaanong nangyari na nasa kama na silang dalawa ni Zac, masyado silang abala sa isa't isa kaya naman hindi na nila natatandaan ang ibang detalye. Basta ang alam lang nila ay masaya sila.

Mabigat ang paghinga ng dalawa sa ilalim ng maliwanag na buwan, madaling araw na at tulog na ang mga tao sa syudad pero hindi ang dalawang immortal na nasa gitna ng gubat.

"Oh, fuck." Malutong na mura ni Zac habang tinitingnan niya ang anghel na halos mawala na sa kanyang sarili. 

Malamig ang panahon pero pawis na pawis silang dalawa.

 "Zac, please." Pakiusap ni Celine.

Napapikit si Zac dahil sa boses ni Celine ng tawagin nito ang kanyang pangalan, hindi niya alam kung bakit pero nanghihina siya tuwing tinatawag ni Celine ang pangalan niya.

Hindi alam ni Celine kung anong tumatakbo sa utak niya ngayon pero isa lang ang alam niya, gusto niya 'to. Ginusto niya 'to. Hindi niya alam kung pagsisihan niya ba 'to sa mga susunod na araw pero wala syang pakialam. Masyado na siyang nalulunod sa halik ni Zac sa kanya.

"Fuck, baby. Don't beg." Mariin na sabi ni Zac. 

Hindi kasi kayang ihandle ng damdamin niya yung pagmamakaawa ni Celine sa halik niya, natatakot siya na baka masaktan niya ito. Gusto pa naman niyang maging maingat sa kanya. Baka kapag pinagpatuloy pa nito ang pagmamakaawa niya ay hindi na siya makapagpigil pa.

"Hmm, Zac!" Napu-frustrate ng pagtawag ni Celine sa pangalan nito.

"Okay, okay. Damn." Natatawang sabi ni Zac dahil hindi siya makapaniwalang ang inosente niyang girlfriend ay sabik na sabik sa kanya.

Maingat lang si Zac sa lahat ng ginagawa niya, ayaw niyang masaktan si Celine pero narealize niyang masyado itong sensitive dahil simpleng hawak lang niya ay nag-iingay agad ito. Hinantay muna niyang masanay si Celine sa kanya bago niya binilisan ang bawat pag-galaw niya. 

Nang matapos na silang pareho ay bumagsak si Zac sa kay Celine, pareho silang naghahabol ng kanilang hininga, mas pawis na pawis sila kumpara kanina. 

Niyakap ni Zac ng mahigpit ang anghel, "Ako ba ang unang boyfriend mo?" Tanong ni Zac kay Celine. 

Napaiwas ng tingin anghel kay Zac, "Ikaw yung unang minahal ko." 

"Good, kasi ako na rin ang huli." Ngumiti ng nakakakaloko si Zac kay Celine, napairap ang anghel bago niya hinampas sa likod si Zac habang pinipigilan niyang matawa.

Naramdaman niyang gumilid na sa kanya si Zac at niyakap siyang muli nito, hinalikan siya nito sa kanyang noo bago nito inangat ang kanyang mukha para magtama ang kanilang paningin.

 "Thank you for loving me." Aniya bago niya siniil ng halik si Celine sa kanyang labi.

Hindi sumagot si Celine, ngumiti lang siya ng tipid dito bago tuluyang makatulog si Zac. Hinawakan ni Celine ang mukha ng natutulog niyang nobyo, hindi niya alam kung namamalikmata lang ba siya kanina.

Pero ngayon napatunayan na niya na tama ang nakita niya kanina. Nakita niyang may lumabas na sungay sa noo ni Zac, akala niya ay namamalik mata lang siya, pero hindi dahil tama siya. 

Dahil muling may lumabas ngayon habang tahimik itong natutulog.

Fallen (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon