Chapter 22

1.3K 100 19
                                    

Hindi inakala ni Zachariel na ganoon kabait na tao si Celine para makapagpatawad ng ganoon kadali, hindi niya rin akalain na ganoon katindi ang pinagdaanan ng anghel kaya naman mas lalo siyang naging maingat dito.

Nakahiga sila ngayong dalawa sa kama ni Zac, nakayakap sa kanya ang anghel habang hindi mahimbing itong natutulog, ilang araw ng walang matinong tulog si Zachariel simula ng malaman niya ang kwento ni Celine.

Not all angels are pure. Iyon ang mga sinambit ni Celine na hindi mawala-wala sa isip ng lalaki.

Sabado na ng gabi ngayon, kaylangan ng bumalik ni Celine sa langit bukas dahil kung hindi ay mahahalata siya ng mga kasama nito ang ilang araw niyang pagkawala.

Ilang araw na rin nag-aalala si Celine kay Trinity pero hindi niya kayang harapin ang babae, natatakot siya na masaktan ulit siya kapag nakita niya ito kaya naman mas pinili niyang huwag muna itong puntahan, alam naman niyang may kaibigan na si Trinity na magpoprotekta sa kanya at hindi siya pababayaan.

Kaya naman nakakaya na ni Celine na ipagkatiwala ito sa iba.

Nakatulala lang si Zac habang hinihimas niya ang buhok ng anghel, wala siya sa sarili niya. Tuwing umaga ay masaya silang dalawa pero tuwing gabi ay napapaisip na si Zachariel sa mga bagay-bagay, natatakot siya na baka isang araw ay hindi na niya makita ulit si Celine.

Nang makita ni Zac na malapit ng magliwanag ay ginising na niya si Celine, dahan-dahang napadilat ang anghel at unang bumungad sa kanya ay ang mukha ni Zac kaya naman napangiti ito bago pinikit niyang muli ang kanyang mata pagkatapos ayusin ang pagkakayakap kay Zac.

"Gising na, malapit na mag-umaga, malamang hinahanap ka na sa itaas." Paalala nito.

"Saglit nalang, gusto muna kitang mayakap ng mahigpit." Anito.

"Buong gabi ka ng nakayakap sa akin." Natatawang sabi ni Zac.

"Hehe." Yun lang ang sagot ni Celine bago tuluyang idinilat na ang kanyang mata.

"Sige na, mag-ayos ka na." 

Tumango sa kanya si Celine bago ito kumalas ng yakap, mabilis na naghanda ang anghel sa kanyang pag-alis. 

Si Zachariel naman ay lumabas saglit ng kwarto para may kuhanin sa sala, natigilan si Celine sa pag-aayos ng makita niya umalis ito. Napatingin muli si Celine, sa kulay pulang kurtina sa tapat ng lumang piano. 

Napalunok siya bago siya dahan-dahan na naglakad patungo dito, kahit nag-aalangan ay binuksan pa rin iyon ni Celine. Halos matulala siya sa nakita niya.

Isa itong lumang portrait ng isang babae, sobrang nabigla si Celine sa kanyang nakita.

"T-Trinity?" Hindi makapaniwalang tanong ni Celine, napababa ang tingin ni Celine sa nakasulat sa ilalim mukhang luma na ang pagkakaukit doon pero maiintindihan pa rin ang pagkakasulat.

"P-Princess Celestin..." Napalunok si Celine.

Mabilis niyang ibinalik ang pagkakasarado ng kurtina, wala sa sarili si Celine.

Para bang hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman o dapat niyang maging reaksyon. Narinig niyang papalapit na ang yapak ni Celine kaya naman mabilis niyang pinunasan ang tumakas na luha sa mga mata niya.

Matapos ng maiyos ni Celine ang kanyang sarili ay lumingon siya kay Zachariel na pinapanuod ang kanyang bawat galaw. Napangiti siya pero kita mo ang lungkot sa kanya. 

"Pikit ka." Bulong ni Zachariel. 

Napakunot ang noo ni Celine pero sinunod pa rin niya ang sinabi nito, pumikit nga siya hanggang sa maramdaman niyang kinuha ni Zac ang kanyang kamay at may inilagay doon.

Fallen (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon